Archive of Sectoral

Pambansang minorya, kinundena ang ahensyang pangkatutubo
August 11, 2022

Noong Agosto 9, pandaigdigang araw ng mga katutubo, nagmartsa ang mga grupo ng pambansang minorya at kanilang mga tagasuporta patungo sa upisina ng National Commission on Indigenous Peoples sa Quezon City. Sa pangunguna ng grupong Katribu, tinuligsa nila ang walang habas na pagkakalat ng disimpormasyon at pasismo ng ahensya. Anila, ang paglaganap ng pekeng impormasyon […]

Matapos ang 9 na taon: Tuloy ang laban ng mga magsasaka kontra Golden Rice
August 09, 2022

Naglunsad kahapon, Agosto 8, ng koordinadong mga aktibidad at pagkilos ang iba’t ibang samahang magsasaka at mga organisasyong tutol sa paggamit ng genetically modified organism (GMO) na palay o golden rice. Itinaon nila ito sa araw kung kailan binunot ng mga magsasaka sa Camarines Sur ang mga punla ng golden rice, siyam na taon na […]

Ayuda para sa mga biktima ng lindol, iginigiit ng mga OFW
August 08, 2022

Nanawagan kahapon, Agosto 7, ang mga overseas Filipino workers (OCW) o migranteng manggagawang Pilipino sa Hong Kong na kagyat nang ibigay ang ayudang nakalaan para sa kanilang mga pamilya na naapektuhan ng lindol noong nakaraang Hulyo 27. Nagpiket sila sa upisina ng Philippine Overseas Labor Office at Philippine Consulate sa MTR exit D, Admiralty, Hong […]

Pagtutol sa reklamasyon, ipinarating sa bagong kalihim ng DENR
August 08, 2022

Nagmartsa ang mga grupo ng mangingisda at tagapagtaguyod ng kalikasan tungo sa upisina ng Department of Environment and Natural Resources sa Quezon City noong Agosto 5 upang iparating ang kanilang pagtutol at panawagang pagrepaso sa planong reklamasyon sa Maynila at iba pang bahagi ng bansa. Ayon sa grupo, nais nilang tawagin ang pansin ng ahensya […]

Kilusan kontra mandatory ROTC, muling pinalalakas
August 05, 2022

Muling umuugong ang pagtutol ng mga mag-aaral sa mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa harap ng bantang ibalik ito sa mga unibersidad, pamantasan at eskwelahan. Reaksyon ito ng mga kabataan sa kamakailang pahayag ni President Ferdinand Marcos Jr sa kanyang unang State of the Nation Address na dapat ibalik ang mandatory ROTC o sapilitang […]

DepEd, kinastigo ng mga guro sa maanomalyang paggastos sa pondo
August 05, 2022

Inulan ng batikos ang Deparment of Education (DepEd) matapos maglabas ang Commission on Audit (COA) ng bagong mga ulat na nagtutukoy sa mga “deficiency” o pagkukulang ng kagawaran kaugnay sa paggastos sa ₱4.527 bilyong pondo para sa Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) o programang distance learning noong 2020-2021 at 2021-2022. Kabilang sa pinuna ng […]

Mga guro, ikinagalit ang pagtanggi ni Marcos na tanggalin ang buwis sa kanilang honoraria
August 01, 2022

Binatikos ng mga guro noong Hulyo 29 ang pagtanggi ni Ferdinand Marcos Jr na pirmahan ang batas na magliligtas sa buwis sa honoraria, alawans o at iba pang pampinansyang benepisyong nakuha nila kapalit ng kanilang serbisyo noong nakaraang eleksyon. Tinawag ito ni ACT Teachers Rep. France Castro na insulto sa lahat ng mga guro na […]

Bilyun-bilyong halaga ng bakunang kontra-Covid, nasayang
July 28, 2022

Sa pangatlong taon ng pandemya, nasa 71.5 milyong Pilipino (o 65%) pa lamang ang naturukan ng dalawang dosis ng bakuna. Hindi nito abot ang mababa na ngang target na 78.1 milyon o 70% ng populasyon. (Sa maraming bansa, itinaas na ang target tungong 90% ng populasyon, kabilang ang mga bata.) Mas mababa pa ang nabigyan […]

Libu-libong mamamayan nagprotesta sa araw ng unang SONA ni Marcos Jr
July 26, 2022

Inulat ng grupong Bayan na umabot sa 8,000 katao ang nagmartsa kahapon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue para ipahayag ang tunay na kalagayan ng bayan kasabay ng unang State of the Nation Address (SONA) ni Ferdinand Marcos Jr. Hindi natinag ang delegasyon ng mga pambansa-demokratikong organisasyon sa kabila ng makailang-ulit na paninindak, panggigipit at ala-batas militar […]

Mga biktima ng baha sa Quezon City, naigiit ang ayuda
July 20, 2022

Mahigit 40 residente ng Barangay Tatalon sa Quezon City ang nakatanggap ng ayuda mula sa lokal na gubyerno matapos na sama-sama silang nagpahayag ng kanilang hinaing sa kawalang tulong sa gitna ng malakas na ulan at pagbaha sa kanilang barangay noong Hulyo 16. Natanggap ng mga pamilya ang ayuda kahapon, Hulyo 19. Pero ayon sa […]

n/a