Archive of Raymundo Buenfuerza | Spokesperson

Hinggil sa pangingikil ng mga impostor sa Villa Karanghan, San Felipe, Naga City

Mga impostor ng BHB ang may kagagawan ng pangingikil sa Villa Karanghan, San Felipe, Naga City. Walang ibang layunin ang ganitong modus kung hindi manghuthot ng pera mula sa masa at takutin sila habang sinisiraan ang pangalan ng BHB. Makatarungan at nakabatay sa pagsusuri sa uri ang pagpapatupad ng rebolusyonaryong pagbubuwis. Tinitiyak ng mga kasamang […]

Pagpupugay sa Mapagpasyang Paglaban ng Bagong Hukbong Bayan-Bikol sa Teroristang Opensiba ng Joint Task Force-Bicolandia!

Pagpupugay ang ipinapaabot ng Romulo Jallores Command (BHB-Bikol) sa mga Pulang kumander at mandirigma sa kanilang buong giting at ubos-kayang pagharap sa papaigting na mga operasyong militar ng Joint Task Force Bicolandia. Sa harap ng malaganap na teroristang atake ng AFP at PNP sa ilalim ng Oplan Kapanatagan, higit pang napapanday ang kapasyahan ng mga […]

Hinggil sa sunud-sunod na pamamasalang sa bayan ng Caramoan

Mariing kinukundena ng Romullo Jallores Command ang pamamaril ng mga ahente ng estado sa dating kapitan ng Brgy. Antolon, Caramoan na si Albert Caballero Villarete noong ika-2 ng Hulyo habang nagmamaneho ng motorsiklo patungong Brgy. Sta. Cruz, Caramoan. Ayon sa mga saksi, nakilala ang suspek na si Sandy Santileses residente ng Brgy. Poloan, Caramoan. Si […]

Matinding paglabag sa karapatang tao ng 31st IBPA at PNP-Magallanes

Pinakamataas na antas ng pagkundena ang aming ipinaaabot sa pinakabagong insidente ng paglabag ng 31st IBPA at Philippine National Police- Magallanes, mga tuta ng pasista at tiranikong rehimen ni US-Duterte. Alas-10 ng gabi nang maglunsad ng strike operation ang pinagkumbinang pwersa sa bahay ni Edwin Dematera “Ka Dupax” noong Hunyo 12. Bisperas ng piyesta noon […]

Hinggil sa tuluyang pagtalikod ng rehimeng US-Duterte sa usapang pangkapayapaan

 Ang tuluyang pagtalikod ng rehimeng US-Duterte sa usapang pangkapayapaan ay matibay na patunay ng kawalan nito ng kapasyahan at kakayahang resolbahin ang ugat ng armadong sigalot sa bansa. Taliwas sa malisyoso at kontrarebolusyonaryong pahayag ni Brig. Gen. Antonio Parlade Jr., Deputy Chief of Staff for Operations at Civil Military Operations (CMO) Head ng AFP, ang […]

Kubkob sa Tinambac, Patunay ng Kabangisan ng 9th IDPA

  Ang kubkob sa Tinambac ay hindi tagumpay ng 9th IDPA kung hindi pagpapatunay lamang ng sukdulang pagkabulok at kawalan ng respeto sa karapatang-tao at tahasang paglabag sa protokol ng digma ng mersenaryong hukbo sa ilalim ng itinataguyod na pasistang diktadura ng rehimeng US-Duterte. Noong mga nakaraang linggo, bumaha sa balita ang kaliwa’t kanang pagpaparada […]

Paigtingin ang pakikidigmang gerilya at pabagsakin ang pasistang diktadura ng rehimeng US-Duterte!

Pinagpupugayan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Bikol at ng mamamayang Bikolano ang Partido Komunista ng Pilipinas sa ika-50 taon ng matagumpay nitong pamumuno sa proletaryong rebolusyong Pilipino. Magmula nang maitayo ang unang yunit ng Hukbo sa rehiyon sa gabay ng Partido sa bayan ng Tigaon, Camarines Sur noong 1971, mapangahas nitong ginampanan ang dakilang tungkulin sa […]

Hinggil sa matagumpay na ambush sa Libmanan

Binabati ng Romulo Jallores Command-BHB Bikol ang Norben Gruta Command – BHB West Camarines Sur (NGC-BHB) sa matagumpay na ambush na ilinunsad nito laban sa mga elemento ng 1st Provincial Police Mobile Force Company (PPMFC) at 9th IBPA. Naganap ang ambush sa Brgy. Mambulo Nuevo, Libmanan, Camarines Sur nitong Nobyembre 17, alas-kwatro y trenta ng […]

Hinggil sa Matagumpay na Ambush sa Dumagmang, Camarines Norte

Raymund Buenfuerza Tagapagsalita Romulo Jallores Command (RJC) – NPA Bikol Binabati ng Romulo Jallores Command (RJC)-NPA Bikol ang Armando Catapia Command-NPA Camarines Norte sa matagumpay na taktikal na opensibang ilinunsad nito laban sa mga elemento ng 96th IBPA nitong Oktubre 14 sa Brgy. Dumagmang, Labo, Camarines Norte. Sa inisyal na ulat ng mga kasama, nakasamsam […]

Isang bukas na liham sa kasundaluhan at kapulisan

Mga kasama sa kasundaluhan at kapulisan, Mga kasama, kayo ay tulad din namin. Nagmula tayo sa mga uring magsasaka, manggagawa, may maliit na hanapbuhay at propesyunal. Pinagkaitan ng masaganang buhay habang ang mga nasa kapangyarihan ay nagpapasasa sa lahat ng ating pinaghihirapan. Totoo ito noon para sa ating mga magulang, totoo ito sa atin sa […]