Archive of Macario 'Ka Karyo' Liwanag | Spokesperson

Diumanong Death Squad ng NPA sa Rizal, Pagtatakip ng Rehimeng Duterte sa Baras 5 Massacre

Bumubula ang bibig sa kasinungalingan ni DILG Sec. Eduardo Año. Tuluy-tuloy ang pagpapakalat ng kwento ng masugid na kontra-rebolusyonaryong propagandista ng rehimeng Duterte tungkol sa rebolusyonaryong kilusan sa lalawigan ng Rizal. Upang bigyang-katwiran ang brutal na masaker na ginawa ng pasistang 2nd ID ng AFP at ng PNP-Rizal sa Baras noong Disyembre 17, ipinagkakalat ni […]

Hustisya sa mga biktima ng terorismo ng estado 80th IBPA, PNP-Rizal, binigwasan ng NAAC-NPA-Rizal

Matagumpay na inambus ng Narciso Antazo Aramil Command – NPA – Rizal (NAAC-NPA-Rizal) ang isang platun ng pinagsanib na tropa ng 80th IBPA at PNP-Rizal sa Matan ng Sityo Dapis, Brgy. Puray, Rodriguez, 9:30 ng umaga at 2:30 ng hapon noong Enero 4, 2021. Ipinagdiriwang ng mamamayan ng Rizal ang tagumpay na ito ng NAAC-NPA-Rizal […]

Pagpaslang sa Baras 5 ng 2nd IDPA at PNP-4A, mukha ng terorismo ng RUS-Duterte sa Rizal

Tigmak ng dugo ang kamay ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa kanilang patuloy na paglabag sa karapatang tao, sa pamamagitan ng Anti-Terror Law at NTF-ELCAC, na siyang mayor na instrumento ng Rehimeng US-Duterte upang makapanatili sa kanyang paghahari. Sa ngalan ng pagsupil sa rebolusyonaryong kilusan, lansakan nitong nilalabag ang internasyunal […]

Pinakamataas na pagpupugay kay Noel “Ka Cely” Levanta, Guro ng Partido at Mag-aaral ng Masa

Ipinagkakaloob ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC-NPA-Rizal) ang pinakamataas na parangal kay Kasamang Noel “Ka Cely” Levanta, martir ng rebolusyon at mahusay na anak ng bayan. Pataksil na pinaslang si Ka Cely ng 80th IBPA sa isang depensibang labanan sa isang yunit ng NPA noong Marso 28, 2020 sa Sitio Malasya, Brgy. Puray, Montalban, Rizal […]

Aktibong magtanggol laban sa mga tusong pakana ng AFP sa unilateral ceasefire!–NPA-Rizal

Hungkag ang deklarasyon ng rehimeng US-Duterte sa kanyang idineklarang unilateral ceasefire. Pagpapatunay nito ang naganap na labanan noong ika-28 ng Marso sa ganap na alas-3 ng hapon sa Sitio Malasya, Brgy. Puray, Rodriguez, Rizal. Inatake ng isang yunit ng 80th IBPA ang isang yunit ng NPA-Rizal na naghahanda para sa ika-51 anibersaryo ng BHB at […]

Patuloy na pagbiwas ng tinig ng rebolusyon

Pahayag ng pagbati mula sa NAAC-BHB-Rizal kay Kasamang Armando Cienfuego, bagong tagapagsalita ng MGC-BHB-TK Taas-kamaong pagpupugay ang ipinaaabot ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC-BHB-Rizal) sa pagkakatalaga kay Kasamang Armando Cienfuego bilang bagong tagapagsalita ng Melito Glor Command – Bagong Hukbong Bayan – Timog Katagalugan (MGC-BHB-TK). Si Kasamang Armando ang patunay na nagpapatuloy ang paglaban at […]

Palayain si Ka Diego! –BHB-Rizal

Itigil ang hindi makataong pagtrato ng rehimeng US-Duterte sa lahat ng bilanggong pulitikal! Kaisa ng mamamayan sa pagkamit ng matagalan at makatarungang kapayapaang nakabatay sa hustisyang panlipunan, nananawagan ang Narciso Antazo Aramil Command (NAAC-BHB-Rizal) sa kagyat na pagpapalaya kay Kasamang Diego “Ka Jaime” Padilla matapos itong arestuhin at sampahan ng gawa-gawang mga kaso ng pinagsanib […]

Kundenahin at labanan ang pwersahang pagpapasuko sa mga katutubong Dumagat at Remontado!

Mariin naming kinokondena ang pwersahang pagpapasuko ng AFP-PNP sa mga sibilyan na bahagi ng katutubong Dumagat at Remontado. Ipinagyayabang ng AFP-PNP sa Timog Katagalugan na ang pinamalita nila sa media at sa publiko kahapon, Oktubre 21, 2019, ay mga diumanong kasapi ng NPA sa mga lalawigan ng Quezon, Laguna at Rizal. Masahol pa ay maging […]

Pagsuko ng kasapi at pagkasamsam ng armas ng NPA sa Rizal, walang katotohanan

Mariin naming pinapasubalian ang mga pahayag ng AFP-PNP kaugnay sa mga diumanong sumukong NPA at mga armas na diumanong nasamsam nila sa NPA-Rizal. Ang mga ito ay walang katotohanan at bahagi lamang ng engrandeng drama ng AFP-PNP para linlangin ang mamamayan at papaniwalain sila na nagwawagi ang kanilang planong durugin ang NPA sa lalawigan. Matapos […]

Reyd sa Teresa, Rizal, engrandeng Palabas sa karnabal ng rehimeng US-Duterte, kundenahin!

Mahigpit nating kondenahin at itakwil ang malaking kabulastugan ng mga teroristang elemento ng AFP-PNP sa panrireyd sa isang farm sa bayan ng Teresa, Rizal na idinadawit ang Bagong Hukbong Bayan (NPA) na nagpaplano diumano para sa “Red October,” na isang magarbong “drama” mismo ng Rehimeng US-Duterte. Mariing pinabubulaanan ng rebolusyonaryong kilusan ang kasinungalingang ipinapakalat ng […]