Malisyoso at walang batayan ang pagdadawit sa JRC-BHB Masbate ng 2nd IBPA at PCG

Luz del Mar | Spokesperson | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | New People's Army
February 13, 2020
Share and help us bring this article to more readers.

Kahapon ay ibinalita sa online news na Bicol News Express na nakabase sa Sorsogon City ang pagpapasabog sa isang commercial roro vessel na M/V Penafrancia na pagmamay-ari ng Star Horse Shipping Line, Inc.

Ayon sa balita, mga kasapi ng NPA ang pinaghihinalaang naghagis ng dinamita sa nasabing barko. Ito ay base sa magkatuwang na imbestigasyon na isinagawa ng Phil. Coast Guard at 2nd IBPA at ang dahilan ng pagpapasabog ay ang pagtanggi ng kumpanya ng barko na magbigay ng revolutionary tax.

Para sa pamunuan ng Star Horse Shipping Line, Inc. at sa mamamayan ng San Pascual, Masbate, walang kinalaman ang anumang yunit ng Jose Rapsing Commaand –BHB Masbate sa malisyoso at walang batayang pag-uugnay nito sa paghahagis ng dinamita sa nasabing barko. At mas lalong di gawain ng BHB na pasabugin o sirain ang anumang bagay sa dahilang di ito nagbibigay ng revolutionary tax.

Nasa pamunuan ng Star shipping Line,Inc, ang pagpapasya nitong magpalalim sa pag-iimbestiga sa tunay na pangyayari, na baka mayroon kayong nasasagasaan o naaakpektuhan sa inyong negosyo. Tinitiyak sa inyo ng JRC-BHB Masbate na walang kinalaman ang mga kasama diyan sa isla ng Burias.

Gawain na ng 2nd IBPA at iba pang armadong pwersa ng reaksyonaryong gobyerno na agad-agad ibintang sa JRC-BHB Masbate ang bawat pangyayari dito sa probinsya kahit pa ito ay walang kongkretong batayan at maging katawa-tawa sila sa mata ng publiko. Presko pa sa alaala ng mamamayang Pilipino ang peke na balitang inilako ng 2nd IBPA noong Disyembre 2019 kung saan ibinalita nito na mahigit 306 katao ang nagsurender sa kanila. Ngunit dahil na rin sa mapanuring mata at isip ng mamamayan , ito ay napatunayang walang katotohanan at peneke pa ang mga litrato. Dahil sa tinding kahihiyang inabot ng AFP ay sinibak sa pwesto ang kanilang Batcom na si Lt.Col. Pabon, PA.

Hinihikayat namin ang mamamayang Masbatenyo na maging mapanuri kayo sa mga inilalabas na mga pekeng balita ng 2nd IBPA at PNP Masbate PPO, at huwag agad-agad kayong maniniwala sa mga nilulubid na kasinungalingan para pagtakpan ang kanilang kapalpakan sa paggampan sa iniatas ng kanlang sira ulong pangulo na si Duterte.

Digmang Bayan ang sagot sa lumalalang problema ng lipunan!
Mamamayang Masbatenyo, magkaisang labanan ang NTF-ELCAC!
M.O. 32 at E.O 70, Biguin!

 

Malisyoso at walang batayan ang pagdadawit sa JRC-BHB Masbate ng 2nd IBPA at PCG