2019

Krisis sa karapatang-tao
December 21, 2019

Pamamaslang, iligal na pag-aaresto, tortyur, Red-tagging—ilan lamang ito sa mga kaso ng matinding paglabag sa karapatang-tao sa ilalim ng rehimeng Duterte. Sa ilalim ng batas militar sa Mindanao, walang pakundangan ang paghahasik ng teror ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga paramilitar, gayundin ang PNP at mga death squad. Gamit ang Executive Order […]

Read more

Planong pagtatayo ng kampo-militar sa Marawi, kinundena
December 21, 2019

Mariing kinundena ng Suara Bangsamoro ang planong pagtatayo ng bagong kampong militar sa Marawi City. Para sa grupo, ang planong ito ay panibagong paglabag sa karapatan ng mamamayang Moro, matapos pulbusin ng rehimeng Duterte ang syudad. Sa kanilang pahayag noong Disyembre 17, binigyan ng grupo ng diin na hindi hihilom sa dinanas ng mamamayang Maranao […]

Read more

OceanaGold, muling binigo ng mga residente
December 21, 2019

Nanindigan ang mga residente ng Didipio at ang lokal na pamahalaan ng Nueva Vizcaya na pigilan ang tangkang pagbalik sa operasyon ng OceanaGold Philippines, Incorporated sa kabila ng kautusan ng Department of Interior and Local Government na alisin ang kanilang mga tsekpoynt at barikada. Noong Disyembre 16, hinarang ng Samahang Pangkarapatan ng Katutubong Magsasaka at […]

Read more

Mag-amang magsasaka, pinatay sa Compostela Valley
December 21, 2019

Walang-awang pinatay ng mga ahente ng estado ang mag-amang sina Paterno Caso Sr., 71, at kanyang anak na si Dino, 35, noong Disyembre 12 sa Laak, Compostela Valley. Hinarang ang mag-ama ng tatlong armadong lalaking sakay ng dalawang motorsiklo sa Barangay Kapatagan bandang alas-5 ng umaga. Kasama ng mga biktima ang dalawa pang lalaking kapatid […]

Read more

Krisis sa galunggong, isinasangkalan para sa liberalisasyon
December 21, 2019

Muling isinangkalan ng rehimeng US-Duterte ang kakulangan sa suplay ng galunggong at kaalinsabay na pagsirit ng presyo nito para itulak ang todong liberalisasyon sa pag-aangkat ng nasabing produkto. Ang galunggong ay itinuturing na isa sa mga batayang pagkain ng mga Pilipino dahil sa murang presyo nito. Tinagurian itong isda ng mahirap. Noong ikalawang linggo ng […]

Read more

CPP has no “hit list”
December 20, 2019

National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.’s hype of an alleged “NPA hit list” only aims to sow intrigue in order to sabotage the planned resumption of formal peace talks. Together with fellow peace antagonists Delfin Lorenzana of the Department of National Defense and DILG’s Eduardo Año, Esperon is adamant in adhering to GRP President Rodrigo […]

Read more

Trump, isinakdal ng mababang kapulungan ng US
December 19, 2019

Isinakdal (impeach) ng US House of Representatives si US Pres. Donald Trump nitong Disyembre 19 dahil sa pag-abuso sa kapangyarihan. Matapos ang ilang linggong imbestigasyon, bumoto ang mayorya ng mga kinatawan pabor sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya kaugnay ng pag-udyok niya sa Ukraine na imbestigahan ang kanyang posibleng makatunggali sa eleksyong 2020 na […]

Read more

Daba-daba | Nobyembre 2019
December 09, 2019

Download PDF

Read more

Pasistang batalyon, inambus sa Abra
December 07, 2019

Inambus ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Abra ang mga sundalo ng 24th IB na nag-ooperasyon sa kabundukan ng Tubo, Abra noong Disyembre 1, alas-4 ng hapon. Isang sundalo ang sugatan sa opensiba. Pusakal na mga tagalabag ng karapatang-tao ang 24th IB. Ang mga sundalo nito ang pangunahing mga alagad ni Jovito Palaparan […]

Read more

KM sa ika-55 taon: Pagbunyi at pagtugon sa hamon
December 07, 2019

  Sa gitna ng pakikibaka laban sa matinding pasismo, kahirapan at kawalang kalayaan sa ilalim ng rehimeng US-Duterte, ipinagbunyi ng Kabataang Makabayan (KM) ang ika-55 taon ng pagkakatatag nito noong Nobyembre 30. Ginunita rin sa araw na iyon ang ika-156 taon ng kapanganakan ni Andres Bonifacio. Naglabas ng pahayag ang KM na nananawagan sa kasapian […]

Read more