BHB-Western Samar, aktibong nagtanggol laban sa 46th IB

NPA-Western Samar (Arnulfo Ortiz Command) | Eastern Visayas Regional Operational Command (Efren Martires Command) | New People's Army
March 20, 2021
Share and help us bring this article to more readers.

Binigo ng Bagong Hukbong Bayan-Western Samar (Arnulfo Ortiz Command) ang atake ng higit 100 nag-ooperasyong tropa ng 46th Infantry Battalion noong Pebrero 8 sa Brgy. Canlobo, Pinabacdao bandang alas-11:30 ng umaga.

Aktibong nakapagdepensa ang yunit ng BHB-AOC laban sa reyd sa kanila ng mga tropa ng berdugong 46th IB. Dalawang tropa ng kaaway ang napatay ng mga Pulang mandirigma bago sila ligtas na nakaatras.

Hindi kuntento sa pagkatalo, naghulog ang kaaway ng walong bomba at apat na beses na nagpaputok ng mortar tungo sa pinangyarihan ng labanan. Walang tigil din itong nangistraping sa loob ng 45 minuto. Hindi kalayuan sa sakahan ng mga magsasaka ang pinagpupuputukan ng militar.

Hindi mabilang ang mga krimen ng berdugong 46th IB sa mamamayan ng Samar, kabilang ang pagpaslang sa di bababa sa siyam na magsasaka noon lamang 2020. Naglulunsad ng nakapokus na operasyong militar sa mga bayan ng Pinabacdao, Calbiga at Hinabangan mula pa noong 2019 na nagdulot ng matinding destroso sa buhay at hanapbuhay ng mga residente.#

BHB-Western Samar, aktibong nagtanggol laban sa 46th IB