Dumarami ang namamatay na sibilyan sa lalawigan ng Masbate dahil sa kagagawan ng 2nd IBPA at PNP PPO Masbate dahil sa todo gerang kampanya kontra mamamayan at pagpapatupad ng Anti-Terrorism Law

Luz Del Mar | Spokesperson | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | New People's Army
August 12, 2020

Simula noong Hulyo 25, 2020, pinakatan ng pinagsamang pwersa ng AFP at PNP sa ilalim ng 2nd IBPA, 93rd at 91th SAB,SAF, RMFB 5, Masbate PPO, 96th MICO, RID 5, Masbate PIU, RIU 5, Cataingan and Placer MPS at 1st and 2nd Masbate PMFC ang walong(8) mga barangay sa bayan ng Placer, Masbate.

Di baba sa 100 daang pwersa ng sundalo at pulis ang nagsagawa ng Focused Military Operation(FMO) sa mga baryo ng Libas, Tan-awan, Puro, Sta.Cruz, Cabangcalan, Dangpanan, Calumpang at Mahayahay na nagdulot ng pagkatakot sa mga residente ng walong barangay.

Dahil dito ay pinatay sa magkakahiwalay na lugar sina Julito Tibor Bolandrina at Nolito Maguilan. Ang 2 ay pinaratangang mga kasapi ng NPA. Sinuotan pa ng damit na may tatak ng JRC NPA si Bolandrina para palabasing miembro ito ng NPA.

Habang inaresto at sinaktan naman ang mga sibilyang sina Charlito “Loloc” Tulingin, Brgy. Kagawad ng Brgy. Tan-awan, Placer, mag-amang Ronnie Remulta at anak nitong kapitan na si Ronron Remulta, Lontoy Sanchez, Oloy Verdida at Turong Compuesto. Ang mga biktima ay pawang residente ng Brgy. Tan-awan, Placer. Nakita din sa lugar na kasama ng mga sundalo at pulis ang nagtaksil sa kilusan na si Bonso na siyang nanguna sa pananakit at pagnakaw ng pera sa ilang biktima. Ilang mga residente din ang pansamantalang lumipat ng tirahan sa takot na sila naman ang mapagbalingang patayin, saktan at pagnakawan.

Tinangka ding dukutin si Fredo Antipolo umaga noong Hulyo 24, 2020 sa Brgy. Villahermosa, Cawayan ng tatlong armadong kalalakihan na sakay ng dalawang motor.

Layon ng Focused Military Operation (FMO) na durugin ang BHB at baseng masa nito, ganundin para ipitin at hadlangan ang lahat ng porma ng paglaban at pakikibaka ng mamamayan para sa paggigiit ng kanilang mga demokratikong karapatan at kahilingan.

Sa kasalukuyan ay lomolobo na ang bilang ng mga pinapatay, sinasaktan at nasisirang kabuhayan sa buong probinsya ng Masbate, kahit pa may kinakaharap na problema ang mamamayan dala ng Covid19.

Samantala, noon namang Hulyo 21, 2020 sa Bo.ng Aurora, Uson ay tinipon sa plasa ng mga sundalo ng 2nd IBPA ang mga opisyal ng barangay at walong (8) sibilyan na sina Rene Valenzuela, Pancho Agustin, Moises Agustin, Jeffrey Dalanon, Ruel Bombales, Arnel Cabiles, Efren Tamayo at Elmer Rivero.Pinalalabas silang mga kasapi ng NPA at pilit na pinapasuko para linisin ang kanilang mga pangalan.

Ang ganitong mga diskarte ng 2nd IBPA at PNP PPO Masbate na palabasing mga NPA ang mga inosenteng sibilyan ay matagal ng gawain para makurakot ang perang nakapaloob sa ECLIP na pangunahing programa ng pasista, berdugo at tiranikong rehimeng US, China-Duterte.

Makatwirang naisin ng mamamayan na humulagpos sa pang-aapi at pagsasamantala ng mga burukrata kapitalista , panginoong may-lupa at pasista . Hangad ng mamamayang api at pinagsasamantalahan na isulong ang armadong pakikibaka bilang pinakamataas na porma ng paglaban at kamtin ang lipunang walang nagsasamantlala at pinagsasamantalahan.

Nananawagan ang JRC BHB Masbate sa lahat ng mamamayang Masbatenyo partikular sa mga pamilya ng mga biktima ng pagpatay at pang-aabuso ng mga sundalo at pulis na magkaisa tayong labanan ang atake ng mga pasista at berdugo.

Hinihikayat ng JRC BHB Masbate ang mg kapamilyang biktima na sumampa sa Bagong Hukbong Bayan.Walang ibang magtatanggol sa atin kundi ang ating pagsasama-samang lakas na labanan at durugin ang pananalasa ng mga berdugo at pasistang sundalo at pulis sa ilalim ng uhaw sa dugong pangulo ng bansa.

LUZ DEL MAR
Tagapamahayag
Jose Rapsing Command
BHB Masbate