Archive of People’s Struggles

Sunud-sunod na pambobomba ng Turkey sa Rojava
January 01, 2022 |

  Umiigting ang brutal at interbensyunistang agresyon ng armadong pwersa ng Turkey sa mga hangganan nito at ng hilagang-silangang Syria (sa rehiyon ng Rojava) na pinangangasiwaan ng Kurdish Democratic Union Party (PYD). Sa nakalipas na dalawang linggo, nagsagawa ang Turkey ng dalawang serye walang patumanggang panganganyon at pambobomba sa prubinsya ng Hasakah kahapon at noong […]

“Pinoys for Hire” pinagtibay sa bagong ahensya
January 01, 2022

Natupad ang balak ni Rodrigo Duterte na magbuo ng hiwalay na departamento para sa mga migranteng manggagawang Pilipino matapos niyang pirmahan kahapon ang Republic Act 11641. Binubuo nito ang Department of Migrant Workers (DMW) kung saan titipunin sa isang bubong ang pitong ahensya ng gubyerno na nangangasiwa sa pag-eeksport ng mga overseas Filipino workers (OFW). […]

Pondo para sa pangakong bonus sa mga kawani ng gubyerno, tiyakin
December 30, 2021 |

Itinuturing ng mga kawani ng gubyerno na magandang balita ang pinirmahang kautusan ni Rodrigo Duterte noong Disyembre na nagbibigay ng service recognition incentive o SRI sa mga regular, kontraktwal at kaswal na kawani ng gubyerno. Gayunpaman, nananawagan sila sa rehimen na tiyakin na may sapat na pondo ang mga ahensya ng gubyerno para rito. “Manggagaling […]

Pagmimina sa Benguet, hinadlangan ng mga katutubong Mankayan
December 29, 2021 |

  Hindi binigay ng mga katutubong komunidad sa Mankayan, Benguet ang kanilang permiso para sa pagmimina ng Cordillera Exploration Inc o CEXCI na nakatakdang sumaklaw sa mahigit 11,000 ektarya ng kanilang lupang ninuno. Sa isang “resolusyon ng hindi pagpayag” na inilabas ng Mankayan Ancestral Domain noong Disyembre 20, tumanggi ang mga lider at nakatatanda ng […]

Misang bayan at protesta para sa Guinobatan 2
December 16, 2021 |

Higit 500 Bicolano ang nagtipon sa Guinobatan Plaza, Albay kahapon, Disyembre 15, para sa isang misang bayan at parangal sa dalawang aktibistang ekstrahudisyal na pinatay ng mga pulis noong Hulyo 25 sa bayan ng Guinobatan. Pinatay sina Jaymar Palero at Marlon Napire ng mga pulis matapos mahuling nagpipinta ng panawagang ‘Duterte ibagsak’ sa isang tulay. […]

Mga pulis na pumatay sa lider-masa ng Southern Tagalog, kinasuhan na
December 02, 2021 |

Sinampahan na ng mga kasong murder ang 17 pulis na sangkot sa pagpaslang sa lider-manggagawa at provincial coordinator ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan-Cavite) na si Emmanuel “Manny” Asuncion. Resulta ito sa imbestigasyong ng Department of Justice (DoJ) na iginiit ng pamilya at mga grupong tagapagtanggol ng karapatang-tao. Kabilang si Asuncion sa siyam na biktima ng […]

Sa Araw ni Bonifacio, sigaw ng manggagawa: Kabuhayan, Karapatan, Kalayaan!
December 01, 2021 |

Nagtipon kahapon ang 5,000 myembro ng iba’t ibang demokratikong organisasyon sa Welcome Rotunda sa hangganan ng Quezon City at Maynila para gunitain ang ika-158 taon ng kapanganakan ng bayaning si Andres Bonifacio. Ipinanawagan nila ang “Kabuhayan, Karapatan at Kalayaan”. Binatikos nila ang rehimeng Duterte sa kahirapan at mga panggigipit na dinaranas ng iba’t ibang sektor […]

Mga magbubukid ng Cagayan Valley, nagprotesta sa pambansang kabisera
November 29, 2021 |

Isang serye ng mga pagkilos ang inilunsad ng mga magsasaka mula sa Cagayan Valley para ipagtanggol ang kanilang mga karapatan at igiit na palayain ang kapwa nilang mga magsasaka na ikinulong ng rehimeng Duterte. Inilunsad nila ang 2-araw na pangangalampag noong Nobyembre 23 at 24 para ipanawagan ang kagyat na pagpapalaya sa mga magsasakang taga-Cagayan […]

“Kampanyang tsinelas,” inilunsad sa US
November 29, 2021 |

Tatlong libong tsinelas ang inihanay ng mga tagapagtanggol ng karapatang-tao at aktibista sa US sa harap ng White House sa Washington D. C. noong Nobyembre 20. Anila, ang mga ito ay simbolo ng mga pinatay ni Rodrigo Duterte sa kanyang huwad na gera kontra-droga. Ginawa ang pagkilos matapos pinaunlakan ng International Criminal Court ang hiling […]

#IDEVAW2021: Basagin ang katahimikan at tumindig laban karahasan sa kababaihan at bata!
November 28, 2021 |

Pinangunahan ng Gabriela Women’s Party ang paggunita sa Pilipinas ng International Day for the Elimination of Violence Against Women 2021 (Internasyunal na Araw para Wakasan ang Karahasan Laban sa mga Kababaihan o #IDEVAW2021) noong Nobyembre 25. Ipinagdiwang ang okasyon sa pamamagitan ng isang pagtitipon sa Commission on Human Rights, Quezon City, alas-3 ng hapon. Tampok […]