Pamamarusa kay Joselito Barlow Sabino, Jr.,Ikinagalak ng Mamamayang Sorsoganon!

Uncategorized
August 13, 2018
Share and help us bring this article to more readers.

Labis na ikinagalak ng buong mamamayang Sorsogonon ang pagpataw ng parusang kamatayan ng pulang mandirigma ng Celso Minguez Command-BHB Sorsogon kay Joselito Barlow Sabino, Jr. isang Civilian Active Auxiliary (CAA) at residente ng Purok 3 Vinisitahan, Donsol, Sorsogon. Bandang alas 11:30 ng umaga nang isagawa ng isang tim ng CMC-BHB ang nasabing pamamarusa kay Sabino sa Brgy. Gogon, Donsol Sorsogon, nitong Agosto 13, 2018. Ang pagiging aktibo at masigasig na impormer ni Sabino para sa 22nd Cadre Batalyon ang naging batayan ng rebolusyonaryong kilusan upang maging lehitimong target ito ng operasyon ng CMC-BHB. Ginamit ni Sabino ang paglalako nito ng taho upang malayang makalabas-masok sa mga sonang gerilya ng kilusan, at gayundin malayang makakalap ng mga impormasyon laban sa mamamayan sa lugar. Sa kanyang pagkawala, malaya na namang makapapamuhay ng tahimik ang mga mamamayan ng Donsol sa bahaging ito ng Sorsogon.

Patuloy pa rin ang panawagan at panghihikayat ng CMC-BHB Sorsogon sa mga aktibong myembro ng Cafgu at mga impormer ng 31st Infantry Battalion na tuluyan na nitong talikuran ang kanilang berdugong gawain laban sa mamamayan at sa kilusan. Ang papatinding krisis sa lipunang mala-kolonyal at mala-pyudal ay hindi dapat maging dahilan upang maging bahagi kayo ng instrumento ng gubyerno para dahasin at paslangin ang malawak na sambayanan na tulad nyo rin na nakararanas ng matinding kahirapan.

Anumang desperadong aktibidad at programa ng 31st IBPA at 9th IDPA upang pulbusin umano ang rebolusyonaryong kilusan ay mananatili pa rin bigo. Hindi kailanman malulusaw ang rebolusyonaryong lakas ng mamamayan na malaon nang nakaugat sa malawak na sambayanan inaapi’t pinagsasamantalahan.

Mabuhay ang Rebolusyong Pilipino!
Mabuhay ang Sambayanang Sorsogonon!
Mamamayan, Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

Samuel Guerrero
Tagapagsalita
Celso Minguez Command (BHB-Sorsogon)

Email Account: celsominguezcommand.bhb@gmail.com
Twitter Account: @cmcnpasorsogon
Blogger Account: www.npasorsogon.blogspot.com

Pamamarusa kay Joselito Barlow Sabino, Jr.,Ikinagalak ng Mamamayang Sorsoganon!