Nahihibang ang 3rd ID PA at AFP sa pagsisinungaling

Julio Montana | Spokesperson | Panay Regional Operational Command | New People's Army
October 01, 2020
Share and help us bring this article to more readers.

Nagkakandarapa ngayon ang 3rd ID PA sa pag-imbento ng mas maraming kasinungalingan para ilibod ang ilusyon na nanghihina na ang CPP-NPA-NDF sa Panay. Kaliwa’t kanan ang pag-aanunsyo nila ng kanilang mga accomplishments gaya ng mga engkwentro, pagpapasurender at pagdakip sa mga kasapi daw ng NPA. Ngunit lumalabas na pawang walang katotohanan at gawa-gawa lang ang mga nasabing accomplishments. Gaya ng nangyari sa Atimonan, Janiuay noong Agosto 8 at sa Sitio Bidang, Brgy. Siya, Tapaz, Capiz noong Setyembre 13 na puro fake encounters at fake recoveries. Ang hindi nila isinisiwalat sa publiko ay ang kanilang mga patay at sugatan na natamo sa mga opensiba ng NPA na dinedepensahan ang mamamayan sa kanilang pananalakay nitong buwan ng Agosto at Setyembre. Lalo na ang ginagawang panggigipit, panghahalughog ng kabahayan, pananakot at pagdadala ng virus ng Covid ng mga tropang militar sa mga mapayapang komunidad sa kanayunan ng Panay.

‘Di yata’t wala silang pinagkakaiba sa terorista nilang commander-in-chief na si Duterte. Sinungaling, korap at traidor. Kaya pala walang katapusan ang kanilang pagyayabang na mahina na ang rebolusyonaryong kilusan sa mahigit nang 50 taon!? Sigurado limpak-limpak na pera naman ang naibulsa ng mga heneral at upisyal ng 3rd ID PA sa mga sinasabing accomplishments. Lalaki pa yan ngayong pinalobo pa ang budget para sa NTF-ELCAC. Habang ginagawang pambala sa kanyon ang ordinaryong sundalo at binibiktima ang mga inosenteng sibilyan.

Nahihibang ang 3rd ID PA at AFP sa pagsisinungaling