Militar ni Duterte halang ang kaluluwa na mga mersenaryo, mamamatay tao ng 78 taong gulang na si Tatay Bodoy, ama ni Ka Edroy

Maria Malaya | Spokesperson | NDF-Northeast Mindanao | National Democratic Front of the Philippines
September 13, 2020
Share and help us bring this article to more readers.

Read in: English | Bisaya

Mariing kinokondena ng National Democratic Front of the Philippines sa North Eastern Mindanao Region (NDFP-NEMR) ang walang awang pagpatay sa 78 taong gulang na si Rolando “Tatay Bodoy” Patiño Leyson, Sr. Pinatay siya dahil ama siya ni Ka Edroy, kilalang lider ng BHB sa Surigao del Norte-NEMR. Ganito ang militar at kapulisan ni Duterte: mga walang pusong mersenaryo, pinapatay kahit ang walang kalaban-laban na mga matatanda at bata.

Pinatay si Tatay Bodoy ng limang (5) naka-bonnet na armadong kalalakihan na pilit pumasok sa kanyang tahanan sa Km. 20, San Pedro, Sison, Surigao del Norte sa alas 11:30 ng gabi noong Setyembre 11, 2020. Ang matanda ay natutulog katabi ng kanyang apo na hindi nagising ng pinagbabaril ito dahil gumamit ang mga mamamatay tao ng mga silencer sa kanilang armas. Ilang beses na pinagbabaril si Tatay Bodoy, tatlo ang tama niya sa ulo. Ang mga nakuhang bala at basyo ng bala ay galing sa M16 at .9mm na mga baril. Nakita ang mga mamamatay tao na sumakay sa isang itim na Toyota Fortuner SUV papunta sa direksyon ng Butuan City.

Direktang inaakusahan ng NDFP-NEMR, ang PNP-Surigao del Norte, 901st Bde at ang 29th IBPA, dahil tanging sila lamang ang may kakayahan at kagustohan na gumawa ng ganoong karumaldumal na gawain laban sa ordinaryong mga sibilyan, sa kalagitnaan ng pandemikong CoViD-19. Ang mga ahente ng estado lamang at ang kanilang mga kakutsaba ang may kakayahang bumyahe sa malalim na gabi, sa highway, sakay ng pribadong sasakyan at may dalang mga matataas na kalibreng armas, nang hindi pinapatigil sa napakaraming checkpoints, habang may curfew sa buong lalawigan.

Noong Setyembre 8 sa may alas 5 ng hapon, dalawang naka-bonnet na armadong kalalakihan ang bumaril at pumatay kay Jojie Udtohan Gayoso, isang drayber ng motor na kadalasan ay nauutusan at pinakakatiwalaan ni Tatay Bodoy, sa kanyang tahanan sa Km. 19, Brgy. San Pedro, Sison.

Naniniwala kami na ang pagpatay kina Jojie at Tatay Bodoy ginawa dahil sa pagkamatay ni PSSgt. Restie Dandan, intelligence officer sa PNP, isang lehitimong target militar ng BHB, sa Sison noong Agosto. Si PSSgt. Dandan ay malapit sa kasalukuyang mayor ng Sison, laluna sa kanyang asawa na sinasabing may koneksyon sa druga. May mga report na pagkapatay kay PSSgt. Dandan, ang mayor ay nagbanta na “i-masaker” ang pamilya ni Ka Edroy at mga sumusuporta sa BHB, at nagsabi na sila na ang susunod, sa pagsalita nito sa prayer rally at libing ni PSSgt. Dandan.

Ilang araw bago ang pagpatay kay Tatay Bodoy at Jojie, ang Municipal Police Station sa Sison ay nagbigay ng 5.1million na pabuya para sa pagkakahuli kay Ka Edroy.

Kasalukuyang naka-deploy ang militar at kapulisan sa lamay ni Tatay Bodoy, nanghaharass sa pamilya, kamag-anak at mga kaibigan sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.

Hustisya sa pagpatay kay Tatay Budoy!

Militar ni Duterte halang ang kaluluwa na mga mersenaryo, mamamatay tao ng 78 taong gulang na si Tatay Bodoy, ama ni Ka Edroy