Panawagan sa Mamamayang Oasnon: Paghandaan at Labanan ang Atake ng 49th IB at RTF-ELCAC sa inyong Bayan!

Florante Orobia | Spokesperson | NPA-Albay (Santos Binamera Command) | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | New People's Army
October 03, 2020
Share and help us bring this article to more readers.

Matapos maghasik ng teroristang karahasan sa mga bayan ng Guinobatan, Pioduran at syudad ng Ligao, inaasahang sasaklawin na rin ng mga operasyong Retooled/Modified Community Support Program ang bayan ng Oas. Sa darating na Oktubre 5, unang papasukin ng militar at pulis ang mga baryo ng Badbad, Mayag at Bangyawon.

Dapat tutulan ng mamamayang Oasnon ang militarisasyon ng kanilang mga komunidad. Dapat magkaisa ang taumbaryo, mga barangay official at LGU upang biguin ang atake ng 49th IB at RTF-ELCAC sa atung lupa, buhay at karapatan. Huwag tayong pumayag na kumalat ang karahasan at COVID 19 virus na ngayo’y dinaranas ng iba pang naturang mga bayan sa ikatlong distrito ng Albay.

Tama na naman ang sinabi ni Albay Police Provincial Office Director Col. Primitivo Bayungan: patuloy na kikilos ang mga yunit ng NPA upang biguin ang tangka ng kaaway na ipailalim ang buong prubinsya ng Albay sa teroristang lagim na hatid ng gera kontra-mamamayan ni Duterte at ng NTF-ELCAC.

Militar sa Kanayunan, Palayasin!

Albayano, Magkaisa, Rehimeng US-Duterte, Pabagsakin!

Panawagan sa Mamamayang Oasnon: Paghandaan at Labanan ang Atake ng 49th IB at RTF-ELCAC sa inyong Bayan!