Ibayong susulong ang rebolusyon sa pagkaluklok ng rehimeng US-Marcos II

, ,
Ang artikulong ito ay may salin sa Iloco

Sa pangalawang pagkakataon, ang Pilipinas ay paghaharian ng panibagong diktadurang US-Marcos, pagkatapos maipalabas ang di kapani-paniwalang 31.5 milyong boto na nakuha ni Ferdinand Marcos Jr. Kasama si Sara Duterte na lumabas bilang bise-presidente, pinagsanib nila ang pwersa ng dalawang pinakamasahol na diktador at pasistang rehimen na naghari sa Pilipinas.

Ang tagumpay ni Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong presidente at Sara Duterte bilang bise-presidente ay resulta ng sistematikong pandaraya, pagbili ng boto, panlilinlang, pambabaluktot sa kasaysayan at panggigipit sa demokratikong karapatan ng mamamayan. Subalit siguradong iigkas sa kanilang pagmumukha ang paglapastangan sa kapasyahan ng mamamayan sa nakaraang eleksyon at haharapin nila ang kumukulong paglaban nila.

Ang pamana ng rehimeng US-Duterte na walang kapantay na kalupitan

Sa ilalim ng rehimeng US-Duterte, tiniis ng mamamayang Pilipino ang pinakamabagsik at pinakalaganap na pagyurak sa kanilang karapatan sa brutal na kontra-droga at kontra-rebolusyonaryong gera. Nilikha at ipinakat ng rehimen ang Anti-Terror Law at NTF-ELCAC na nagpatupad sa anti-komunistang krusada upang kamtin ang target nitong durugin ang rebolusyonaryong kilusan hanggang sa pagtatapos ng termino ni Duterte.

Dito sa Ilocos, pinakawalan ng AFP ang tatlong batalyon ng 702nd Infantry Brigade ng Phil Army (81st IBPA, 69th at 24th 1B), ang mga ispesyal na yunit pangkombat na 71 at 72nd DRC, at idinagdag ang mga pangkombat na yunit ng PNP upang durugin ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa rehiyon subalit nabigo sila. Binuhusan nila ng pinakamaraming pwersa at walang-patid na Focused Military Operations ang mga komunidad na apektado at tumututol sa mga mapanirang proyektong minahan, dam at windmill, at ang mga komunidad na aktibong lumalaban sa pagsasamantala ng mga kapitalistang kumpanya, panginoong maylupa at komersyante-usurero. Magiting na nilabanan ng BHB sa Ilocos ang tuloy-tuloy at malalaking operasyon militar upang depensahan ang mamamayan laban sa mga mapanirang proyekto ng enerhiya at mina, laban sa mga kapitalistang kumpanya, panginoong maylupa at komersyante-usurero at laban sa pagyurak sa kanilang karapatan bilang tao. Nagtamo ito ng malaking kaswalti, lalo na noong 2020. Subalit hindi ito nadurog at sa halip na manghina, patuloy itong nagpapalakas, nagpapalawak at nagtatamo ng malawak na suporta ng masa.

Noon pang 2020, idineklara na ng AFP at NTF-ELCAC na napawi na ang insurhensiya sa rehiyon dahil sa kabiguan nilang imonitor at hadlangan ang patuloy na pagpapalawak ng mga yunit ng BHB sa rehiyon sa kabila ng tuloy-tuloy na malalaking mga operasyon militar mula pa umupo si Duterte noong 2016. Pinanindigan nila ang mapanlinlang nilang deklarasyon, kung kaya’t ang mga inosenteng masa at mga lehitimong organisasyon nila ang kanilang pinagtuunan sa pamamagitan ng todo-todong kampanya sa red-tagging, harassment, surveillance, pagsasampa ng gawa-gawang kaso at pekeng pagpapasurender. Mula 2016, daan-daan nang mga inosenteng sibilyan at kasapi ng mga demokratiko at legal na samahan ng masa sa rehiyon ang ipinarada nila sa publiko bilang “NPA surrenderees” at “NPA recruiter.” Hanggang nitong huli, upang hadlangan ang pagkilos ng mamamayan na tumututol sa pag-upo ng mandarayang presidente, tuloy-tuloy pa rin ang mga malisyosong red-tagging at surveillance sa mga aktibista ng mga progresibong grupo at kahit ang mga relihiyosong lider sa rehiyon. Gayunpaman, ang mga demokratikong samahan ng mamamayan at ang mga lider nila ay naninindigan at mataas ang determinasyon na naggigiit sa kanilang karapatan sa kabila ng nararanasan nilang tuloy-tuloy na panggigipit at panggagahis ng kaaway.

Sa kahuli-hulihan, nabigo ang rehimeng US-Duterte na durugin ang rebolusyonaryo at demokratikong pakikibaka ng mamamayang Pilipino, kabilang ang mga Ilokano. Kung bakit ay una, dahil sumasahol ang pang-aapi ng rehimen sa pamamagitan ng liberalisasyon sa ekonomiya na walang ibang naggaganansya kundi ang mga monoplyo kapitalista, mga burges kumprador at panginoong maylupa. Pangalawa, dahil sa malupit na pagyurak sa kanilang demokratikong karapatan. Pangatlo, dahil sa walang awat na pangungurakot sa kaban ng bayan at labis-labis na pagwawaldas ng pondo para sa militar at pulisya para sa todo-gera sa mamamayan sa harap ng napakalalim na krisis sa bansa at kasalatan ng serbisyo-sosyal at ayuda para sa masa.

Sa ilalim ng rehimeng US-Duterte, ang atrasadong ekonomiya ng Pilipinas ay mas malalim pang bumagsak. Dahil sa lantarang pagyukod sa mga imperyalista, masunuring ipinatupad ng rehimen ang mga patakaran sa liberalisasyon ng importasyon sa mga agrikultural na produkto at batayang pagkain gayundin ang pagbubukas sa natural na rekursong lupain, kabundukan at karagatan sa mga dayuhang mamumuhunan. Kabilang sa buong bansa, pinasahol ng rehimeng Duterte ang atrasadong kalagayan ng kanayunan ng Ilocos. Dulot ng patakaran sa importasyon, na nagbagsak sa presyo ng mga lokal na produkto at tuloy-tuloy na pagtaas ng gastusin, bumaba ang produksyon lalo na ang palay, bawang at tabako na kabilang sa mga pangunahing produkto sa rehiyon. Sa ibayo pang liberalisasyon at patuloy na monopolyo ng mga kumpanya, nananatiling bagsak ang presyo ng tabako at nananatiling nakagapos ang mga magsasaka sa mga mapagsamantalang iskema ng mga kapitalistang kumpanya. Sa mas malawak pang pagbubukas ng bansa sa dayuhang pamumuhunan ng mga kumpanya sa enerhiya, minas at turismo na nang-aagaw sa lupain ng mamamayan at pambansang minorya, higit pang lumala ang suliranin sa kawalan ng lupa sa Ilocos. Samantala, ang pagpaparaya ni Duterte sa karagatan ng Pilipinas at mga mapanupil na patakaran ng gubyerno sa pamalakaya ay ibayo pang pumapawi sa kabuhayan ng mga mangingisda ng Ilocos.

Dahil sa patakarang pagsandig sa importasyon at kawalan ng sariling industriya ng Pilipinas, ang walang patid na pagsirit ng presyo ng langis ay lalo pang mabilis na nagpapabagsak sa kabuhayan ng mamamayan. Dito sa Ilocos, umaalingawngaw ang daing ng mga magsasaka, mangingisda at ng mga manggagawa lalo na ang mga tsuper dulot ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis at lahat ng mga bilihin at serbisyo. Samantala, hindi maramdaman ang napakaliit na ayudang ibinibigay ng reaksyunaryong gubyerno sa masang sinalanta ng mga samu’t-saring kalamidad ng pandemyang Covid-19, ASF, bagyo, baha at tagtuyot. Nakapako naman ang minimum na sahod ng manggagawa at ang P30- Pgo0 na naaprubahang umento para sa Rehiyon | ay kulang na kulang na pandugtong sa kaliitan ng kita nila.

Sa panahon ng pandemyang Covid-19, dinanas ng mamamayang Pilipino ang pinakamasahol na kahirapan dahil sa pagkasawasak ng sistema ng pampublikong kalusugan dulot ng patakarang pribatisasyon at kasalatan ng badyet para sa kalusugan. Pinalala pa ito ng rehimeng Duterte na sa rurok ng krisis ay nagawa pang kurakutin ang bilyon-bilyong pondo na pangresponde sa pandemya, sa harap ng hindi masawata na pagkalat ng sakit dahil sa kakulangan ng mass testing, ng mga pasilidad, ng mga doktor, nars at manggagawa sa kalusugan na humaharap dito. Pinasahol pa ni Duterte ang paghihirap ng mamamayan sa militaristang lockdown na lalong nagpalala sa krisis ng ekonomiya. Sa mga kanayunang kagaya ng Ilocos na higit na napapabayaan sa serbisyo sa kalusugan, matingkad na naramdaman ang mabigat na epekto ng Covid-19 na pandemya dahil sa kakulangan ng mga ospital, pasilidad at ng mga propesyunal at manggagawa sa kalusugan, gayundin ang epekto ng lockdown na humadlang sa paghahanapbuhay ng mamamayan.

Ang mamamayang Pilipino ang papasan sa iniwan Duterte na P12.7 trilyon na utang ng Pilipinas. Ipagpapatuloy na babayaran ng taumbayan ito sa pamamagitan ng mga buwis na itutuloy na ipataw ng Train Law na pipigain ng gubyerno sa pagtataas ng presyo ng mga bilihin, singil sa kuryente at iba pang serbisyo.

Iniwan ni Duterte ang krisis ng naghaharing sistema na lalo pa nitong pinasama at inaasahang lalo pang pasasamain ng rehimen US-Marcos Il. Ito ang makatarungang batayan kung bakit ibayo pang lalakas ang pakikibaka ng mamamayan at susulong ang rebolusyon sa pagkaluklok ng ilehitimong rehimeng US-Marcos Il.

Ipagpapatuloy at hihigpitan pa ng rehimeng US-Marcos Il ang mga kontra-mamamayang patakaran sa ekonomiya, pagbebenta sa soberanya at tiranya ng rehimeng Duterte

Ang hindi natamong layunin ng rehimeng Duterte na durugin ang CPP-NPA-NDF ay ipinasa niya sa rehimeng Marcos Il. Ipinahayag ni Marcos Jr. ang layuning lulupigin ang rebolusyonaryo at demokratikong kilusan ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapalawig at pagpapalakas sa kontra-insurhensiyang kampanya ng NTF- ELCAC. Walang plano si Marcos Il na ituloy ang usapang pangkapayapaan sa NDFP, kundi ang mas marahas pang pagpapatuloy ng kontra-rebolusyonaryong gera na walang ibang sasalo kundi ang masang sibilyan. Sa pag-upo ni Marcos Jr. at Sara Duterte, ibayo pang lumakas ang determinasyon ng AFP na paigtingin pa ang pasismo at tiranya. Subalit kagaya ng rehimeng Duterte, mabibigo ang rehimeng Marcos Il na buwagin ang rebolusyonaryo at demokratikong pakikibaka ng mamamayan.

Ang rehimeng US-Marcos ay kumakatawan sa imperyalista, malalaking burges kumprador at panginoong maylupa. Ipinakita na ni Marcos Jr. ang pagkatuta sa mga imperyalistang US at China. Habang ipinapahayag ang pamukhang “pagtataguyod sa independyenteng patakaran sa dayuhang relasyon,” ipinapahayag din ang pagnanais na pagtibayin ang relasyon sa US gayundin sa China. Nagpapalakas ito sa kalooban ng parehas na mga imperyalista upang itulak ang kani-kaniyang pang-ekonomiya at pangmilitar na interes sa bansa.

Kagaya ni Duterte, si Marcos Jr. ay dobe-karang tuta ng magkaaway na imperyalistang US at China. Hindi mapipigilan ni Marcos Jr.ang imperyalistang US na panatilihin ang kapangyarihang militar sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga kasunduang Enhanced Defense Cooperation Agreement, Mutual Defense Treaty Visiting Forces Agreement, at pagkontrol sa AFP sa kontra-insurhensiyang programa nito. Sa kabilang banda, hindi rin niya kayang tutulan ang China na maghari sa West Philippine Sea at angkinin ang mga rekursong marino dito at bakuran ang teritoryo laban sa imperyalistang US.

Mula nang maideklarang nanalong presidente, tuloy-tuloy na ang pagtanggap ni Marcos Jr. sa mga dayuhang diplomatiko upang magpatibay ng relasyon para sa dayuhang pamumuhunan at kalakalan. Gayundin, ang mga hinirang niyang tagapamahala sa ekonomiya ay ang mga eksperto at teknokrata na dati nang nagpapatupad sa mga neoliberal na patakaran ng IMF-World Bank para sa ekonomiya ng Pilipinas. Walang ibang ipatutupad ng mga ito kundi ang panghihimok sa dayuhang pamumuhunan na aagaw sa mga lupain at natural na rekurso, pagsasandig sa importasyon at eksportasyon na lalo pang magpapaplaki sa depisito sa kalakalan, magbabangkrap sa ekonomiya, magpapako sa sahod ng mga manggagawa at magbabagsak sa kita ng mga magsasaka. Kaugnay nito, ipinapahayag ng bagong administrasyong Marcos Il ang pagnanais nitong maipatupad na ang charter change na magbubukas ng 10096 sa pambansang patrimonya ng Pilipinas sa mga dayuhan. Kung kaya’t imposible na ipatutupad ng rehimeng US-Marcos Il ang tunay na repormang agraryo at industriyalisasyon, kundi lalo pang pag-iibayuhin ang pagiging atrasado at di industriyalisado ng bansa na paghahakutan lamang ng dambuhalang ganansya ng mga imperyalista.

Sa pag-upo ni Marcos Jr., hindi magaganap ang ipinapaasang “Bayan Bangon Muli (BBM).” Magpapatuloy na babagsak ang ekonomiya dahil sa waa itong plano na bumitaw sa mga patakarang dikta ng imperyalista. Hindi aasahan ng mamamayan na bababa ang presyo ng langis at lahat ng bilihin at serbisyo kundi tuloy-tuloy na tataas ang mga ito. Kung kaya’t magpapatuloy ang pangungutang ng rehimen na ang kadugtong ay ang pagpapatuloy ng pagpapataw ng buwis sa taumbayan at magpapatuloy ang pagtaas sa presyo ng lahat ng bilihin at serbisyo.

Manunungkulan upang protektahan ang mga nakaw na yaman at maabswelto ang mga krimen sa pandarambong, korapsyon at paglabag sa karapatang pantao

Kailanman, wala ni katiting na pagsisisi ang mga Marcos sa kanilang mga kasalanan sa pandarambong, korapsyon at paglabag sa karapatang pantao. Matapos pinawalang-sala ng COMELEC at Korte Suprema si Marcos Jr. sa kasong tax evasion, posibleng hindi na masisingil pa ang P203 bilyon na di nabayarang buwis ng kanilang pamilya, gayundin na posibleng tuluyan nang maabswelto ang mga kaso ng pamilyang Marcos sa plunder at corruption. Mas makapangyarihan na sila ngayong babawi at magdedepensa sa mga nasikwester na nakaw nilang yaman. Dagdag pa, lalo pa ngayong hindi na aasahan na ibibigay nila ang hustisya sa mga naging biktima ng martial law. Maliwanag kasi na ito ang mga layunin nilang nagsikap na makapanumbalik sa poder. Mapanlinlang na ginagamit ni Marcos Jr. ang panawagang “pagkakaisa” upang hatakin lahat ng pwersang lumalaban sa kaniya at konsolidahin ang kanyang paghahari. Ang katuturan ng “pagkakaisa” na ipinapanawagan ng rehimeng Marcos ay pasipikasyon o pagnyutralisa at pagpapatahimik sa lahat ng mga sumasalungat dito, mula sa kalakhang mamamayan hanggang sa hanay ng mga kontra-Marcos na reaksyunaryo. Sa gayon, magiging malaya na ang mga Marcos na ibalik ang kanilang dating tiranikong paghahari upang muling dambungin ang kayamanan ng bayan.

Ang panawagan ng kampong Marcos-Duterte “para sa pagkakaisa ng lahat ng Pilipino” tungo sa kanilang layunin ay hungkag at di kailanman mangyayayari. Una, dahil malaki at malalim ang poot ng nakararaming mamamayan sa tiraniko at kurakot na dinastiyang Marcos at Duterte. Nakaukit na sa kasaysayan ng bansa, at hindi na basta-bastang makakalimutan ng mamamayang Pilipino ang dakilang pakikibaka nila sa pagpapatalsik sa pamilyang Marcos noong 1986, dahil sa pinakamasahol na pandarambong at tiranikong paghahari na naranasan nila sa ilalim ng paghahari nito. Hindi rin basta-basta maisasantabi ng mamamayan ang pinakamatinding kahirapan, kalupitan, katrayduran at katakawan ng rehimeng Duterte na dinanas ng mamamayan. Masahol pa, dahil sa pagpupumilit nilang makabalik at makapagpatuloy sa poder ay ipinakat nila ang pinakabuktot na pamamaraan sa pagpapalaganap ng sukdulang kasinungalingan, pambabaluktot sa kasaysayan at pandaraya sa eleksyon. Ngayong nakabalik na sila sa Malacafang, lalo pang bubulagin ng dinastiyang Marcos ang kabataan at taumbayan sa mga kasinungalingan at dispormasyon kaugnay ng “ginituang panahon” ng diktador nilang ama. Pinupulot nila ngayon ang mga ibinasura ng mamamayang Pilipino na alaala ng pantasya nilang “royal family” na naluklok sa Malacahang.

Kailanman ay di makikipagkaisa ang mayorya ng mamamayang Pilipino sa rehimeng ito dahil sa ang malinaw na layunin nilang makabalik sa poder ay upang protektahan ang kanilang nakaw na yaman, maabswelto ang lahat ng kanilang krimen sa korapsyon at paglabag sa karapatang pantao at muli silang makapamuhay bilang “royal family” sa Malacahang. Kung kaya’t ibayo pang iigting ang kontradiksyon sa pagitan ng kinakatawan nilang mapagsamantalang uri ng malaking burges kumprador at panginoong maylupa at ng pinagsasamantalahang uri ng kalakhang masang maralita at inaapi. Dahil dito inaasahan na sasahol pa ang krisis sa pulitika, at walang ibang pagharap ang rehimeng US-Marcos Il dito kundi ang pagpapaigting pa ng pasismo at otoritarian na pamumuno.

Sa panahon ng transisyon ng administrasyong Duterte tungo sa administrasyong Marcos, maliwanag ang mga senyales ng lumalaking panganib sa kalayaan at demokratikong karapatan ng mamamayan sa mapayapang asembliya at pamamahayag. Malaking panganib sa kalayaan ng mamamayan ang itinutulak ngayon ng AFP at NTF-ELCAC na pagpapasara sa mga website ng CPP-NPA-NDF, kahit na ng mga demokratikong organisasyon at progresibong peryodiko. Dito sa Ilocos, pinaigting pa ng NTF-ELCAC, militar, pulisya at intelidyens ang harassment, red-tagging at surveillance sa mga progresibong samahan ng mamamayan. Lalo na’t walang balak ang bagong rehimen na ituloy ang usapang pangkapayapaan sa NDFP, inaasahang iigting pa ang todo-gera laban sa armadong rebolusyon.

Labanan ang US-Marcos Il at isulong ang demokatikong rebolusyon ng bayan

Kumukulo ang galit ng mamamayan sa sumasahol na kahirapan at pang-aapi sa ilalim ng rehimeng US-Duterte. Ito ay malinaw na patunay na lalo pang binulok ng rehimeng US-Duterte ang malapyudal at malakolonyal na lipunan at lalo pang bubulukin ito ng rehimeng US-Marcos Il. Ang mamamayang Ilokano ay nararapat na aktibong lumahok sa mga malalaking kilos-masa upang igiit ang pagiging ilehitimo nina Marcos Jr. at Sara Duterte bilang presidente at bise-presidente: upang maparusahan ang mga Marcos sa mga krimen sa pandarambong, korapsyon at paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng kanilang amang diktador na Ferdinand Marcos Sr.: upang maparusahan si Duterte sa malawakang pagyurak sa karapatang pantao sa ilalim ng gera kontra-droga at kontra-insurhensiya, kabilang ang mga krimen nito sa dambuhalang pagnanakaw sa pondo ng bayan at pagtatraydor sa soberanya at karapatang pangteritoryo ng Pilipinas.

Kailangang mahigpit na makipagkaisa at aktibong lumahok sa pagkilos ang mamamayang Ilokano laban sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis, ng mga bilihin at serbisyo, sa pagtigil ng importasyon sa mga batayang produkto, sa pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa at pagpawi sa mapagsamantalang upa sa lupa at usura at para sa pagtataas sa presyo ng mga produkto ng magsasaka, sa pagtigil sa pang-aagaw ng lupa at operasyon ng mapanirang mga proyekto ng mga kumpanyang enerhiya, minas at turismo, sa pagpapataas pa ng minimum a sweldo, sapat na ayuda at subsidyo para sa gastos sa produksyon ng magsasaka at mangingisda, sa paggigiit sa karapatan sa West Philippine Sea at pagtigil ng pagtataboy sa mga mangingisdang Pilipino dito: sa pagkilos upang buwagin ang NTF-ELCAC at pagbabasura sa Anti-Terror Law at paggigiit sa karapatang pantao laban sa red-tagging, harassment, pekeng a pagpapasurender at iba’t ibang porma ng paglabag ng AFP at PNP sa karapatang pantao.

Higit kailanman, ang pinakamahalagang tungkulin ng mamamayang Pilipino sa harap ng nanumbalik na diktadurang US-Marcos ay ang pagsusulong ng rebolusyonaryong armadong pakikibaka. Kailangang panghawakan na walang ibang mapagpasyang lalaban at magpapahina sa isang tiranikong rehimen kundi ang armadong pakikibaka, gaya ng napatunayan na sa pagbabagsak sa unang diktadurang Marcos. Sa maliwanag na gabay ng Partido Komunista ti Pilipinas, determinado ti NDFP-Ilocos na konsolidahin ang lakas ng mga magsasaka, manggagawa, ang mga panggitnang pwersa at lahat ng maralita at mga pinagsasamantalahang uri at sektor upang labanan ang rehimeng US-Marcos Il at isulong ang armadong rebolusyon at demokratikong pakikibaka ng mamamayan sa rehiyon.

Sa harap ng banta ng ibayo pang paghihirap at pang-aapi sa ilalim ng rehimen US-Marcos Il, lalo pang magsisikhay ang NDF-Ilocos sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa mamamayan para sa demokratikong rebolusyon ng bayan. Ibayo pang imumulat at ipapaalala ng NDF-Ilocos sa kabataan at mamamayang Ilokano ang tunay na kasaysayan ng pagkaganid at tiranya ng dinastiyang Marcos. Ibayo pang palalakasin ang armadong pakikibaka sa pamamagitan ng mas marami pang pasasampahin sa BHB at pagpapalakas sa suporta dito.

Sa harap ng malalaking panganib at hamon sa pagkaluklok ng rehimeng Marcos Il, determinado ang NDFP- Ilocos na magpalakas at magkonsolida upang magsilbing matibay na moog ng rebolusyonaryong pakikibaka ng upang labanan ito at igiit ang hustisya, demokrasya at kalayaan.

Walang duda na sa pag-upo ng rehimeng Marcos II, ibayo pang susulong ang pambansa demokratikong rebolusyon ng mamamayang Pilipino. ##

Ibayong susulong ang rebolusyon sa pagkaluklok ng rehimeng US-Marcos II
n/a