Pagmasaker, Ekstrahudisyal na pagpatay at iba pang paglabag sa karapatan pantao ng AFP/CAFGU at PNP ginawang ligal sa ilalim ng bagong batas na Anti-Terrorism Law ng berdugo, diktador at tiranikong rehimeng US/China – Duterte

Luz del Mar | Spokesperson | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | New People's Army
July 13, 2020
Share and help us bring this article to more readers.

Tahasang kinukundina ng Jose Rapsing Command-BHB Masbate at ng mamamayang Masbatenyo ang nangyaring pagpatay sa tatlong sibilyan madaling araw ng Hulyo 5, 2020 sa hangganan ng Brgy. Bagacay at Marintoc, bayan ng Mobo.

Karumal dumal ang sinapit na kamatayan ng mga biktimang sina Edgar Minggoy, Marlon Bajar at Rolly Dela Cruz na nagtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan. Si Mingoy ay Brgy. Tanod ng Brgy. Bagacay, habang sina Bajar at Dela Cruz naman ay Brgy. Tanod at Brgy. Kagawad sa Brgy. Mapili, Balud, Masbate.

Hindi sa labanan sa pagitan ng BHB at pinagsamang pwersa ng PNP-RMFB5, PNP Masbate PIB, PNP –PPO Masbate, PNP-RIU5, 93rd at 95th, 9th PNP-SAB, MOBO MPS, 1st PNP-Masbate PMFC at 96th MICO PA namatay ang tatlong biktima dahil walang yunit ng kasama ang nasa lugar ng mga oras na iyon.

Ayon sa mga saksi sa pangyayari, kinuha sa bahay niya si Edgar Mingoy noong hatinggabi ng Hulyo 4, 2020, habang sina Bajar at Dela Cruz ay kinuha sa kanilang bahay sa Brgy. Mapili, Balud ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang mga kasama.

Para maging kapani-paniwala ang kanilang ginawang pagpatay ay mahigit isang oras na nagpaputok sa hangin ang mga pasista para palabasing may labanang nangyayari sa lugar. Wala itong pinagkaiba sa ginawa nilang pagdukot at pagpatay sa mag-amang Joning at Jerome Dela Cruz ng So. Dalakit, Brgy. Mc Arthur, Monreal noong Abril 23, 2020, at ganundin kina Junie Letada at Dante Jardin na mga residente ng Brgy. Mc Arthur. Monreal at Brgy. Interior, San Jacinto na pagkatapos dukutin sa kanilang baryo ay dinala sa Claveria, Masbate para lang patayin. Nito lamang nakalipas na linggo ay pinatay din ang tatlong katao sa Brgy. Mahayahay, Placer ng mga kasapi ng 2nd PMFC na nakabase sa Sto. Nino, Cataingan.

Lahat ng mga patayang nagaganap sa lalawigan ng Masbate na ang mga biktima ay mga inosenting sibilyan ay madalas pinararatangan na mga kasapi ng BHB. Kung kaya naman ang bagong batas na Anti-Terrorism Law ay lalong magbibigay legal sa mga sundalo at pulis na pumatay ng pumatay ng mga sibilyan.

Para sa kaalaman ng mamamayang Masbatenyo, meron man o walang anti-terrorism law ay nmgpapatuloy ang mga patayan sa Masbate na kagagawan ng mga berdugo at uhaw sa dugo na AFP/CAFGU at PNP. Ito ay dahil na rin sa pahintulot ng kanilang kumander in tsip na si Rodrigo Duterte na isa ring berdugo at uhaw sa dugo ng mga PIlipino.

Nananawagan ang JRC-BHB Masbate sa mamamayang masbatenyo na maging alisto at mapagbantay sa terorsimong inihahasik ng estado sa pamamagitan ng kanilang instrumeto na AFP at PNP. Maging matapang at matatag sa paglaban para isulong ang interes ng sambayanang Pilipino para sa tunay at makabuluhang pagbabago sa lipunang Pilipino. Tayo ang mapagpasya sa mga pagbabagong ito kaya kumilos para mag-organisa at magpakilos ng laksa-laksang tao para makamit ang tagumpay ng bayan laban sa teranikong rehimeng US/China Duterte.

Nais rin naming ipaalam sa mga magigiting na miembro ng Hunta-Probinsyal na di kaila sa inyo at tiyak namang nakakaabot sa inyo ang mga balitang patayang nangyayari na kinasasangkutan ng AFP at PNP subalit wala kayong ginagawang imbestigasyon lalung-lalo na ang komite sa karapatan pantao. Huwag niyo nang hintayin pa na kamuhian kayo ng mga taong inyong pinangakuang pagsisilbihan sa panahon na kayo ay nangangampanya.

Duterte, AFP at PNP, numero unong Terorista!
Isulong at kamtin ang tagumpay ng Digmang Bayan!
Mabuhay ang mamamayang Masbatenyo!
Mabuhay ang mamamayang lumalaban!

 

Pagmasaker, Ekstrahudisyal na pagpatay at iba pang paglabag sa karapatan pantao ng AFP/CAFGU at PNP ginawang ligal sa ilalim ng bagong batas na Anti-Terrorism Law ng berdugo, diktador at tiranikong rehimeng US/China – Duterte