Gawad pamamarusa ng Jose Rapsing Command sa kasundaluhan at kapulisan sa lalawigan ng Masbate na nagsasagawa ng Focused Military Operations

Luz Del Mar | Spokesperson | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | New People's Army
August 13, 2020

Matagumpay na naisagawa ang hakbang pamamarusa sa isang konboy ng mga sundalo ng 2nd IBPA na nagsasagawa ng Focused Military Operations (FMO) sa ikatlong distrito ng probinsya ng Masbate.

Lulan ng apat na mga sasakyang pangmiltar ang mahigit 50 mga sundalo ng tambangan sila ng isang tim ng mga pulang mandirigma ng JRC BHB-Masbate gamit ang CDx. Agad na napatay sa lugar ang apat na sundalo kabilang ang dalawang opisyal at dalawang enlisted personnel. Nasira din ang dalawang sasakyan na tinamaan sa pagsabog. Nangyari ito bandang 8:30 ng gabi noong Hulyo 25, 2020 sa hangganan ng Brgy. Malinta at Usab, lungsod ng Masbate

Ang pamamarusang ito ay tugon sa kaliwa’t-kanang reklamong natatanggap ng JRC BHB- Masbate mula sa mamamayan hinggil sa mga pang-aabuso ng 2nd IBPA at PPO PNP Masbate at sa iba pang mga yunit nila. Mga kaso ng pagmasaker, pagpatay, panggigipit, pananakot, pagsira at pagnakaw ng mga pananim, pera at mga personal na gamit ng mga magsasaka. Ang 2nd IBPA, PPO PNP Masbate at mga yunit nila ay makailang beses nang nasasangkot sa pagmasaker sa buong probinsya ng Masbate. Pinakabago lang ay ang pagmasaker sa 3 katao sa Brgy. Bagacay, Mobo, habang ang nasundan nitong buwan ng Hunyo ay ang masaker sa Brgy. Mahayahay, Placer na ikinamatay ng 3 katao din.

Samantala, nito lamang Hulyo 25, 2020 sa magkatabing bayan ng Placer at Cawayan sa ikatlong distrito ng Masbate ay pinatay sa magkakahiwalay na lugar sina Julito Tibor Bolandrina at Nolito Maguilan. Ang 2 ay pinaratangang mga kasapi ng NPA. Sinuotan pa ng damit na may tatak ng JRC NPA si Bolandrina para palabasing miembro ito ng NPA.

Nabubuwang na ang rehimeng US,China-Duterte sa pagpapatupad ng kontra-mamamayang NTF-ELCAC at mas lalo pa itong pasasahulin sa bagong batas na Anti-Terrorsim Law. Alam natin na ang bagong batas na ito ay target na patahimikin ang mga kritiko ng reaksyunaryong gobyerno ni Duterte at ang rebolusyonaryong kilusan. Sa katunayan, bilang panimula ay sunod-sunod na ang mga patayan sa probinsya ng Masbate, panggigipit sa mga opisyal ng barangay at mga sibilyang pinaghihinalaan nilang may koneksyon sa rebolusyonaryong kilusan sa probinsya. Ngunit, sa kabila nito ay galit na galit at nasusuka na ang mamamayang Masbatenyo sa mga nangyayaring pang-aabuso ng 2nd IBPA at PPO PNP Masbate kung kaya naman natutuwa sila tuwing napaparusahan ang mga ito ng JRC BHB-Masbate.

Kung kaya wala nang dapat pagpilian ang mamamayang inaapi at pinagsasamantalahan kundi ang tumangan ng armas at tahakin ang armadong pagrerebolusyon para sa hustisya’t katarungan.

Sersoyo ang JRC BHB-Masbate sa sinumpaan nitong paglingkuaran ng buong katapatan at husay ang mamamayang Masbatenyo buhay man ay iaalay.

Nananawagan ang JRC BHB-Masbate sa mga makabayang Masbatenyo na ito ang panahon na di pwede kayong manahimik, lalo na’t nahaharap tayo sa pananalasa ng buwang na pangulo.

JRC BHB-Masbate, tunay na suldados san pobre!
Pagbayarin ng dugo ang pasista, berdugo at mamamatay taong 2nd IBPA at PPO PNP Masbate!
Mamamayang Masbatenyo, sampa na sa Bagong Hukbong Bayan!