Archive of NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command)

Intel operative ng 31st IB, patay sa operasyon ng NPA

Napatay sa operasyong partisano ng NPA ngayong araw si Raymundo Fombuena alyas Kaday sa Barangay San Antonio, Barcelona, Sorsogon. Isa siyang lokal na maton at elemento ng CAFGU na aktibo sa mga operasyong paniktik ng 31st IB laban sa rebolusyonaryong kilusan. Mula pa noong 2018, naging masugid si Kaday sa pagmomonitor sa kilos at presensya […]

Makikipagtulungan kami sa CHR-Bicol

Nagpahay ang Commission on Human Rights (CHR)-Bicol kahapon, Pebrero 26, na iimbestigahan nito ang pagkakadamay umano ng ilang sibilyan sa pananambang ng NPA sa tropa ng 9th SAF sa Putiao, Pilar, Sorsogon noong Pebrero 22. Sa kanyang pahayag, binatikos ni CHR-Bicol Director Arlene Alangco ang nasabing ambus bilang isang “senseless violence.” Handa ang NPA-Sorsogon na […]

Walang labanang naganap sa Marinab, Bulan

Mariin naming kinukundena ang ginawang walang habas na pagpapaputok sa mga sibilyan ng mga elemento ng 22nd IB kahapon, Pebrero 23, sa Barangay Marinab, Bulan, Sorsogon. Nasugatan at nasa ospital ngayon ang magsasakang si Salvador Magas na taga-Barangay Taromata ng nasabi ring bayan. Pinalalabas ngayon ng 22nd IB na nagkaroon ng labanan sa lugar at […]

Pananambang sa PNP-SAF sa Brgy. Putiao, Pilar, Pagbibigay Hustisya sa mga Krimen ng PNP at RTF-ELCAC sa masang Sorsoganon

  Matagumpay na inambus ng Celso Minguez Command – Bagong Hukbong Bayan Sorsogon ang mga elemento ng 92nd Special Action Company-9th Special Action Force sa Brgy. Putiao nito lamang 7:00 ng umaga, ika-22 ng Pebrero. Sugatan sa command-detonated explosive based na operasyon ng BHB ang mga pulis na sina MSgt. Osmer Edwin Apa, drayber ng […]

Bukas na liham para sa masa ng Sorsogon na ginigipit ng AFP

Nitong mga nakaraang taon, agresibong ipinatupad ng rehimeng US-Duterte ang mapanlinlang na programang E-CLIP na dili iba’t ang pagpapasuko sa mga NPA at panggigipit sa masang pinagbibintangang kalahok sa rebolusyonaryong kilusan. Marami sa inyo at inyong kapamilya ang naobligang pumasok sa programang ito at idineklara bilang “rebel returnees” o mga “balik-loob” kahit na karamihan sa […]

Wala pang hustisya sa pagkamatay ni Jobert Bercasio

Kinukundena namin ang paggamit ng PNP-Sorsogon sa rebolusyonaryong kilusan upang makatakas sa kanilang responsibilidad at di masilip ang kanilang katamaran, kainutilan at kawalan ng kakayanang resolbahin ang pagkapaslang kay Jobert Bercasio, isang mamamahayag, noong Setyembre 14, 2020. Nitong Enero 21, sa pangunguna ni Lt. Col. Benito Dipad, ay idineklara ng PNP na resolbado na ang […]

Mga sundalo ng estado ang pumaslang kay Michael Bagasala

PINASLANG ng mga armadong tauhan ng estado si Michael Bagasala alyas Teban kahapon, Enero 24, sa Barangay San Antonio, Barcelona, Sorsogon. Si Teban ay dating mandirigma ng NPA na sumuko sa reaksyunaryong gobyerno noong 2018. Ayon sa mga saksi, ang pumatay kay Teban ay mga unipormadong lalaking nagpakilalang CIDG at PNP ng Gubat, Sorsogon. Gwardyado […]

Saludo kay Ka Luhan

NAGPUPUGAY ang rebolusyonaryong kilusan sa Sorsogon kay Jessica Altarejos, 19, Pulang mandirigma na nagbuwis ng buhay nang salakayin ng mga tropa ng 31st at 22nd IB ang himpilan ng NPA sa Barangay Daganas, Bulan nitong Hulyo 30. Si Jessica, kilala ng mga kasama at masa bilang Ka Jane at Ka Luhan ay tubong Salvacion, Irosin. […]

Terorismo ng estado, matapang na haharapin ng mga rebolusyonaryong pwersa sa Sorsogon

Mula nang pumasok ang buwan ng Hulyo, tuluy-tuloy ang dumog na presensya ng mga pwersa ng AFP at PNP sa napakaraming baryo sa mga bayan ng Irosin, Bulan, Matnog, Juban at Magallanes. Walang pakundangang pinapasok ng mga reaksyunaryong sundalo at pulis alinmang bahay na makursunadahan at tinatangay ang anumang bagay na mapag-interesan. Libu-libong halaga ng […]

Alleged 15 NPA militia surrenderees are farmers — NPA-Southeast Negros

The Rachelle Mae Palang Command (RMPC) of the New People’s Army (NPA) in Southeast Negros dismissed as a big hoax 11th Infantry Battalion’s pronouncement that at least 15 members of people’s militia surrendered recently. According to RMPC spokesperson Ka Estrella Banagbanag, the supposed surrenderees are actually farmers hoodwinked into attending a one day “livelihood training” […]