Archive of Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)

Panggigipit at pasismo ang tumutulak sa pagdami ng kabataang sumasampa sa NPA

Habang patuloy ang paninira ng AFP-PNP at DILG sa CPP-NPA at demokratikong kilusan, lalong dumarami ang mga kabataang lumalahok sa iba’t ibang anyo ng pagkilos at pakikibaka sa kalunsuran at kanayunan resulta ng patuloy na pagsikil at panggigipit ng estado sa demokratikong karapatan ng mga mamamayan at sa mga kabataan sa mga sakahan, pabrika, komunidad […]

Hamon kay Ronald “Bato” dela Rosa

  Hinahamon namin si Ronald “Bato” dela Rosa na pumasok sa alinmang bahagi ng sonang gerilya ng Timog Katagalugan upang personal na mag-alam sa tunay na kalagayan ng mga kabataang nagpasyang lumahok sa armadong pakikibaka sa kanayunan. Dito, personal niyang makakapanayam ang mga kabataan at kahit sinong Pulang kumander at mandirigma upang mag-alam kung bakit […]

Pamamahagi ng AFP-PNP ng P14.2 milyong pabuya, malaking kasinungalingan

  Pakitang-tao at isang malinaw na propaganda lamang ang pag-aabot ng hepe ng AFP na si Gen. Benjamin Madrigal ng P14.2 milyon sa limang maskaradong intelligence asset bilang pabuya sa pagkakahuli at pagkakapaslang sa lima umanong kasapi ng NPA. Pinalalabas pa ng mersenaryong hepe na “pangangalaga sa pagkatao” ng mga nagsuplong ang pagtakip ng mga […]

Isa ang patay at dalawa ang sugatan sa hanay ng kasundaluhan sa pagbigo ng NPA-Quezon sa atake ng AFP-PNP

Matagumpay na binigo sa serye ng mga labanan ng mga pwersa ng Apolonio Mendoza Command (AMC-NPA-Quezon) ang atake ng mahigit 100 magkasanib na tropa ng 80th IB-PA at PNP Regional Mobile Force Battalion noong Hulyo 28 hanggang Hulyo 30, 2019. Naganap ang unang labanan noong Hulyo 28 ng hapon sa ganap na 4:30pm na nagresulta […]

Ika-apat na SONA ni Duterte: tatlong taon ng pagtataksil, pamamaslang, karahasan at pangangayupapa sa dayuhan

Tatlong taon ng pagtataksil, pamamaslang, karahasan at pangangayupapa sa dayuhan ang tunay na larawan ng SONA ni Duterte sa darating na Hulyo 22. Walang dulot na kabutihan at kapakinabangan para sa taumbayan ang gagawing ulat sa bayan ni Duterte. Mga pag-uulit lang ito ng mga pangakong hayagang tinalikuran ni Duterte mula ng manungkulan bilang presidente […]

Pagpupugay sa mga aksyong militar ng AMC-NPA Quezon laban sa mga atake ng AFP

Ipinapaabot ng Melito Glor Command – New People’s Army Southern Tagalog (MGC – NPA ST) ang pinakamataas na pagpupugay sa mga Pulang Mandirigma at Kumander ng Apolonio Mendoza Command – New People’s Army (AMC – NPA) sa Quezon laban sa mga atake ng AFP sa magkaibang distrito ng probinsya. Inilunsad ng AMC – NPA ang […]

Mga atake ng 203rd Bde sa mga Mindoreño at kapamilya ng mga martir, mariing kinundina

Mariing kinukondena ng Melito Glor Command NPA ST ang panggigipit ng AFP-PNP sa mga kapamilya ng mga namartir na Pulang mandirigma sa Sityo Mawan, Brgy. Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro noong Hunyo 13. Isang desperadong hakbang at malinaw na paglabag sa karapatan ng mga kamag-anak na kunin ang kanilang mga kapamilya upang mabigyan ng disenteng libing. […]

Bukas na liham ng MGC para sa kinauukulang LGUs sa Timog Katagalugan

Sa kinauukulang LGUs sa Timog Katagalugan: Ang walang kaparis na desperadong hakbangin ng NTF-ELCAC at RTF-ELCAC na linlangin ang lokal na gubyernong ideklarang persona non grata ang CPP-NPA-NDFP ay gawi ng patalong reaksyunaryong estado sa harap ng nagpapatuloy at sumusulong na pakikibaka ng malawak na masa ng sambayanang Pilipino. Habang patuloy sa paglala ang kalagayang […]

Hinggil sa bulaang ulat ng 85th IBPA sa naganap na labanan noong Hunyo 11, 2019

“Kung ang pinuno ay haling, mga basalyos pa ba ang gumaling” Walang kahihiyan ang pagsisinungaling ng Southern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines sa inilabas nitong balita pagkatapos ng labanan sa pagitan ng NPA at AFP noong Hunyo 11 sa Sityo Bunga, Barangay Villa Nacaob sa bayan ng Lopez. Ayon sa balita sa […]

Pahayag at Panawagan sa mga Palaweño

Alinsunod sa whole of nation strategy ng Campaign Plan “Kapanatagan” binuo ng rehimeng US-Duterte ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa ilusyong ganap na tapusin ang limang dekadang armadong tunggalian sa Pilipinas sa pagitan ng mga rebolusyonaryong grupo na kinakatawan ng CPP-NPA-NDFP laban sa mga malalaking burgesya kumprador, panginoong may-lupa, […]