NDF-Bicol hinggil sa pagbibigay ni DND Sec. Lorenzana ng second chance para kina Maj. Gen. Alex Luna at CMO Chief Benedict Arevalo

Ma. Roja Banua | Spokesperson | NDF-Bicol | National Democratic Front of the Philippines
March 27, 2021
Share and help us bring this article to more readers.

Kapag militar ang nagpahamak sa buhay ng mga sibilyan, mayroong second chance. Pero noong nagmakaawa ang mga ‘nanlaban’, wala? Mga berdugo! Ang pagbabalik kina Luna at Arevalo sa pwesto matapos ng mali-mali at malisyosong red-tagging ng mga makabayan at progresibo ay tanda ng malakas na kultura ng kawalang-pananagutan sa loob ng reaksyunaryong gubyerno. Bilang mga upisyal sa intel operations, ang pagbabalik nina Luna at Arevalo ay hudyat ng muling pag-arangkada ng red-tagging, higit na pinabagsik na pagpapatupad ng Anti-Terrorism Act (ATA), pang-aaresto at pamamaslang sa sibilyang populasyon. Papanagutin ang AFP-PNP-CAFGU sa lahat ng krimen nito sa mamamayan! Wakasan ang kultura ng kawalang-pananagutan! Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!

NDF-Bicol hinggil sa pagbibigay ni DND Sec. Lorenzana ng second chance para kina Maj. Gen. Alex Luna at CMO Chief Benedict Arevalo