Archive of NPA-Albay (Santos Binamera Command)

49thIB PA, humahabol ng accomplishment upang hindi mabuwag ang RTF-ELCAC

Isang panibagong iskrip na naman ang ginawa ng yunit ng 49thIB PA noong Mayo 4 ng taong kasalukuyan at pagpapalabas nito sa media na diumano’y may 15 katao ang sumurender sa kanilang punong himpilan sa Ligao City. Pinasisinungalingan ng Santos Binamera Command – NPA Albay (SBC – NPA Albay) ang nasabing balita. Walang kasapi ng […]

49thIB, Nagkukumahog maka-quota ng mga Pekeng Engkwentro upang hindi Mabuwag ang NTF-ELCAC/RTF-ELCAC

Pagdating sa paglulubid ng kasinungalingan, hinding hindi matutumbasan ang kadalubhasaan dito ng mga sundalo ni Duterte, isa na diyan ang 49th IB Philippine Army (49thIBPA) na may punong hedkwarter sa Barangay Tastas, Ligao City, Albay. Ang yunit na ito ang patuloy na naghahasik ng takot sa komunidad at berdugo ng mamamayang Albayano. Kinukundena ng Santos […]

Manggagawa, Lansagin ang Pasistang Diktadurang Duterte!

Ngayong Mayo 1, ginugunita natin at sa buong mundo ang Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Araw ito ng napakalaking pagkilala para sa uring manggagawa sa kanilang napakalaking kontribusyon na nagtulak ng gahiganteng pag-unlad sa buong mundo saanmang larangan ng teknolohiya. Bigyang pugay natin ang mga manggagawang nagbuwis ng kanilang buhay para sa kapakanan ng manggagawang Pilipino, […]

Pagpupugay sa NDFP!

Binabati ng Santos Binamera Command – NPA Albay (SBC NPA – Albay) ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa ika-48 nitong anibersaryo ngayong Abril 24, 2021. Higit na sumusulong ang gawaing pakikipagkaisang prente sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng mamamayan. Ang patuloy na pagpapabaya sa mamamayan ng rehimeng US-Duterte ay lalong nagtutulak sa […]

93rd Special Action Company, instrumento ng RTF-ELCAC, pinarusahan ng NPA!

Matagumpay ang mga operatiba ng Santos Binamera Command – NPA Albay (SBC – NPA Albay) sa pananambang sa isang back-to-back na sasakyan ng mga elemento ng Philippine National Police (PNP) nitong nakalipas na Abril 3, 2021 sa Brgy. Aliang, Ligao City, bandang 8:30 ng umaga. Binabaybay ng isang yunit ng 93rd Special Action Company (93rd […]

Itaas ang antas ng ating pakikibaka sa ika-52 na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan!

Nagpupugay ang Santos Binamera Command NPA – Albay (SBC-BHB Albay) sa lahat ng magigiting na Pulang mandirigma at mahuhusay na mga kumander ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa buong kapuluan. Taas-kamaong pinagpupugayan din natin ang mga kasamang martir na nauna nang nagbuwis ng kanilang buhay bilang pinakamataas na sakripisyong kanilang inialay alang-alang sa sambayanang Pilipino. […]

Ka Ruth, bayani ng Mamamayang Bikolano!

Si Carlito Perez o mas kilala ng maraming masa at kasama bilang Ka Ruth/Real/Remar ay mahusay na kumander ng Bagong Hukbong Bayan. Ipinagluluksa ng mamamayang Bikolano ang pagkamatay ni Ka Ruth – para sa kanila, ang paglalaan niya ng kanyang buhay upang sila’y paglingkuran ay hindi matatawaran ninuman. Ipinanganak sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur […]

Matagumpay na Taktikal na Opensiba ng Armando Catapia Command (ACC-BHB Camarines Norte)!

Isang taas-kamaong pagbati ang ipinapaabot ng Santos Binamera Command-BHB Albay (SBC-BHB Albay) at mamamayang Albayano sa isang matagumpay na taktikal na opensiba na inilunsad ng mga kagawad ng Armando Catapia Command (ACC-BHB Camarines Norte) noong Marso 19, 2021, 9:26 ng gabi. Inilunsad ang nasabing operasyon laban sa mga elemento ng 2nd Police Mobile Force Company […]

Ambus sa Brgy. Banquerohan, Legazpi City, Tugon sa Panawagang Hustisya at Dagok sa Nahihibang na Joint Task Force Bicolandia at mga ELCAC Task Forces

Tatlo (3) ang patay, isa ang sugatan at tatlong maiigsing armas ang nasamsam sa matagumpay na ambus na ilinunsad ng yunit ng Santos Binamera Command – Bagong Hukbong Bayan Albay laban sa mga elemento ng 31st Infantry Battallion – Phil. Army sa Brgy. Banquerohan, Legazpi City nito lamang Enero 17, 8:00 ng umaga. Ang naturang […]

Dinakip na residente sa Brgy. Batbat, Guinobatan, hindi kasapi ng NPA-Albay, Biktima ng Anti-Terror Law

Pinasisinungalingan ng Santos Binamera Command – Bagong Hukbong Bayan Albay ang paratang ng 9th Infantry Division Phil. Army at PNP Region V na isa umanong mataas na lider at aktibong kasapi ng NPA ang inarestong magsasakang si Ronaldo Ogama y Oliquino, 74 taong gulang sa kanyang residensya sa Purok 1, Brgy. Batbat, Guinobatan. Inakusahan si […]