Paulit-ulit na Fake News ng 9thID PA

,

Umarangkada na naman ang kasinungalingan ni Major General John Paul Belleza, tagapagsalita ng 9th ID PA katulong ng kanilang berdugong batalyong 49th IB PA. Walang katotohanan ang kanilang palaging ibinabalita kaugnay sa mga sumusukong kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ang iskrip na ito ay palagiang laman ng kanilang buwan-buwang pagpapasikat sa midya kahit wala naman itong katotohanan.

Gasgas na at nilalangaw na sa tambakan ng fake news ang ibinalitang may 21 kasapi ng BHB ang sumuko sa probinsya ng Albay. Gayundin, matagal ng walang kagamitang militar gaya ng mga nabanggit na garand at carbine sa probinsya ng Albay. Sa mga pinapalabas na fake news ng 9th ID PA, tanging ang Bombo Radyo na lamang ang naniniwala na may ganitong pangyayari, hindi lamang sa Albay kundi sa iba pang mga probinsya ng Bikol laluna sa Masbate.

Kaugnay nito, nais din ng SBC BHB – Albay na itanong ang mga sumusunod:

1. Bakit nananatili ang berdugong 49th IB PA sa Albay at CamSur, gayundin, patuloy na nagdagdag ng batalyon ng mga sundalo sa iba pang probinsya ng Bikol kung maliit na lamang ang bilang ng BHB dito? Dahil ba may mga pumuputok na operasyong militar ng BHB gaya ng reyd sa Camarines Norte, haras sa Sorsogon at Camarines Sur, demolisyon sa Albay, Catanduanes at Masbate?

2. Sa nabanggit na mga libo-libong surrenderee, bakit hindi nababawasan ang dami ng BHB dito? Sa tuwing may pahayag ang mga batalyong nakapakat sa iba’t ibang probinsya, laging maririnig ang “kaunti na lamang sila”. Kung gayon, bakit militarisado pa rin ang kanayunan ng mga probinsya?

3. Kung sinasabi nilang sila’y kakampi ng mamamayan, bakit laganap ang ekstra hudisyal na pamamaslang at human rights violation? Mahaba na ang listahan ng mga pinatay ng mga sundalo ng rehimeng US-Duterte sa buong Kabikulan. Sibilyan ang kanilang pinagbabalingan sa tuwing sila’y may mga kaswalti sa labanan o di kaya nama’y napangibabawan ng BHB ang kanilang inilulunsad na strike operation. Ito’y isang karuwagan.

Nananawagan ang SBC BHB – Albay sa mga kagawad ng midya, maging mapanuri sa inyong pagbabalita. Suriin ang katotohanan nito na magsisilbi sa mamamayan hindi dahil kagustuhan ng mga stakeholder ng media oulet na inyong kinabibilangan.

Paulit-ulit na Fake News ng 9thID PA
n/a