Archive of Brgy. Calawis Antipolo Rizal

Serye ng mga inhustisya sa Rizal, magtutulak sa pag-aarmas ng mamamayan nito

Mariing kinukundena ng Narciso Antazo Aramil Command-NPA-Rizal ang iligal na pag-aaresto sa 30 mamamayan ng Brgy. Calawis, Antipolo noong Abril 13, 2021. Lapastangan ang panggigipit ng 80th IBPA sa mga Rizaleño upang iratsada ang mga neoliberal na proyekto sa gitna ng dinaranas na krisis dulot ng pandemya at kawalan ng ayuda ng mga apektado nito. […]