Sgt. Dominguez at tauhan nito, sugatan sa demolisyon ng BHB – Camarines Sur

NPA-West Camarines Sur (Norben Gruta Command) | NPA-Camarines Sur (Eduardo Olbara Command) | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | New People's Army
June 03, 2021
Share and help us bring this article to more readers.

Tagumpay ang mga kagawad ng Norben Gruta Command – Bagong Hukbong Bayan West Camarines Sur (NGC – BHB West Camarines Sur) sa dalawang magkasunod na operasyong demolisyon nitong nakalipas na Mayo 30, taong kasalukuyan sa Brgy. Cambalidio, Libmanan, Camarines Sur. Apat ang sugatan sa mga elemento ng 9th IB PA.

Naunang tinambangan ng mga kasama ang isang Sgt. Dominguez ganap na 7:15 ng umaga. Pabalik na noon si Dominguez sakay ng kanyang motorsiklo sa detatsment mula sa bahay na kanyang ipinapagawa para sa kanyang kinakasama. Si Dominguez ang kumander ng tropa ng 9thIB na nakabase sa Brgy Cambalidio, Libmanan.

Kasunod nito, sa parehong araw, ganap na 7:24 ng umaga din, nasugatan naman ang tatlong tropa ng 9th IB PA sa sumunod na demolisyong ipinakat ng mga kasama. Pauwi na noon ang mga sundalo mula sa kanilang operasyong militar.

Kilala ang mga sundalo ng 9thIB PA sa kanilang pambubugbog, pananakot, at pambababae sa mga baryong kanilang binabasehan.

Galit na galit na ang mamamayan ng Libmanan dahil sa kanilang walang patumanggang operasyong militar. Hindi sila makapunta ng kanilang sakahan dahil sa takot na mapagbuntunan ng galit ng mga sundalong nag-ooperasyon.

Panawagan ng NGC – BHB West Camarines Sur sa mga mamamayan ng Libmanan, patuloy po tayong maging mapagbantay sa mga pang-aabusong militar at iulat sa mga kinauuukulan. Hindi magdadalawang isip ang NGC – BHB Camarines Sur na bigyang katarungan ang mga ganitong pang-aabuso ng mga militar.

Sgt. Dominguez at tauhan nito, sugatan sa demolisyon ng BHB – Camarines Sur