Walang tigil na mga EJK ng 46th IB

NPA-Western Samar (Arnulfo Ortiz Command) | Eastern Visayas Regional Operational Command (Efren Martires Command) | New People's Army
December 19, 2020
Share and help us bring this article to more readers.

Sa Western Samar, tatlong magsasaka ang pinakahuling mga biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang sa kamay ng death squad ng 46th IB. Bahagi sila ng siyam na magsasaka na pinaslang ng berdugong batalyon ngayong taon.

Pinatay ng mga sundalo si Joey Ocasla, 39, residente ng Brgy. Sinalangtan, Calbiga noong Oktubre 23 bandang alas-3 ng madaling araw. Sa imbestigasyon ng Bagong Hukbong Bayan, kumatok ang mga sundalo sa bahay ni Ocasla dahil hinahanap ang asawa nitong kapitana ng barangay. Nang si Ocasla ang nagbukas ng pinto, siya ang binaril. Naulila niya ang kanyang asawa at pitong mga anak.

Pinatay din ng mga tropa ng 46th IB si Juanita Pacayra, kapitana ng Brgy. Antol sa Calbiga nitong Setyembre. Parehong paraan ng pagkakatok ng bahay ang ginawa ng mga sundalo. Si Pacayra ang ikatlong kapitan ng barangay na pinaslang ng 46th IB mula nang ibalik ito sa prubinsya noong 2019.

Pinatay din ng 46th IB si Teddy Solayao, residente ng Brgy. Magdawat habang nasa kanyang sakahan noong Agosto. Dahil sa mga pamamaslang na ito, tumitindi ang galit ng masa sa nasabing lugar at sa mga kalapit na bayan.#

Walang tigil na mga EJK ng 46th IB