1 patay, 4 sugatan sa 30th IB sa reyd laban sa BHB-SDN; 1 Pulang mandirigma namartir

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Nireyd ng 30th Infantry Battalion sa ilalim ng 901st Brigade ang Bagong Hukbong Bayan-Surigao del Norte (BHB-SDN) sa mabundok na bahagi ng Barangay Alipao, Alegria,Surigao del Norte noong Pebrero 8, 2022 bandang 5:57 ng madaling araw. Tumagal ang palitan ng putok nang halos isang oras na nagresulta sa pagkasawi ni Kasamang Wolf at pagkaiwan ng tatlong matataas na armas (isang M16, isang BB M16, isang Akchikuz), isang command detonated explosive device, isang rolyo ng kawad, mga bala, at iba pang personal na mga gamit. Isa ang napatay at apat ang nasugatan sa tropa ng 30th IB.

Para sa kaalaman ng lahat, ang BHB-SDN ay naglulunsad ng gawaing masa sa naturang lugar para tumulong sa mga biktima ng bagyong Odette na hanggang ngayon ay wala pa ring tulong o ayudang natatanggap mula sa gubyerno. Taliwas ito sa pahayag ni Calantas na nangingikil sa mga magsasaka ang BHB-SDN. Ang kailangan ay sa pagkain, tubig at pabahay, at hindi militarisasyon ang sigaw ng mamamayang Surigaonon subalit walay humpay na atake ang tugon ng AFP/PNP maging sa malalayong lugar. Mula pa noong Oktubre 2021 hanggang ngayon, walang puknat ang kanilang isinagawang operasyong militar sa mga lugar sa Agusan at Surigao; ito ay alinsunod sa utos ni Duterte na tapusin ang armadong paglaban ng mamamayan sa kanyang termino na nakapadron sa kontra-insurhesyang programa ng US.

Lalo lamang nitong pinatitindi ang sosyo-ekonomikong kalagayan ng mamamayan na nagpaigting sa armadong paglaban. Sinaid nito ang limitadong pampublikong pondo na dapat sana ay nakalaan sa pampublikong kalusugan, edukasyon at ayuda. Inilantad lamang nito ang kabulukan ng malakolonyal at malapyudal na sistema at iangat ang hangarin ng bayan para sa pambansa at panlipunang kalayaan.

Mabuhay ang BHB-SDN!

Mabuhay ang mamamayang nakikibaka laban sa teroristang estado!

1 patay, 4 sugatan sa 30th IB sa reyd laban sa BHB-SDN; 1 Pulang mandirigma namartir
n/a