Salvador Hisuan — hindi aktibong kasapi ng NPA

Julio Montana | Spokesperson | Panay Regional Operational Command | New People's Army
October 15, 2018
Share and help us bring this article to more readers.

Gustong linawin ng Coronacion Chiva “Waling-waling” Command na si Salvador Hisuan ay hindi aktibong kasapi ng anumang yunit, opisina o organisasyon ng New People’s Army.

Baligtad ito sa inanunsyo ni Col Benedict Arevalo ng 301st Infantry Brigade na “si Hisuan ay ang kumander ng Regional Sentro de Grabidad (RSDG) yunit at ng Regional Operations Command (ROC).” Iginigiit ni Arevalo na aktibo pa na kasapi ng NPA si Hisuan para magkuha ng pogi points sa kanyang kredito at upang magdagdag ng lasa sa niluluto na kasinungalingan ng AFP na Red October na binawi na ng DND Secretary Delfin Lorenzana dahil hindi naman pinaniwalaan ng publiko.

Si Hisuan ay kinuha na sa lista ng NPA mula ng mag-AWOL siya noong Septyembre 2014. Nang mahuli siya ng Oktubre 9, 2018 sa lungsod ng Iloilo inamin mismo ni Hisuan na noong 2014 nagsurender na siya kay Lt Col Magbalot ng 61st IB.

Lubos na kasinungalingan din ang ipinaghahambog ng pamunuan ng 61st IB na sa mismong araw ding iyon nagsurender ang tatlong diumano NPA na mga kasapi din ng “Strike Force of Sentro De Grabidad (SDG) of the NPA of Central Front, Komiteng Rehiyon-Panay” na sina Marlon Castor Lozada alias Niko, 34; Jomar Camarig Depalubos alias PG, 29, pawang residente ng Sitio Inuscan, Barangay Cahigon, Calinog, Iloilo; at Pablito Lozada Depalubos alias Atlas, 49, residente ng Sitio Tinabasan, Barangay Buri, Tapaz, Capiz.

Batay sa opisyal na rekord ng NPA-Central Front, si Marlon Castor Lozada alias Niko ay kinuha sa lista ng NPA-Central Front umpisa pa noong 2008 at ilang beses na nagsurender sa militarya. Habang ang dalawa pang nabanggit na surrenderers ang wala sa lista at hindi naging bahagi ng anumang yunit ng NPA sa ilalim ng NPA-Central Front.

Walang ibang layunin ang pagpresenta ng pamunuan ng 61st Inf Bn ng mga fake at recycled surrenderers kungdi ang pagbulsa ng mga matataas na opisyal nito ng minilyong pondo sa ilalim ng kanilang programang E-CLIP o Enhanced Local Integration Program, isang pekeng programa ng pagpasurender. Gusto ring ipakita ng pamunuan ng 301st Inf Bde at 61st Inf Bn na humihina na ang pwersa ng NPA sa ila.

Hindi mapigilan ng anumang psyops ng AFP at PNP, gaya ng pagpresenta ng mga peke at recycled surrenderers, ang patuloy na paglakas ng armadong rebolusyonaryong pwersa sa isla. Tiyak na marami pa ang sasali sa armadong pakikibaka at magsampa sa NPA dahil sa papalalang kahirapan, pang-aapi at maramihan at laganap na pamamaslang o ejk sa ilalim ng tiranikong paghahari ng berdudong Pres. Duterte sa pagpapatupad nito ng Oplan Kapayapaan, Oplan Tokhang, TRAIN at iba pang mga programang nagbibiktima sa mamamayan laluna ang manggagawa at magsasaka sa kanayunan at mga komunidad ng urban poor sa kasyudaran.

Salvador Hisuan -- hindi aktibong kasapi ng NPA