Misencounter ng mga sundalo sa mismong detatsment nila, nagresulta ng dalawang patay!

Nitong nakaraang Oktubre 27, nagkaroon ng misencounter ang mga elemento ng kaaway sa mismong detatsment ng mga ito sa Cambalidio, Libmanan, Camarines Sur. Ito ay nasa ilalim ng 9th Infantry Division Philippine Army (9thID PA).

Ayon sa ulat ng Norben Gruta Command Bagong Hukbong Bayan – West Camarines Sur, ganap na 10:00 ng gabi nang sila mismo ang nagbarilan na nagresulta ng dalawang patay at dalawang sugatan sa kanilang hanay.

Upang pagtakpan ang nasabing pangyayari, gumawa sila ng kwento na diumano’y hinaras sila ng mga kagawad ng Bagong Hukbong Bayan. Pinasisinungalingan ng NGC BHB-West Camarines Sur ang nasabing kwento.

Hinihikayat ng NGC BHB-West Camarines Sur ang mga biktima at pamilya nila na ilantad ang dahilan ng tunay na pangyayari.

Misencounter ng mga sundalo sa mismong detatsment nila, nagresulta ng dalawang patay!
n/a