Archive of Health

Mga bakunang halos paso na ang ipinamimigay ng mga kapitalistang bansa sa atrasadong mga bansa
January 01, 2022 |

Mga bakunang malapit nang mapaso ang ipinamimigay ng mga kapitalistang bansa sa atrasadong mga bansa tulad ng Pilipinas. Ito ang nalantad matapos ulanin ng puna ang US, UK at iba pang malalaking kapitalistang bansa sa pagsusubi ng milyun-milyong dosis na nagresulta sa tagibang na distribusyon ng bakuna. Binabatikos din ang pagtanggi ng mga ito na […]

Monopolyong mga kumpanya sa parmasyutika, tumabo ng ₱515 bilyon sa balita ng bagong baryant ng Covid-19
December 09, 2021 |

Tumataginting na $10.31 bilyon (₱515.5 bilyon sa palitang $1=₱50) ang kinita ng Pfizer/BioNTech at Moderna mula sa kanilang mga sapi matapos lumabas ang balita noong huling linggo ng Nobyembre ng paglitaw at pagkalat ng bagong baryant ng Covid-19 na Omicron na ipinagpalagay na mas nakahahawa kumpara sa mga naunang baryant. Iniulat noong unang linggo ng […]

Hustisya para sa pinaslang na duktor sa CDO, ipinanawagan
December 07, 2021 |

Nagtirik ng kandila ang mga manggagawang pangkalusugan sa harap ng Philippine General Hospital sa Maynila noong Disyembre 3 ng gabi para ipakita ang kanilang galit sa pagpaslang kay Dr. Raul Winston Andutan. Pinanungahan ng Council for Health and Development (CHD), ang pambansang organisasyon ng mga community-based health program (CBHPs), ang naturang protesta. Si Dr. Andutan ay […]

Bakuna, ipinagdadamot ng monopolyong kumpanyang parmasyutika sa mamamayan ng mahihirap na bansa
December 07, 2021 |

Mas mahal ang pagbenta ng bakuna ng malalaking kumpanyang parmasyutika sa mahihirap na bansa kumpara sa pagbenta ng mga ito sa mas nakaaalwang mga bansa. Ang AztraZeneca, halimbawa, ay ibinenta ng $7 (P350 sa palitang $1=P50) sa Uganda at $5.25 (P262.50) sa South Africa. Pero ibinenta lamang ito ng kumpanya sa mga bansa sa European […]

Partylist ng mga nars, iginiit na kilalanin ng Comelec
November 23, 2021 |

Nagrali ang mga manggagawang pangkalusugan sa ilalim ng Nurses United Partylist kahapon, Nobyembre 22, sa harap ng upisina ng Comelec upang igiit ang pagkilala sa kanilang partido at payagan silang makatakbo sa sistemang party-list sa eleksyong 2022. “Ang Nurses United po ang kumakatawan sa pinakamalaking marginalized sector ng mga manggagawang kalusugan,” pahayag ni Maristela Abenojar, […]

Labag sa karapatan ng mamamayan ang “no vax, no 4Ps”
November 10, 2021 |

Binatikos ng mga tagapagtanggol ng karapatang-tao, mga organisasyong demokratiko, mambabatas at mga senador ang panukala ng Department of Interior and Local Government na ipagkait sa mga benepisyaryo ng programang 4Ps ng estado ang kakarampot na subsidyo kung hindi sila magpapabakuna. Sa pahayag ng Karapatan noong Nobyembre 9, sinabi nitong mas maige pang gumawa ang estado […]

Cuba, isa sa mga nangunguna sa pagbabakuna sa mundo
November 09, 2021 |

Pumapangalawa ang Cuba sa 218 bansa sa bilang ng mga nabakunahan kada 100 ka tao. Ngayong araw, Nobyembre 9, mahigit 26 milyong bakuna na ang naiturok sa bansa sa tantos na 232 ka dosis sa bawat 100 ka tao. (Nangunguna sa mga bansa ang Gilbrartar na nakapagturok ng 91,931 dosis sa tantos na 273 na […]

Walang silbing mga face shield, ipinatatatapon na
November 09, 2021 |

Itinutulak ng mga meyor sa Metro Manila sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na ipawalambisa na ang rekisitong paggamit ng mga face shield liban sa loob ng mga ospital at mga matataong lugar. Ang hakbang ay kasunod sa pagbawi ng Department of Transporation sa rekisitong paglalagay ng mga “plastic […]

Panukalang pagbawalan ang mga di bakunadong pasahero, binatikos
November 04, 2021 |

Tinutulan kahapon ng mga drayber ng mga pampublikong sasakyan ang panukala ng Octa Research sa Department of Transportation (DOTr) na limitahan ang gamit ng pampublikong mga sasakyan sa mga nabakunahan nang mga indibidwal. Ayon sa Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston), magreresulta lamang ang panukalang ito sa “diskriminasyon” sa pagitan ng […]

Group hits proposal to limit PUVs to vaccinated individuals
November 04, 2021 |

Drivers yesterday opposed the proposal of Octa Research to the Department of Transportation (DOTr) to limit the use of public utility vehicles (PUVs) to vaccinated individuals.” The Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) said that this policy will only result in “discrimination” between vaccinated and unvaccinated passengers. This will also result […]