Archive of Articles

Protesta ng mga “yellow vest” sa France, nagpapatuloy
December 21, 2018 | Ang Bayan | Articles

  PUMASOK NA SA ikalimang linggo ang mga kilos protesta ng mamamayang Pranses laban sa anila’y kontra-mahirap na mga polisiya ng gubyerno ni President Emmanuel Macron. (Basahin sa Ang Bayan Nobyembre 21, 2018.) Kumpara sa mga nakaraang pagkilos, ang lingguhang kilos protesta (tuwing Sabado) noong Disyembre 15 sa Paris at iba pang syudad ng France […]

CPI-Maoist nagdaos ng ikalimang Plenum
December 21, 2018 | Ang Bayan | Articles

  IDINAOS NG PARTIDO Komunista ng India (CPI-Maoist) ang ikalimang Plenum nito noong Nobyembre 2018 at naghalal ng bagong mga kasapi. Naghapag ng pagbibitiw bilang Pangkalahatang Kalihim ng Partido si Kasamang Ganapathy para bigyan-daan ang mga nakababatang kasapi ng Komite Sentral. Ang kanyang lumalalang kalagayan ng kalusugan at pagtanda ang mga batayan ng kanyang pagbibitiw. […]

Ang mga tinabunang krimen sa gera ng yumaong Bush
December 21, 2018 | Ang Bayan | Articles

  Puring-puri ang masmidya ng US kay dating presidenteng George Herbert Walker Bush o Bush Sr. nang yumao ito noong Nobyembre 30. Pakay ng mga papuring ito ng mapambolang masmidya at elitistang pulitiko na ibaon sa limot ang mga krimen sa gera at henosidyong karahasan ng imperyalistang US. Ngunit para sa mga kritiko ni Bush […]

Batas militar sa Mindanao, muling pinalawig
December 21, 2018 | Ang Bayan | Articles

  Sa ikatlong pagkakataon, muling pinalawig ng isang taon ang implementasyon ng batas militar sa buong isla ng Mindanao matapos aprubahan ng Joint Session ng House of Representatives at Senado noong Disyembre 12 ang hiling na ito ni Rodrigo Duterte. Sa botong 223-23 sa House of Representatives at 12-5 sa Senado habang may isang nag-abstain, […]

Bahay ng lider obrero, sinunog sa Compostela
December 21, 2018 | Ang Bayan | Articles

SINUNOG NG MGA hindi kilalang tao noong alas-2 ng madaling araw ng Disyembre 15 ang bahay ni Paul John Dizon, presidente ng NAMASUFA (Nagkahiusang Mamumuo sa Suyapa Farms), sa poblasyon ng Compostela sa Compostela Valley. Natupok din ang bahay ng dating NAMASUFA President at dating Kilusang Mayo Uno-Southern Mindanao Region Chairperson Vicente Barrios na nasa […]

Todo-operasyon ng AFP sa Northern Mindanao, salot sa mamamayan
December 21, 2018 | Ang Bayan | Articles

  Inambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Bukidnon ang mga sundalo ng 8th IB noong alas-2 ng umaga ng Disyembre 20 sa Sityo Nasandigan, Barangay Kalabugao, Impasug-ong, Bukidnon. Tatlo ang napatay at dalawa ang nasugatan sa mga sundalong palabas na mula sa operasyon. Ang yunit na inambus ay bahagi ng todo-operasyon at walang-ampat na pambobomba na […]

Ang nagpapatuloy na teroristang paghahari ni Duterte
December 21, 2018 | Ang Bayan | Articles

  Kasabay ng paggunita sa International Human Rights Day noong Disyembre 10, nilagom ng Ang Bayan (AB) sa isang ulat ang mga ibinalita nitong mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang armadong mga ahente ng rehimeng US-Duterte ngayong taon. Mababasa ang buong […]

Libu-libo nagprotesta sa Pandaigdigang Araw ng Karapatang-tao
December 21, 2018 | Ang Bayan | Articles

Hindi bababa sa 20,000 ang nagprotesta sa higit 20 prubinsya at syudad ng Pilipinas bilang paggunita sa ika-70 taon ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang-tao noong Disyembre 10. Nagprotesta rin ang mga Pilipino at kanilang mga tagasuporta sa ibayong dagat. Sa kabila ng batas militar, nasa 10,000 ang nagprotesta sa Mindanao. Pinabulaanan nila ang kasinungalingan ni […]

19 bagong medik sa Camarines Norte
December 21, 2018 | Ang Bayan | Articles

MATAGUMPAY NA NAILUNSAD ang pamprubinsyang pagsasanay sa Batayang Kursong Pangkalusugan sa isang larangang gerilya sa ilalim ng Armando Catapia Command (ACC o BHB Camarines Norte) nitong Nobyembre. Labing siyam ang nakapagtapos mula sa yunit ng hukbo, milisyang bayan at sa mga organisasyong masa sa baryo. Pangunahing pinadalo sa pagsasanay ang mga tatayong upisyal medikal ng […]

Kampo ng CAFGU, nilipol ng BHB
December 21, 2018 | Ang Bayan | Articles

DALAWANG SUNDALO NG 3rd Special Forces Battalion at 12 elemento ng CAFGU ang bihag ngayon ng Bagong Hukbong Bayan-Agusan del Sur matapos kubkubin ng mga Pulang mandirigma ang kanilang kampo sa Barangay New Tubigon, Sibagat, Agusan del Sur. Isinagawa ang mapangahas na opensibang walang putok noong Disyembre 19, bandang alas-3 ng madaling araw. Nasamsam din […]