Archive of NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command)

Helikopter ng SOLCOM, matagumpay na inambus ng NPA-Mindoro!

Matagumpay na inambus ng isang tim ng LDGC-NPA Mindoro ang helikopter ng 203rd Brigade na may lulang matataas na opisyal ng SOLCOM. Naisagawa ang matagumpay na opensiba ng NPA sa So. Mantay, Brgy. Monte Claro, San Jose Occidental Mindoro bandang alas-10:30 ng umaga noong Enero 9. Pinaulanan ng putok ng mga pulang mandirigma ang helikopter […]

Isnayp Laban sa RCSP ng 203rd Brigade sa Mantay, Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro, Tagumpay!

Tagumpay ang operasyong isnayp na isinagawa ng isang tim ng LDGC-NPA-Mindoro sa yunit ng Retooled Community Support Program [RCSP] ng 203rd Brigade sa sityo Mantay, Brgy Monteclaro, San Jose, Occidental, Mindoro noong Disyembre 18 bandang alas-4:30 ng hapon. Isa ang bumulagta sa pasistang kaaway sa pinakawalang isang bala ng tim. Ligtas namang naka-atras ang yunit […]

Pinakamataas na Parangal sa mga Rebolusyonaryong Martir ng Surong, Aquas, Rizal, Occidental Mindoro!

Pinakamataas na pagpupugay at parangal ang iginagawad ng LdGC-NPA-Mindoro sa apat na kasamang namartir sa isang labanan sa pagitan ng LdGC at ng 4th IB sa ilalim ng 203rd Brigade-Philippine Army noong Disyembre 14, 2020 alas-sais ng umaga sa Sitio Surong, Barangay Aguas, Rizal, Occidental Mindoro. Sina Dario “Ka Poldo” Almonte, Irene “Ka Analyn” Yam-ay, […]

Matatagumpay na taktikal na opensiba ng NPA-Mindoro laban sa AFP-PNP, sagot sa Martial Law ng rehimeng Duterte sa panahon ng pandemya!

Matagumpay na inambus ng isang yunit ng Lucio de Guzman Command – New People’s Army-Mindoro ang    nakasakay na pwersa ng 403rd Regional Mobile Force Battalion ng Philippine National Police MIMAROPA (403rd RMFB-PNP-MIMAROPA) sa kahabaan ng national highway sa sityo Mabajo, Barangay Sta Teresita, Mansalay, Oriental Mindoro. Sugatan ang dalawang tropa ng RMFB sa ambus. […]

Isnayp ng LDGC-NPA-Mindoro sa yunit sa RCSPO ng 4th IB, tagumpay!

Matagumpay na nailunsad ng isang tim ng LDGC ang operasyong isnayp sa isang platun ng 4th IBPA na nagsasagawa ng Retooled Community Support Program Operations (RCSPO) sa Sityo Mantay, Barangay Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro noong Septyembre 16 bandang 4:16 ng hapon. Isang sundalo ang bumulugta sa isang bala na pinakawalan ng tim. Ligtas na […]

Kundenahin ang pagkakampo ng 203rd Brigade/PNP-4B sa komunidad ng mga katutubo! Militar sa pamayanan ng Mangyan, palayasin!

Pahirap sa kanilang buhay at pagyurak sa kanilang karapatan. Ito ang hatid ng Retooled Comunity Support Program Operations (RCSPO) ng 203rd Infantry Brigade ng Philippine Army sa buo-buong komunidad ng mga katutubong Mangyan. Kasalukuyang nakapwesto ang laking platung pwersa ng RCSPO unit ng AFP sa So. Mantay, Brgy Monteclaro, San Jose, sa So. Batosingit, Brgy […]

NPA-Mindoro: Pagpupugay kina Kasamang Lorelyn at Kasamang Elmar, mga martir, tunay na Hukbo at bayani ng rebolusyon at sambayanang Pilipino!

Iginagawad ng Lucio de Guzman Command NPA – Mindoro ang pinakamataas na pagpupugay kina Ka Lorelyn Saligumba aka Ka DF/Fara at Ka Elmar Murillo aka Ka Gino/Jorel na nagbuwis ng kanilang buhay sa magiting na pakikipaglaban sa pasistang pwersa ng 203rd Brigade sa dalawang pinakahuling labanan sa isla ng Mindoro noong Mayo 31 at Hunyo […]

Walang tigil na pag-atake ng 203rd Brigade, bayrus sa mga Mindoreño–NPA-Mindoro

Matagumpay na naisagawa ang aktibong pagdepensa ng isang yunit ng Lucio de Guzman Command (LDGC-NPA-Mindoro) laban sa pag-atake na isinagawa sa kanila ng 203rd Brigade Phil Army noong 30 Abril 2020, ganap na 9:30 ng umaga sa interyor na bahagi ng Barangay Lisap, Bongabong Oriental Mindoro. Naganap ang pagsalakay ng pasistang tropa, 14 na oras […]

Paglabag ng 203rd Brigade/PNP-MIMAROPA sa batayang karapatan, ibayong kahirapan para sa Mindoreño

Peke at Mapanlinlang na UCF ng Rehimeng Duterte, nalantad! Sa pagtatapos ng idineklarang unilateral ceasefire [UCF] ng Rehimeng US-Duterte, saksi ang mamamayang Mindoreño na walang pinag-iba ito sa karaniwang araw ng buong layang paglulunsad ng Focused Military Operations /Retooled Community Support Program [FMO/RSCP] sa isla sa balangkas ng kontra-insurhensyang programang JCP-Kapanatagan. Mula ng inilabas ang […]

Sa harap ng paglaban sa nakamamatay na Covid19, operasyong militar ng 4th IB at 203rd Brigade sa Mindoro, nagpapatuloy–NPA-Mindoro

Pagpapatupad ng UCF ni Duterte inutil! Mariing kinukondena ng Lucio De Guzman Command [LdGC] – NPA Mindoro ang kasalukuyang inilulunsad na operasyon laban sa mga yunit ng NPA at mamamayan ng 4th IB, 203rd Brigade Philippine Army. Pagpapakita ito ng kawalang malasakit sa kapakanan ng mga Mindoreno at mamamayang Pilipino sa harap ng paglaban sa […]