Tatlong sibilyan ang detenido ng 31st IB sa Donsol

,

Kinukundena namin ang pagdukot ng 31st IBPA sa tatlong magsasakang sibilyan sa Donsol nitong Hunyo 6. Ang mga biktima ay sina Etoy Magdamit Jr. at Antonio Razo Jr., kapwa taga-Barangay San Francisco, at si Salvador Moscoso, taga-Barangay Cabugao ng naturang bayan.

Nagkokopra ang nabanggit na mga sibilyan habang ginagalugad ng mga elemento ng 31st IB ang kabundukan nang lugar. Hanggang ngayon ay idinidetine pa ng mga sundalo ang mga biktima.

Iginigiit namin na dapat palayain ng 31st IB ang tatlong sibilyang walang kalaban-laban. Nananawagan kami sa CHR-Bicol na siyasatin ang kaso, tulungan makalaya ang mga biktima at panagutin ang mga salarin.

Tatlong sibilyan ang detenido ng 31st IB sa Donsol
n/a