Matagumpay na pamamarusa sa Impormer ng 31stIBPA!

Samuel Guerrero | Spokesperson | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | New People's Army
October 27, 2018
Share and help us bring this article to more readers.

Samuel Guerrero
Tagapagsalita
Celso Minguez Command
BHB-Sorsogon

Ipinagbubunyi ng mamamayang Sorsoganon at ng rebolusyonaryong kilusan ang tagumpay ng operasyong pamamarusa na inilunsad ng mga kagawad ng Celso Minguez Command Bagong Hukbong Bayan-Sorsogon kaninang 6:00 ng umaga, sa Barangay. Pili, Magallanes, Sorsogon, Oktubre 26, 2018 kay Noel “Noing” Laguerta, mahigit 40 taong gulang, residente ng nasabing lugar.

Si Laguerta ay isang impormer na pakawala ng 31st IBPA, notoryus na lider ng grupo ng holdaper, nanloob sa bahay at pumatay kay Rosa Gregory, isang magsasaka, noong Abril 2015. Siya din ang bumaril sa isang kagawad ng Brgy. Pili, Magallanes na si Perto Gregory.

Isinalang ang kanyang kaso sa hukumang bayan at pinatawan ng parusang pagpapalayas sa kanyang baryo. Subalit hindi ito nagpatinag sa kanyang gawaing labag sa interes ng mamamayan, nagpatuloy ito sa kanyang panghoholdap.

Di pa nasiyahan sa kanyang trabahong anti-mamamayan, ilang beses nitong isinumbong ang kinalalagyan ng mga kasama. Nauna na nitong ipinahamak ang mga kasama noong Disyembre 26, 2017 at dalawang beses nitong 2018.

Ang pagpataw ng parusang kamatayan kay Laguerta ay bahagi ng pagpapatupad ng rebolusyonaryong kilusan ng hustisya para sa mga naging biktima nito sa mamamayan. Ang mga katulad ng ganitong anti-mamamayang gawain at pagpapagamit sa mga militar ay malinaw na batayan upang maisalang sa hustisya ng hukumang bayan.

Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!

Matagumpay na pamamarusa sa Impormer ng 31stIBPA!