Kampo militar, pinatalsik

Cleo del Mundo | Spokesperson | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | New People's Army
May 19, 2021
Share and help us bring this article to more readers.

Apat na kampo ng sundalo ang pinitisyon ng taumbaryo na paalisin dahil sa perwisyong dulot nito sa barangay kagaya ng bandalismo, panggugulo kapag lasing at walang habas na pamamaril na ikinamatay ng alagang hayop.

Tampok ang pangyayari sa barangay hall ng Sta. Elena sa bayan ng Lopez kung saan tinampalasan ng mga sundalo ang naturang opisina ng barangay matapos itong pagkampuhan ng halos dalawang linggo noong buwan ng Abril.

“Dinaig pa namin ang alipin. Pati tae nila, kami ang pinagdadakot,” reklamo ng isang residente na opisyal din ng barangay. Bunsod nito, naglagay sila ng paskel na “Bawal Ang Tumuloy Dito” at pinalitan na ang seradura ng nasabing gusali.

Sa Vista Hermosa naman ng bayan ng Macalelon, namatay ang alagang kabayo ng isang residente pagkatapos magpaputok ng mga lasing na CAFGU at sundalo. Nangyari ito noong Enero 31 kung kaya nagpetisyon din ang Sangguniang Barangay na paalisin na ang nagkakampong sundalo sa lugar.

Napabalitang noong isang araw ay dinidemolis na ng mga sundalo ang kanilang kampo at ililipat sa kabilang barangay ng P. Herrera. Pero hindi pa man sila nakakalipat ay sinalubong na rin agad sila ng reklamo ng mga tao sa nasabing barangay.

Sa Cawayan, bayan pa rin ng Lopez, napilitang lumipat ng kampo ang mga sundalo matapos magpahayag ang taumbaryo na natatakot sila dahil malapit sa kanilang bahay ang nasabing kampo.

Nagpapatuloy ang focused military operations ng 59IBPA at 85IBPA na sumasaklaw sa 34 na barangay ng mga bayan ng Macalelon, Lopez at Gumaca. Tumatagal na ito ng mahigit isang buwan mula pa noong Abril kung saan hindi bababa sa dalawang laking kumpanya ng AFP-PNP-CAFGU ang nagooperasyon sa mga naturang lugar.#

 

Kampo militar, pinatalsik