93rd Special Action Company, instrumento ng RTF-ELCAC, pinarusahan ng NPA!

Florante Orobia | Spokesperson | NPA-Albay (Santos Binamera Command) | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | New People's Army
April 05, 2021
Share and help us bring this article to more readers.

Matagumpay ang mga operatiba ng Santos Binamera Command – NPA Albay (SBC – NPA Albay) sa pananambang sa isang back-to-back na sasakyan ng mga elemento ng Philippine National Police (PNP) nitong nakalipas na Abril 3, 2021 sa Brgy. Aliang, Ligao City, bandang 8:30 ng umaga.

Binabaybay ng isang yunit ng 93rd Special Action Company (93rd SAC) ang kahabaan ng Ligao-Pio Duran nang pumasok sa killing zone kung saan nakatanim ang command detonated explosives (cdx) ng mga Pulang mandirigma ng SBC – NPA Albay. Dalawa ang patay at dalawa ang sugatan sa hanay ng PNP – SAC.

Ang pananambang sa nasabing yunit ay dagdag na bigwas sa mga yunit sa ilalim ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC). Ang mga ito ang pangunahing instrumento ng gera kontra-mamamayan ng rehimeng US Duterte. Ang nasabing aksyong militar ay tugon ng NPA – Albay sa panawagan ng mamamayan para sa hustisya at pagpapanagot sa pandarahas, kalupitan at panunupil ng mga operasyong kombat at operasyong saywar tulad ng RCSP na nananalasa sa kanayunan at kalunsuran ng probinsya at dagdag na hustisya sa kanila.

Hinahamon ng SBC – NPA Albay ang mga kagawad ng media sa mas matalas na pagpapalalim kaugnay sa sibilyang nadamay sa nasabing pananambang at paglalabas ng katotohanan mula sa perspektiba ng mamamayang Bikolano. Malinaw at tiniyak ng mga kagawad ng SBC – NPA Albay na wala sa itinakdang killing zone ang mga sibilyan nang maganap ang nasabing operasyon.

93rd Special Action Company, instrumento ng RTF-ELCAC, pinarusahan ng NPA!