Walang labanang naganap sa Marinab, Bulan

Samuel Guerrero | Spokesperson | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | New People's Army
February 24, 2021
Share and help us bring this article to more readers.

Mariin naming kinukundena ang ginawang walang habas na pagpapaputok sa mga sibilyan ng mga elemento ng 22nd IB kahapon, Pebrero 23, sa Barangay Marinab, Bulan, Sorsogon. Nasugatan at nasa ospital ngayon ang magsasakang si Salvador Magas na taga-Barangay Taromata ng nasabi ring bayan.

Pinalalabas ngayon ng 22nd IB na nagkaroon ng labanan sa lugar at si Magas daw ay mandirigma ng NPA. Tinamnan nila ng baril, bomba at iba pang umano’y ebidensya ang walang kalaban-labang magsasaka.

Sinasabi pa ng 22nd IB na oras na matapos ang pagpapagamot ay ilalagay nila si Magas sa kanilang kustodiya–isang napakalaking kawalanghiyaan!

Ang dapat na gawin ng 22nd IB ay sagutin ang pagpapagamot at pagpapagaling ng biktima, bayaran ang sana’y kikitain niya habang di pa makapagtatrabaho at tigilan ang planong panggigipit at pagsasampa ng kaso laban sa kanya. Dapat din lamang na aminin ng 22nd IB na walang nangyaring labanan at panagutin ang mga sundalong gumagawa ng ganitong mga abuso laban sa mga sibilyan.

Walang labanang naganap sa Marinab, Bulan