Noong Enero 18, tinatayang nasa 42.2 milyong dosis na ang nabakunahan sa 51 bansa. Tinatayang nasa abereyds na 2.43 milyong dosis naman ang naituturok kada araw. Aabot naman sa 8.33 bilyong dosis ang ipinareserba na ng pinakamalalaking kapitalistang bansa. Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang kinakailangan pang maghintay hanggang sa susunod na taon para mapunan […]
Higit 200 ang nagtipon sa University of the Philippines (UP)-Diliman, Quezon City noong Enero 19. Kinundena nila ang unilateral na pagwawakas ni Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana sa kasunduang UP-DND na nagbabawal sa pagpasok ng pulis at militar sa kampus nang walang paalam. Layunin ng maniobrang ito na pahintulutan ang militar na […]
Inambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Abra (Agustin Begnalen Command) ang mapang-abuso at berdugong mga sundalo ng 24th IB at 72nd Division Reconnaissance Company noong Enero 4 sa Barangay Pacgued, Malibcong, Abra. Siyam ang napaslang sa opensiba kabilang ang platun lider na si 2Lt. Zaldy D. Lapis, Jr.. Mabilis ang isinagawang sorpresang pag-atake ng yunit ng […]
Naitaboy ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan-Mindoro (Lucio de Guzman Command) ang papalapag na helikopter na S70i BlackHawk ng Armed Forces of the Philippines matapos itong paputukan sa San Jose, Occidental Mindoro noong Enero 9. Palapag na sana ang naturang helikopter sa Sityo Mantay, Barangay Monte Claro para ihatid ang mga upisyal ng AFP […]
Muling pinaarangkada ng mga kampon ni Rodrigo Duterte sa Senado at Kongreso ang pakanang charter change o pagbabago ng Konstitusyong 1987 pagpasok ng 2021. Sa Mababang Kapulungan, sinimulan na noong Enero 13 ang pagdinig ng komite para sa pag-amyenda sa konstitusyon sa Resolution of Both Houses No. 2 (RBH2) sa tulak ni House Speaker Lord […]
Sa harap ng nagtataasang presyo ng gulay, walang plano ang Department of Agriculture na palakasin ang produksyon nito sa bansa. Ito mismo ang nag-anunsyo sa posibilidad na magkararanas ang bansa ng 79 araw na kakulangan ng gulay ngayong taon. Tinatayang aabot sa 434,841 metriko-tonelada (MT) ang kukulangin, katumbas ng konsumo ng mga Pilipino sa loob […]
Para ikampanya ang pagpapapultaym sa Bagong Hukbong Bayan, naging susi ang dedikasyon ng mga kagawad ng sangay ng Partido sa Baryo Higos sa Bicol. Upang makatugon sa target na mag-ambag ng 10 bagong rekrut, itinakda sa bawat kagawad ng sangay ang pagrekomenda ng maaaring mapapultaym, pangunahin mula sa kabataan. Kabilang sa mga batayan ang edad, […]
Marami ang nagalit sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong pagkain, laluna ng karneng baboy, sa Luzon mula pa noong Disyembre 2020. Sa pinakahuling ulat ng Department of Agriculture (DA), tinatayang pumalo na sa ₱380 hanggang ₱420 kada kilo ang presyo ng liempo sa Metro Manila, habang ₱320 hanggang ₱380 naman ang sa […]
Umabot sa mahigit tatlong linggo bago ibinigay sa pamilya ang bangkay ni Vilma Salabao, unyonista na kabilang sa minasaker ng pulis at mga tauhan ng 2nd ID sa isang manggahan sa Sityo Malalim, Barangay San Jose, Baras, Rizal noong Disyembre 17, 2020. Kabilang din sa mga biktima sa naturang masaker sina Carlito Zonio, tagapangalaga at […]
Sa ikalawang pagkakataon, si President Donald Trump ng US ay na-impeach sa Kongreso sa botohan noong Enero 12, walong araw bago siya palitan ni Joseph Biden sa White House. Si Trump ang pinakaunang presidente ng US na dalawang beses na na-impeach. Pangunahing laman ng kasong impeachment laban kay Trump ang incitement to insurrection o pag-uudyok […]