Pananambang sa PNP-SAF sa Brgy. Putiao, Pilar, Pagbibigay Hustisya sa mga Krimen ng PNP at RTF-ELCAC sa masang Sorsoganon

Samuel Guerrero | Spokesperson | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | New People's Army
February 23, 2021
Share and help us bring this article to more readers.

 

Matagumpay na inambus ng Celso Minguez Command – Bagong Hukbong Bayan Sorsogon ang mga elemento ng 92nd Special Action Company-9th Special Action Force sa Brgy. Putiao nito lamang 7:00 ng umaga, ika-22 ng Pebrero. Sugatan sa command-detonated explosive based na operasyon ng BHB ang mga pulis na sina MSgt. Osmer Edwin Apa, drayber ng trak na si PSSgt. Arnel Aves at si PCpl. Jeffrey Putian.

Ang ambus ay bahagi ng pagtugon sa kahingian ng masa na bigyang hustisya ang mga krimen ng PNP sa masang Sorsoganon. Sa prubinsya, talamak ang kaso ng EJK sa estilong Synchronized Enhanced Managing of Police Operations (SEMPO). Kinatatangian ito ng mga paggamit ng mga pekeng arrest at search warrant ng sa mga operasyong militar ng pinagsanib na tropa ng AFP at PNP kung saan matapos paslangin ay pinalalabas na mga nanlabang mandirigma ng BHB ang kanilang mga sibilyang biktima. Tampok na halimbawa nito ay ang masaker sa limang magsasaka sa Brgy. Dolos, bayan ng Bulan at pagpaslang kay Michael Bagasala noong Enero 24 sa Brgy. San Antonio, Barcelona.

Hinahamon din CMC-BHB ang mga kagawad ng midya na palalimin ang pag-iimbestiga sa mga katiwalian sa sunud-sunod na tsekpoynt sa kahabaan ng highway ng Sorsogon. Batid ng mga drayber ng mga trak at kanilang pahinante ang pangongotong ng mga elemento ng pulis at militar sa mga tsekpoynt na ito.

Higit sa lahat, babala ito sa Regional Task Force Katoninongan asin Kauswagan na itigil ang pasistang pananalasa sa prubinsya. Papanagutin ng buong rebolusyonaryong kilusan, kasabay ng mamamayang Sorsoganon, ang mga pangunahing nagtutulak at tagapagpatupad ng kampanyang kontrainsurhensya ng PNP at AFP sa Sorsogon.

Hinihikayat din ng BHB-Sorsogon ang mga lokal na upisyal sa prubinsya sa pangunguna ni Gov. Chiz Escudero na tumiwalag na sa hungkag na RTF-ELCAC at sa halip ay manindigan kasama ng mga Sorsoganong biktima ng terorismo ng PNP at AFP sa prubinsya.

Patuloy na maglulunsad ng taktikal na opensiba ang Pulang Hukbo upang palakasin ang loob at kapasyahan ng masa na ilantad ang mga krimen at karahasan ng PNP at AFP sa prubinsya. #

Pananambang sa PNP-SAF sa Brgy. Putiao, Pilar, Pagbibigay Hustisya sa mga Krimen ng PNP at RTF-ELCAC sa masang Sorsoganon