Archive of Ma. Roja Banua | Spokesperson

BOMBO NEWS ANALYSIS: October 21, 2018. Reaksyon kaugnay ng paggamit ng NPA ng “KARAHASAN”

Isang magandang bagay na tumataas ang ating talakayan hinggil sa digmang bayang isinusulong ng sambayanan. Pinapatotohanan nitong sa pagtindi ng mga sosyoekonomiko at pampulitikang tunggalian sa bansa, hindi maiiwasang usapin ang digmang bayan. Nagpapasalamat din kami sa pagkakataong makapagpalalim sa naturang usapin, partikular sa punto ng “karahasan” at ano ang mapapala ng mamamayan dito. Sa […]

Hinggil sa Paggamit ng Rebolusyonaryong Dahas (Revolutionary and Just Violence) at ang Pagkakaiba nito sa Pandarahas ng Estado (State Violence)

Malaon nang ginagawa ng masa ang lahat ng mapayapang pamamaraan upang igiit ang kanilang mga demokratikong interes at mga sosyoekonomikong reporma. Ngunit ano ang tugon dito ng estado? Paglulunsad ng brutal at todo-largang gera laban sa mamamayan. Pinapatay ang masang magsasaka at minoryang ipinaglalaban ang kanilang karapatan sa lupa. Pinatatahimik ang mga demokratikong pwersa, maging […]

Hinggil sa matagumpay na ambush sa Lupi

Ka Ma. Roja Banua Tagapagsalita, NDFP-Bikol Matagumpay na nailunsad ng yunit ng Eduardo Olbarra Command-NPA Camarines Sur ang isang taktikal na opensiba laban sa mga elemento ng PNP Lupi at Provincial Police Mobile Company (PPMC) kahapon sa Brgy. Napolidan, Lupi, Camarines Sur. Tatlo ang nasawi habang tatlong pulis pa ang sugatan sa naturang insidente. Ang […]

Matinding demoralisasyon ang kinakaharap ng 9th IDPA bunsod ng pagpapatupad ng patakarang pagpatay ng rehimeng US-Duterte

Nagdedeliryo ang 9th IDPA at ang buong AFP sa pag-aakalang mahahati nila ang rebolusyunaryong kilusan sa Kabikulan sa pamamagitan ng disimpormasyon at pekeng balita. Ayon sa kanilang pahayag sa okasyon ng kanilang anibersaryo, lubhang napahina na umano nila ang rebolusyonaryong kilusan sa Kabikulan at hinihikayat nila ang pagpasok ng mga nalalabing yunit ng NPA sa […]

Hinggil sa Pahayag ng AFP na Kasama ang ilang Pamantasan sa Pekeng Red October Plot

Kinukundena ng NDF-Bikol ang lantarang akusasyon ng AFP na balon ng rekrutment para sa NPA ang 18 pamantasan sa bansa. Ayon sa kanila, kasali sa pinaplanong Red October Ouster plot ang malaking bahagi ng akademya. Kaisa ng mga estudyante at mga nasa akademya ang NDF-Bikol sa pagkundena sa AFP sa kanilang mga padaskul-daskol na pahayag […]

Hinggil sa 10.1% Inflation

Kinukundena ng NDF-Bikol ang pagpatuloy ng rehimeng US-Duterte ng mga patakarang pang-ekonomyang neoliberal na nagdudulot ng sa harap ng papalubhang krisis sa ekonomya ng bansa. Idinulot ng patuloy na pagpapatupad ng rehimen ng mga patakarang neoliberal sa ekonomya ang walang kaparis na paghihirap ng sambayanan. Tuluy-tuloy ang pagsirit ng presyo ng mga bilihin habang nananatiling […]

Malayang Tugon sa Reaksyon ni Col. Paul Regencia sa Pahayag ng NDF-Bikol na ang “Red October Plot” ay Pakana ng Rehimeng US-Duterte sa Pagpataw ng Batas Militar sa buong bansa

Kahapon lamang, naglabas ng pahayag ang NDF Bikol hinggil sa kwento sa likod ng ipinangangalandakan ng AFP na Red October Plot ng rebolusyonaryong kilusan laban sa rehimeng US-Duterte. Ilininaw sa pahayag na ito na walang ibang layunin ang balitang Red October Plot kundi ang likhain ang klima para sa pagpapataw ng Batas Militar sa pambansang […]

Red October Plot, Paghahanda Upang Isailalim ang Buong-bansa sa Batas Militar

Wala nang pagpapanggap pa – nasa bingit na ng pagbulusok ang rehimeng US-Duterte. Desperado na ang nag-uulol na diktador na gawin ang lahat upang walang sagkang maipagpatuloy ang neoliberal na atake sa mamamayan ayon sa atas ng kanyang imperyalistang amo. Sa pagtindi ng pandaigdigang krisis ng mga kapitalistang bansa, nagkukumahog ang US na maisalba ang […]

Pagkundena ng NDF-Bikol sa Umiigting na Pasismo at Nakaambang Pagpataw ng Batas Militar ng Diktadurang Rehimeng US-Duterte

Mahigpit na kinukundena ng NDF-Bikol ang walang patid na pagpupumilit ng rehimeng US-Duterte na isailalim ang buong bansa sa batas militar. Kahapon lamang, hinarang sa Pagbilao, Quezon ang apat na bus ng mga mamamayang Bikolnon na makikiisa sa pambansang protesta sa Maynila ngayong araw. Sapilitang kinumpiska ng mga pulis ang susi ng mga bus. Ito […]

Pahayag Hinggil sa Lakbay-Dalangin ng Mamamayan sa Kabikulan

Buong lugod na binabati ng NDF-Bikol ang mga magsasaka, manggagawa, kabataan, kababaihan, taong simbahan at iba pang mga sektor na nagtipun-tipon upang ipagdiwang ang kapistahan ni INA sa pamamagitan ng pag-alala at pagtindig para sa lahat ng biktima ng walang pakundangang karahasan ng estado. Sa panahong nasusukluban ang lipunan ng lagim ng terorismo at pasismo […]