61st IB AT CAFGU NA GOONS NG KAPITALISTA, HINARAS NG NPA

Uncategorized
August 31, 2018
Share and help us bring this article to more readers.


Pinaputukan ng isang yunit ng NPA sa ilalim ng Napoleon Tumagtang Command ang mga pinagsanib na tropa ng 61st IBPA at CAFGU sa sitio Butuan, Igcabugao, Igbaras, Iloilo, bandang 3:30 hapon ng Agosto 29, 2018. Natamaan ang isang tropa ng kaaway, at hindi sadyang nasugatan din ang kanilang kasabay na isang sibilyan.

Ang mga armadong tropa ng kaaway ay nakasakay sa isang sasakyang pagmamay-ari ng Century Peak, isang korporasyong pagmamay-ari ng intsik na nagtatayo ng proyektong hydroelectric sa mabundok na bahagi ng Igbaras. Sa simula pa ay mahigpit na ang pagtutol dito ng maraming magsasaka dahil sa mapanira na dulot nito sa kanilang ikabubuhay at sa kalikasan. Ang proyekto ay inumpisahan noong 2012 at mula noon ang mga tropa ng AFP (82nd IB, 61st IB at CAFGU) ang ginawang bayarang goons ng kumpanya laban sa mga mamamayan na tumututol. Ang proyektong ito ay magkakait ng kinakailangang patubig ng maraming magsasaka ng palay sa ibabang bahagi, at lalong maglalagay sa kanila sa panganib dahil itinatayo ito sa isang landslide-prone na lugar.

Kahit hindi sinasadya, taos-pusong humihingi ng paumanhin ang NPA-Panay kay Shiela Mae Estevez at kanyang mga kapamilya, dahil sa pagkasugat nito. Hinihingan pa namin ng ulat ang mga kasamang nagsagawa ng aksyon tungkol sa pangyayari. Malinaw para sa amin na mahigpit na ipinagbabawal sa NPA ang pagsagawa ng anumang aksyong sadyang makakasira sa mga sibilyan. Sa kasalukuyan, naghahanap pa kami ng paraan para maipaabot ang kaukulang tulong para sa pagpapagamot at pagpapagaling ni Ms. Estevez.

Muling ipinapaabot namin ang babala sa management ng Century Peak na itigil na ang paggamit ng armadong tropa ng AFP, PNP at paramilitar upang ipilit ang isang proyektong makakasira sa kabuhayan at lalong maglalagay sa panganib sa mga magsasaka.

Muli din kaming nananawagan sa mga manggagawa ng kumpanya at mga sibilyang naninirahan sa kalapit na lugar na iwasang sumabay sa mga armadong tropa sa sasakyan o sa paglalakad. Ipaglaban ang karapatang pantao ng mga sibilyan na hindi dapat masangkot sa labanan.

Dahil ang PNP, AFP at paramilitar nito ay mga pangunahing instrumento ng naghaharing uri sa pagsasamantala at pang-aapi sa mga mamamayan, ang mga armadong tropa nito ay awtomatikong target ng mga taktikal na opensiba ng NPA. Ang mga tropa ng 61st IB ay notoryus sa paggamit ng sibilyan bilang pananggalang laban sa NPA, at duguan ang kanilang kamay mula sa mga sibilyang pinatay at pinaratangang NPA o nanlaban. Saan at kailan man may pagkakataon, bibirahin sila ng NPA para bigyan ng katarungan ang kanilang mga biktima.

Julio Montana
Tagapagsalita
Coronacion “Walingwaling” Chiva Command
NPA-Panay
31 Agosto 2018

61st IB AT CAFGU NA GOONS NG KAPITALISTA, HINARAS NG NPA