Intel operative ng 31st IB, patay sa operasyon ng NPA

Samuel Guerrero | Spokesperson | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | New People's Army
March 28, 2021
Share and help us bring this article to more readers.

Napatay sa operasyong partisano ng NPA ngayong araw si Raymundo Fombuena alyas Kaday sa Barangay San Antonio, Barcelona, Sorsogon. Isa siyang lokal na maton at elemento ng CAFGU na aktibo sa mga operasyong paniktik ng 31st IB laban sa rebolusyonaryong kilusan.

Mula pa noong 2018, naging masugid si Kaday sa pagmomonitor sa kilos at presensya ng NPA sa mga baryo ng Barcelona at pag-uulat sa kanyang mga handler sa detatsment ng 31st IB sa Barangay Casay, Casiguran, Sorsogon. Pinakahuli sa kanyang mga operasyon ang humantong sa sagupaan ng NPA at reaksyunaryong militar sa Barangay Togawe, Gubat, Sorsogon noong Disyembre 9, 2020.

Isa siya sa mga pangunahing pinakilos ng 31st IB sa pananakot, panggigipit at sapilitang “pagpapasurender” sa mga sibilyan sa magkaratig na Barangay San Antonio at Barangay Sta. Lourdes ng Barcelona. Kabilang din siya sa death squad na pumaslang kay Barangay Kagawad Bernabe Estiller ng Sta. Lourdes noong Nobyembre 8, 2019.

Bilang operatiba sa paniktik ng AFP, si Kaday ay lehitimong target ng aksyong militar ng NPA. Ang kanyang pagkamatay ay pagbibigay hustisya din sa kanyang mga naging biktima.

Intel operative ng 31st IB, patay sa operasyon ng NPA