Ang Bayan

Gina Lopez, pumanaw na
August 21, 2019

“Isang tunay na kaibigan ng mamamayang Pilipino” ang turing ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) kay Regina “Gina” Lopez. Ito ang pahayag ng PKP sa sulat pakikidalamhati nito sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Pumanaw si Lopez sa edad na 65 noong Agosto 19 sa sakit na kanser. Naging kalihim si Lopez ng Department of […]

Read more

Piketlayn sa Pepmaco, marahas na binuwag
August 21, 2019

Sa ikalawang pagkakataon, marahas na binuwag ng mga pulis ang piketlayn ng mga manggagawa ng Pepmaco sa Calamba, Laguna noong Agosto 19, alas 11:30 ng umaga. Labing walong manggagawa ang arbitraryong inaresto at ikinulong kabilang ang anim na babae. Naganap ang dispersal habang nasa tanggapan ng National Conciliation and Mediation Board ang mga upisyal ng […]

Read more

P113.7M-halaga ng mga libro, nakatambak sa DepEd
August 21, 2019

Kinundena ng ACT Teachers Partylist ang Department of Education matapos matuklasan na hindi pa nito naipamamahagi sa mga mag-aaral ang mahigit P113.7-milyong halaga ng mga aklat pang-eskwela. Binatikos din ng grupo ang maanomalyang P254-milyon halaga ng mga kontratang pinasok nito sa pagbili ng mga aklat na mali-mali ang nilalaman. “Paulit-ulit na sinasabihan ang mga guro […]

Read more

3 patay, daan-daan iligal na idinetine ng PNP sa Baseco
August 21, 2019

Sa utos ng meyor ng Maynila na si Isko Moreno na linisin ang Baseco Compound na pugad umano ng droga, sinalakay ng daan-daang pulis ang lugar noong Agosto 11. Ang Baseco ay maralitang komunidad na matatagpuan sa kahabaan ng Manila Bay. Noong Marso pa target na palayasin ang libu-libong residente nito upang ipatupad ang reklamasyon […]

Read more

Araw ng Pagluluksa para sa Negros
August 21, 2019

Inilunsad ng Defend Negros #StopTheAttacks Network ang “Pambansang Araw ng Pagluluksa at Protesta” noong Agosto 20 upang kundenahin ang malawakang pamamaslang at iba pang mga pang-aatake sa mga sibilyan sa Negros. Pinangunahan nito ang mga pagkilos ng daan-daang indibidwal sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Sorsogon, […]

Read more

Dengvaxia, pinaburan ni Duterte
August 21, 2019

Matapos magdeklara ang Department of Health (DOH) noong Agosto 6 na mayroong epidemya ng dengue, agad na itinulak ni Rodrigo Duterte ang muling pagpapabakuna ng kabataan ng Dengvaxia. Sa kabila ito ng maanomalyang programa sa pagbabakuna na pinaniniwalaang pumatay sa ‘di bababa sa 26 Pilipinong bata mula Abril 2016-Pebrero 2018. Tinutulan ng mga duktor at […]

Read more

Bagong pasilidad para sa militar ng US
August 21, 2019

Pinahigpit ng US ang kontrol nito sa militar at pulis ng Pilipinas matapos pagkasunduan ang pagtatayo sa bansa ng pasilidad para sa “gera kontra-terorismo.” Nitong Agosto 15, pinirmahan nina US Embassy Deputy Chief of Mission John Law at Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde ang kasunduan para sa pagtatayo ng sentro ng pagsasanay […]

Read more

Mga protesta sa Hongkong laban sa ektradisyon
August 21, 2019

Patuloy na naglulunsad ng dambuhalang mga demonstrasyon ang milyun-milyong mamamayan ng Hongkong para ipakita ang kanilang paglaban sa iniraratsadang pag-amyenda ng administrasyong Lam sa batas ng ekstradisyon. Layunin ng panukala na pahintulutan ang pagpasa ng mga indibidwal na may kaso sa China sa bansa para doon litisin. Nagsimula ang malalaking protesta noong Hunyo. Para sa […]

Read more

Sunog sa kagubatan ng Amazon, nakaaalarma
August 21, 2019

Mahigit dalawang linggo na ang walang tigil na sunog sa kagubatan ng Amazon sa Brazil nitong Agosto. Sa taong ito, umabot na sa 72, 843 ang naiulat na bilang ng sunog sa kagubatan ng bansa. Kalahati nito ay nasa Amazon. Ang bilang ng mga sunog ay dumami nang 84% kumpara sa nakaraang taon batay sa […]

Read more

Tangkang militarisasyon sa mga kampus, nilabanan
August 21, 2019

Kailanman, hindi mapatatahimik ang mga kabataan. Patuloy nilang itataguyod ang bandila ng kalayaan sa pagpapahayag at pag-oorganisa. Sa harap ng sistematiko at patuloy na panggigipit ng rehimeng Duterte sa sektor, muli nilang ipinamalas ang pagkakaisa at paninindigan noong Agosto 20. Libu-libong estudyante at kanilang mga guro ang nagprotesta sa loob at labas ng mga unibersidad […]

Read more