Mensahe ngayong Mayo Uno para sa mga manggagawa at aping mamamayan sa buong daigdig

Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishTurkishBisayaHiligaynon

Sa ngalan ng proletaryong Pilipino at mamamayang anakpawis, idinideklara ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang pakikipagkaisa nito sa bilyon-bilyong manggagawa sa buong planeta sa paggunita natin sa Mayo Uno, ang internasyunal na araw ng uring mangggawa, sa harap ng nagpapatuloy na krisis ng pandaidigang sistemang kapitalista, lumulubhang anyo ng pagsasamantala at umiigting na paglaban sa imperyalistang pang-aapi sa buong daigdig.

Balikan natin at humalaw tayo ng inspirasyon sa kasaysayan ng pakikibaka ng uring manggagawa, isang maiksing panahong relatibo sa kabuuang itinakbo ng tunggalian ng mga uri: mula sa mga pag-aalsa ng uring manggagawa sa buong Europe noong 1848; tungo sa makasaysayan bagaman panandaliang pagtatayo ng diktadura ng proletaryado noong Paris Commune ng 1871; tungo sa pagpapaunlad ng Marxismo bilang sistematikong ideolohiya ng proletaryado; ang matagumpay na rebolusyong Bolshevik noong 1917 sa Russia; and tagumpay ng bagong demokratikong rebolusyon sa China noong 1949 at karugtong na sosyalistang rebolusyong na pinaumunuan ng proletaryado; at ang serye ng matagumpay na pambansa at panlipunang kilusang pagpapalaya sa Latin Ameria at Asia mula Cuba hanggang Vietnam. Muli nating alalahanin na sa maiksing panahon noong maagang bahagi ng dekada 1950, sangkatlo ng sangkatauhan ang napalaya mula sa kamay ng monopolyo kapitalismo at nakinabang sa isang progresibo at demokratikong kaayusan sa ilalim ng sosyalismo.

Kasabay nito, humalaw tayo ng aral mula sa mga kabiguan at pagkatalo dahil sa pagtataksil sa uring manggagawa na humantong sa pagkabuwag ng Ikalawang Internasyunal; at sa pag-usbong ng modernong rebisyunismo at pagkatalo ng diktadura ng proletaryado na naghawan ng daan para sa panunumbalik ng kapitalismo at pagsasamantala sa mga manggagawa at masang anakpawis sa Soviet Union, China at iba pang mga bansa.

Tumanaw tayo sa pagdiriwang sa susunod na taon sa ika-175 anibersaryo ng Communist Manifesto ni Karl Marx na unang inilimbag noong Pebrero 1848. Sa halos isang siglo’t kalahati, nagsilbi ang Communist Manifesto bilang tanglaw ng mga manggagawa sa buong mundo, idineklara ang makasaysayang misyon ng proletaryado na wakasan ang kapitalistang pagsasamantala sa pagdurog sa pribadong pagmamay-ari sa mga kagamitan sa produksyon, pagtatatag sa sosyalismo sa isang buong panahon ng pagrebolusyon at pag-abot sa komunismo. Ang paglilimbag sa Communist Manifesto ang pananda ng paghihiwalay mula sa panahon ng ispontanyong pakikibaka ng manggagawa, tungo sa panahon ng mulat at organisadong pagsulong ng uring manggagawa para idireksyon ang kasaysayan at itatag ang bagong kaayusang panlipunan.

Ginugunita ngayong taon ng mga manggagawa ang Mayo Uno na may malinaw na pagtanaw sa matindi at nagtatagal na krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista at kung paanong iniluluwal nito ang mga salik para mapamunuan ng proletaryado ang lahat ng api at pinagsasamantalahang uri sa landas ng pambansa-demokratiko at sosyalistang rebolusyon. Nananatili tayo sa panahon ng imperyalismo at proletaryong rebolusyon tulad nang tinuran ni Lenin. Sa kabila ng mga pagkatalo at pag-atras ng mga pwersang rebolusyonaryo, ang sitwasyon ay kinatangian pa rin ng estratehikong paghina ng imperyalistang mga kapangyarihan dahil sa mga kontradiksyong likas sa sistemang kapitalista na nagpapaigting sa kapitalistang kumpetisyon, nagpapalala sa krisis ng labis na produksyon at ng pagbagsak ng tantos ng tubo, lumulubhang pagsasamantala sa mga manggagawa at pandarambong sa rekurso, at nagpapaigting sa inter-imperyalistang kumpetisyon na humahantong sa mga gera at muling paghahati-hati ng daigdig.

Ang krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista ay kinatatampukan ng mga mayor na kontradiksyon sa pagitan ng burgesya at ng paggawa sa kapitalistang mga bansa; sa pagitan ng mga kapangyarihan imperyalistang at ng aping mamamayan at mga bayan; sa pagitan ng mga kapangyarihang imperyalistang at mga bansang nagtataguyod sa kanilang pambansang soberanya at nagsusulong ng kanilang mga hangaring sosyalista; at sa pagitan ng isang imperyalistang kapangyarihan o bloke laban sa isa.

Sa nagdaang tatlong dekada, pinahirapan ang mga manggagawa sa iba’t ibang porma ng “pleksibleng paggawa” para patindihin ang paggawa gamit ng ang haytek (mga robot, kompyuter, artificial intelligence at iba pa) at palawigin ang oras sa paggawa sa layuning hilahin ang sahod at gastos sa produksyon at sagarin ang pagkakamal sa labis na halaga. Walang-puknat na inatake ng burgesya ang mga unyon at organisasyon ng manggagawa para pigilan silang makapaggiit ng kanilang mga karapatan at makipagnegosasayon para sa mas mataas na sahod at mas maayos na mga kundisyon sa paggawa. Tinapyasan nito ang paggastos sa pangangailangang panlipunan na nagresulta sa papalubhang kundisyon sa pamumuhay ng milyun-milyong manggagawa.

Ipinataw ng mga imperyalistang bansa ang mga patakarang neoliberal sa mga malakolonya nito at atrasadong mga bansa na nagbigay-daan para sa pagpapaigting ng pagsasamantala sa murang lakas-paggawa, pagtatambak ng sarplas na mga produkto, at pandarambong at pagsaid sa natural na rekurso na nadudulot ng pagpapalubha sa ekonomikong krisis at sosyoekonomikong kundisyon ng bilyun-bilyong mga manggagawa at masang anakpawis. Ang mga aping bayan ay isinadlak sa pagiging atrasado, dumaranas ng malawakang kawalang-trabaho, at nalulunod sa napakalaking dayuhang utang. Kapwa sa mga atrasadong bansa at mga kapitalistang sentro, nagdurusa ang mga manggagawa at masang anakpawis sa nakalulpumong epekto ng pandemyang Covid-19 dahil sa kalunus-lunos na kalagayan ng serbisyo sa pampublikong kalusugan.

Sa pangunguna ng US, pinaigting ng mga imperyalista ang agresyon laban sa mga bansang naggigiit ng kanilang pambansang soberanya. Sa nagdaang mga dekada, magkakasunod na inatake ng US ang mga bansa kabilang ang Iraq, Libya, Syria at Afghanista, naglunsad ng mga panghihimasok at subersyon sa Venezuela at iba pang mga bansa, at isinagawa ang mga hakbaning panggigipit sa ekonomya ng Cuba, Iran at North Korea.

Ang kontradiksyon sa pagitan ng mga imperyalistang kapangyarihan at mga bloke para sa mga saklaw ng impluwensya at kontrol ay sumiklab sa magkakasunod na mga digmang proxy, kung saan pinakahuli ang sa Ukraine. Sa higit 30 taon, itinulak ng US ang pagpapalawak ng NATO sa dating mga bansang saklaw ng Warsaw Pact sa Esatern at Central Europe sa pamamagitan ng diplomasya at pakikidigma, na paglabag sa 1991 na kasunduang Minsk at mga katiyakang ibinigay sa Soviet Union baago nito binuwag ang sarili noong 1991.

Tahasang panggegera ang pagtutulak ng ipaloob ang Ukraine sa NATO at ang pagpalibot at pagpapaigting ng panganganyon nito sa rehiyong Donbass na nakahanggan sa Russia. Inudyok nito ang Russian na maglunsad ng magkontra-agresyong may deklaradong layunin na wakasan ang Zionist na rehimen sa Ukraine at ang pasistang nasyunalistang mga pwersang nakapaloob sa armadong pwersa ng Ukraine. Ang kasalukuyang gera ay pinatatagal ng US para pagurin ang Russia at para kumita nang husto ang industriya sa depensa ng US. Noong nakaraang buwan, nagbigay ang US ng $3.5 bilyong ayudang militar para bigyan suplayan ang Ukraing ng mga kanyon at iba pang kagamitang militar, at kamakailan ay inaprubahan ang panibagong $33 bilyong ayuda sa militar at ekonomya. Pinalalim ng imperyalistang digmang proxy sa Ukraine ang pagkahati sa pagitan ng imperyalistang mga bloke sa kapangyarihan, kung saan nasa isang panig ang US at NATO, at ang Russia at China sa kabila. Sa harap ng tumagal na kapitalistang krisis at umiigting na inter-imperyalistang kumpetisyon, mayroong mataas na posibilidad ng limitado at pinahabang mga gera na puputok sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa darating na mga taon.

Dapat samantalahin ng proletaryado at aping mamamayan ang inter-imperyalistang digmaan para isulong ang adhikain para sa sosyalismo at pambansa at panlipunang pagpapalaya sa paglulunsad ng armadong rebolusyon at mga digmang sibil laban sa naghaharing reaksyunaryong estao sa iba’t ibang bansa. Sa lahat ng pagkakataon, dapat palakasin ng mga rebolusyonaryo proletaryo ang kakahayan nito para sa pampulitikang pamumuno sa pamamagitan ng pagtatayo at pagkokonsolida sa kanilang mga partido komunista sa paraan ng pag-aaral at pagsasapraktika ng Marxismo-Leninismo sa kani-kanilang bansa, pag-ugat sa hanay ng mga positibong uri, pamumuno sa demokratikong pakikibakang masa at pagturo sa landas ng armadong rebolusyon para agawin ang kapangyarihang pampulitika. Sa partikular, ang mga komunista ay dapat walang-kapagurang lumubog sa mga manggagawa, maglunsad ng pampulitikang edukasyon, at tulungan silang magbuo o muling magtayo at palakasin ang kanilang mga unyon, at magtatag ng mga sangay ng Partido sa bawat lugar ng trabaho.

Ginugunita natin ngayon ang Mayo Uno habang nasa bisperas tayo ng panibagong pagdaluyong ng pambansa-demokratiko at sosyalistang rebolusyong pinamumunuan ng proletaryado. Sa buong daigdig, maramihang nagbabangon ang masang api at pinagsasamantalahan sa mga pakikibakang ispontanyo at mulat para ipaglaban ang kanilang makauring interes. Mayroong mahigpit na pangangailangan para sa pagtatayo ng mga unyon at pagiging organisado. Ang mga manggagawa at mamamayan ay naglulunsad ng mga welga at iba pang aksyong masa sa buong mundo para igiit ang pagtataas sa sahod at pagpapaunlad sa kundisyon sa paggawa.

Nagsisikap ang mga pwersang komunista na itayo ang kanilang mga partidong komunista bilang abanteng destakamento ng uring manggagawa, nag-aaral sa kasaysayan at bumubuo ng malinaw na rebolusyonaryong programa. Nagpupunyagi ang mga digmang bayang pinamumunuan ng mga partido komunista sa India, Turkey at Pilipinas at iba pang mga bansa at matatag na nakapagpapalakas sa kabila ng todong kontra-rebolusyon. Sa harap ng kapitalistang krisis, at habang nasa unahan ang proletaryo, ang apoy ng armadong rebolusyon ay tiyak na maglalagablab sa buong daigdig.

Mensahe ngayong Mayo Uno para sa mga manggagawa at aping mamamayan sa buong daigdig
n/a