Berdugong 62nd IBPA naghasik ng lagim sa Central Negros!

,

Mahigpit na kinokondena ng Leonardo Panaligan Command-New People’s Army (LPC-NPA) ang pagmasaker ng berdugong tropa ng 62nd infantry Battalion Philippine Army sa pamilya Jacolbe habang namamahinga sa kubo sa So. Banderahan, Brgy. Trinidad Guihulngan City, Negros Oriental alas 5:30 ng umaga.

Napatay sa nasabing insidente si Christina Jacolbe, kasama ang kanyang anak na si Everly Kee Jacolbe, 16 taong gulang at Rodan Montero. Tinaniman lamang ng baril ang mga nasabing biktima. Ninakaw din ng mga nasabing tropa ng militar ang mga personal na gamit at pera ng mga biktima.

Si Christina Jacolbe ay isang dating Daycare Worker sa So. Natuling. Brgy. Budlasan, Canlaon City. Ni-“red-tag” ng pasistang estado bilang sumusuporta sa NPA kaya napilitang umalis sa kanyang trabaho dahil pinag initan siya ng mga militar at pulisya.

Walang katotohanan ang sinasabing may naganap ng engkwentro sa pagitan ng tropa ng 62nd IBPA at NPA.

Walang pinagkaiba ang rehimeng US-Duterte at ang sa kasalukuyang rehimeng US Marcos sa kadahas at paglapastangan sa karapatang pantao ng mamamayan lalo nang mga sibilyan.

Sa kabilang banda, nagpapatuloy ang marahas na operasyong militar sa kabundukang sakop ng Guihuingan City, Canlaon City, Vallehermoso at bayan ng Magallon.

Palayasin ang mga berdugong militar sa kanayunan. Panindigan ang demokratikong karapatan at interes ng sangkatauhan!

Buwagin ang NTF-ELCAC at mga makinarya nito!

Berdugong 62nd IBPA naghasik ng lagim sa Central Negros!
n/a