Archive of NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command)

Fake news ng 85th IBPA, pagtatakip ng kanilang kapalpakan

Isang malaking kasinungalingan at resulta ng kanilang kapalpakan ang ipinakalat na balita ng Bravo Coy ng 85th Infantry Battalion ng Philippine Army na diumano’y engkwentro nila sa New People’s Army (NPA) sa San Francisco, Quezon nitong ika-10 ng Abril 2019. Ang tunay na nagbarilan ay sila-sila mismong mga sundalo ng reaksyunaryong estado. Dalawang pangkat ng […]

Singilin at Pagbayarin ang Rehimeng US-Duterte sa Kapabayaan nito sa Panahon ng Tagtuyot! (Editoryal – Diklap April 2019)

Damang-dama sa malawak na kanayunan ng lalawigan ng Quezon ang epekto ng tagtuyot na dinaranas sa buong bansa. Nagdudulot ito ng pagkatuyo ng mga bukal, sapa at ilog na nagreresulta sa krisis sa inuming tubig ng mamamayan at pagkasira ng mga pananim. Maging ang mga alagang hayop ng magsasaka ay nagkakasakit dahil sa tindi ng […]

10 Dahilan Kung Bakit Dapat Pakamahalin Ang New People’s Army

1. Ang NPA ay Disiplinado — magagalang, hindi nananakit o nagmumura sa masa 2. Ang NPA ay hindi kumukuha ng hindi kanila — nagbabayad nang tama para sa binili at isinasauli ang lahat ng hiniram 3. Ang NPA ay nagbabayad para sa anumang nasira — Noong 2018, sa dalawang magkahiwalay na ambus na isinagawa sa […]

Hinggil sa Pagbuwag ni Duterte sa GRP Peace Panel

Hindi maaaring hiwa-hiwalay ang pagpapatupad ng reporma sa lupa at paglutas ng suliranin ng mamamayan. Anong kabulastugan itong ginawang pagbuwag ni Digong Duterte sa sarili niyang peace panel at pagsusulong ng lokal na usapang pangkapayapaan? Na sinuportahan naman ng kagaya ni Senator Panfilo Lacson dahil diumanoy hindi naman pambansa ang saklaw ng insurgency. Pambansang kalayaan […]

Sa ika-50 taon ng Bagong Hukbong Bayan

Aabot ba tayo ng singkwenta kung hindi tayo mahal ng masa? Maidadaos ba natin ang pagdiriwang na ito kung hindi tayo nakakatagal sa mga baryo? Hindi matalo-talo ang NPA dahil tinatangkilik tayo ng masang magsasaka at manggagawa at buong bayan! Ang mga bagay na iyan ang araw-araw na bumabagabag at hindi nagpapatulog sa terorista at […]

Engkwentro sa pagitan ng NPA at AFP, isang sundalo patay

Patay ang isang sundalo bukod pa sa di mabilang na sugatan sa naganap na engkwentro sa pagitan ng New People’s Army at 85th IBPA noong hapon ng Marso 8, 2019 sa Sityo Tanauan, Barangay Villa Nacaob sa bayan ng Lopez. Mag-iisang linggo nang nag-ooperasyon ang mga sundalo sa naturang barangay nang makasagupa ang isang yunit […]

Isa ang patay at tatlo ang sugatan sa SAF-PNP sa pananambang ng NPA-Quezon

Matagumpay na nailunsad ng mga pwersa ng NPA-Quezon sa ilalim ng Apolonio Mendoza Command (AMC-NPA-Quezon) ang kontra-atake laban sa nag-operasyong tropa ng SAF-PNP. Ganap na alas 8:12 kaninang umaga, Marso 8, 2019 nang tambangan ng NPA-Quezon ang labindalawang (12) elemento SAF-PNP na lulan sa isang elf truck na nagresulta sa pagkamatay ng 1 opisyal ng […]

Rebolusyunaryong hustisya sa mga biktima ng pagsasamantala sa kababaihan ni Cesar Umali!

Rebolusyunaryong hustisya sa mga biktima ng pagsasamantala sa kababaihan ni Cesar Umali! ================================ Mula sa dokumentong Ukol sa Sistema ng Hustisya ng Rebolusyunaryong Kilusan: VI. Ang Kaparusahan sa Krimen 1. Batay sa bigat ng krimen o pagkakasala, ang maysala ay papatawan ng mga hakbanging pagtutuwid tulad ng pangangaral, paggawa at pagbabayad ng danyos o ng […]

Kumpanyang gumagawa ng Kaliwa Dam, matagumpay na nireyd at pinaralisa ng NPA Quezon

Matagumpay na ni-reyd  at pinaralisa ng isang iskwad ng AMC-NPA-Quezon ang isang kumpanya sa konstruksyon na gumagawa ng KALIWA DAM sa Sityo Salok, Brgy. Magsaysay, Infanta, Quezon sa ganap na alas-4:45 ng hapon hanggang alas-6:25 ng gabi kahapon, Pebrero 7, 2019. Nasira  sa operasyon ang 3 backhoe at 1 bulldozer na siyang pangunahing kagamitan ng […]

NPA-Quezon, matagumpay na nagdepense ng sarili!

Eliza “Ka Eli” de la Guerra Deputy Spokesperson Apolonio Mendoza Command NPA-QUEZON Matagumpay na nagdepensa ng sarili ang mga pwersa ng NPA-Quezon at nakapagkontra-atake laban sa sumasalakay na sundalong kabilang sa 92nd IB-PA. Isang platung tropa ng 92nd IB-PA ang nagtangkang salakayin ang isang platun ng NPA-Quezon na naglulunsad ng konsultasyon sa hanay ng mga […]