Archive of Luz del Mar | Spokesperson

Hungkag at walang katuturan ang isinagawang “Light a Candle Rally” na pinangunahan ng 2nd IBPA at PNP PPO Masbate

Nagmimistulang maamong mga tupa at makadiyos ang pagpopostura ng 2nd IBPA at PNP PPO Masbate matapos pangunahan nila ang “Light a Candle Rally” noong Oktubre 29, 2020 sa tapat ng kapitolyo. Layunin ng nasabing aktibidad na ipakita sa mga tao sa sentrong lungsod ng Masbate kung gaano ang pagpapahalaga nila sa buhay ng mamamayan sukdulan […]

Gawad pamamarusa ng Jose Rapsing Command sa kasundaluhan at kapulisan sa lalawigan ng Masbate na nagsasagawa ng Focused Military Operations

Matagumpay na naisagawa ang hakbang pamamarusa sa isang konboy ng mga sundalo ng 2nd IBPA na nagsasagawa ng Focused Military Operations (FMO) sa ikatlong distrito ng probinsya ng Masbate. Lulan ng apat na mga sasakyang pangmiltar ang mahigit 50 mga sundalo ng tambangan sila ng isang tim ng mga pulang mandirigma ng JRC BHB-Masbate gamit […]

Dumarami ang namamatay na sibilyan sa lalawigan ng Masbate dahil sa kagagawan ng 2nd IBPA at PNP PPO Masbate dahil sa todo gerang kampanya kontra mamamayan at pagpapatupad ng Anti-Terrorism Law

Simula noong Hulyo 25, 2020, pinakatan ng pinagsamang pwersa ng AFP at PNP sa ilalim ng 2nd IBPA, 93rd at 91th SAB,SAF, RMFB 5, Masbate PPO, 96th MICO, RID 5, Masbate PIU, RIU 5, Cataingan and Placer MPS at 1st and 2nd Masbate PMFC ang walong(8) mga barangay sa bayan ng Placer, Masbate. Di baba […]

Pagmasaker, Ekstrahudisyal na pagpatay at iba pang paglabag sa karapatan pantao ng AFP/CAFGU at PNP ginawang ligal sa ilalim ng bagong batas na Anti-Terrorism Law ng berdugo, diktador at tiranikong rehimeng US/China – Duterte

Tahasang kinukundina ng Jose Rapsing Command-BHB Masbate at ng mamamayang Masbatenyo ang nangyaring pagpatay sa tatlong sibilyan madaling araw ng Hulyo 5, 2020 sa hangganan ng Brgy. Bagacay at Marintoc, bayan ng Mobo. Karumal dumal ang sinapit na kamatayan ng mga biktimang sina Edgar Minggoy, Marlon Bajar at Rolly Dela Cruz na nagtamo ng tama […]

Matibay Cement Factory at Coal Power Plant, sisira sa kalusugan at kabuhayan ng mamamayan ng Pio V. Corpus at Esperanza, at ng Masbatenyo — NPA-Masbate

Matagumpay na naipatupad ng isang commando team sa ilalim Jose Rapsing Command-BHB Masbate ang operasyong demolisyon sa Matibay Cement Factory at Coal Power Plant na matatagpuan sa Brgy. Casabangan, Pio V. Corpus na ikinawasak ng mga pangunahing kagamitan at ekwepo. Alam namin na gagawin na naman ng kaaway ang maglubid ng kasinungalingan na ang pagpasabog […]

Nagpapatuloy ang pamamasismo at kriminalisasyon sa mga inosenteng sibilyan ng magkakutsabang sundalo at pulis sa prubinsya ng Masbate

Mariing kinokondena ng Jose Rapsing Command-BHB Masbate ang nangyaring pagmasaker sa dalawang magsasaka kabilang ang isang menor de edad na batang lalaki sa hangganan ng Brgy. Mahayahay at Guinhan-ayan, Placer, Masbate noong Hunyo 17, 2020, bandang alas 8:30 ng gabi. Kinilala ang mga biktima na sina Rogen Orcales Languido, 40 anyos at mag amang Danny […]

Malisyoso at walang batayan ang pagdadawit sa JRC-BHB Masbate ng 2nd IBPA at PCG

Kahapon ay ibinalita sa online news na Bicol News Express na nakabase sa Sorsogon City ang pagpapasabog sa isang commercial roro vessel na M/V Penafrancia na pagmamay-ari ng Star Horse Shipping Line, Inc. Ayon sa balita, mga kasapi ng NPA ang pinaghihinalaang naghagis ng dinamita sa nasabing barko. Ito ay base sa magkatuwang na imbestigasyon […]

Desperadong operasyon ng 2nd IBPA, MICO at PNP Monreal para puuhin ang tuloy-tuloy na pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan sa Masbate at Iligal na pag aresto sa mga sibilyan, nagpapatuloy sa isla ng Ticao

  Nito lamang Pebrero 10, 2020, bandang alas tres ng madaling araw, sa So. Tagaytay, Bo. Maglambong, Monreal, Masbate ay iligal na inaresto ang apat na mga residente ng pinagkumbinang pwersa ng 2nd IBPA, MICO at PNP Monreal MPS. Sina Alex Almozara, Jun Betangcor, Gina Almozara at Aljon Alminana ay inaakusahang mga kasapi ng JRC-BHB […]

Peke at walang katotohanan ang naiulat na pagsurender ng 306 katao

Peke at walang katotohanan ang naiulat na pagsurender ng 306 katao na nais ipamarali ng 2nd IBPA at 9th IDPA. Ang totoo, milyon-milyong pondo mula sa E-CLIP ang napupunta sa korapsyon ng mga opisyal ng 2nd IBPA, 9th IDPA at PNP Masbate na pinagkakakitaan nila Wala nang mukhang ihaharap pa ang mga opisyal ng 2nd […]

Kundenahin at labanan ang pwersahang pagpapasuko sa mga sibilyan sa Cawayan, Masbate! Matagumpay na depensa ng JRC BHB Masbate laban sa 2nd IBPA.

Kinukundena ng Jose Rapsing Command(BHB Masbate) ang pwersahang pagpapasuko sa mga sibilyan sa bayan ng Cawayan, Masbate. Sa ginanap na Convergence and Peace Caravan noong Oktubre 30, 2019 na pinangunahan ng 2nd IBPA at iba pang mga ahensya ng burukrasyang sibil ay ipinagyabang ng AFP-PNP sa Masbate na may mahigit 126 di umanong mga NPA […]