Archive of Leona Paragua | Spokesperson

3-in-1Palawan: Salamangka ng monopolyong pandarambong ng mga imperyalista kasabwat ang mga taksil at tiranikong Duterte-Alvarez!

“Maghati para makapaghari” ang taktikang nuon pa man ay ginagamit ng mga imperyalistang mandarambong upang manakop ng bansa. Kung kaya’t malaking palaisipan sa mga Palawenyo ang magaganap na plebisito ng 3in1Palawan ngayong darating na Marso 13, 2021. Ang botong “Yes or No” ang magtatakda sa magiging husga upang hatiin ang isla ng Palawan bilang tatlong […]

Kondenahin ang kasuklam-suklam na panghaharang ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisda sa Kalayaan Island sa Palawan!

Malinaw ang pagyurak ng imperyalistang China sa soberanya at teritoryal na integridad ng Pilipinas. Nagpapatuloy ang pandarambong nito sa patrimonial asset ng bansa sa exclusive economic zone sa Recto Bank. Patuloy na pinatatatag ng China ang mga itinayong istrukturang militar sa mga isla at bahura sa Spratly Islands sa ngalan ng inimbentong mapa na 9-dash […]

Rebolusyonaryong Pagpupugay sa Pinakamamahal na Kasamang Justine “Ka Pia” Vargas, martir at bayani ng sambayanang Pilipino!

Pinagpupugayan ng buong rebolusyonaryong kilusan ng Palawan ang kahanga-hangang dedikasyon ni Ka Pia sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan hanggang sa kanyang huling hininga. Napaslang ang kasama sa isang labanan sa Occidental Mindoro nuong Setyembre 14, 2020 habang gumagampan ng kanyang mga rebolusyonaryong gawain nang mapalaban sa mga pasistang tropa ng 203rd Bde PA. Si […]

Pulang Pagpupugay kay Kasamang Bonifacio “Ka Nato” Magramo, Matapat na Lider ng Partido at Magiting na Lider ng Bagong Hukbong Bayan ng Palawan, at sa iba pang martir ng Brooke’s Point 5!

“Ang magbuhos ng dugo para sa bayan Ay kagitingang hindi malilimutan Ang buhay na inialay sa lupang mahal Mayaman sa aral at kadakilaan” Sa saliw ng awiting “Sulong mga Kasama” ay taas-kamao ang buong pwersa ng rebolusyonaryong kilusan ng Palawan bilang pagpapakita ng pinakamataas na respeto at pagpaparangal kay Kasamang Bonifacio Magramo na kilala bilang […]

Pinakamataas na Pulang Pagsaludo kay Kasamang Fidel V. Agcaoili, Bayani sa Puso ng Sambayanang Inaapi at Huwarang Lider ng Rebolusyong Pilipino!

  Walang anumang salita ang makakapaglarawan kung paano kami lubusang nakikidalamhati sa biglaang pagpanaw ni Kasamang Fidel V. Agcaoili. Nararamdaman namin ang malaking kawalan ng isa sa pinakamahusay, huwarang lider, tapat at buong–buong naglilingkod sa masang api at pinagsasamantalahan. Ang buong NDFP- Isla ng Palawan kasama ang lahat ng alyadong organisasyon nito lalo na ang […]

NDF-Palawan: Taas – kamaong pagbati sa Bienvenido Vallever Command – NPA-Palawan sa back to back na tagumpay sa inilunsad na taktikal na opensiba!

Buong galak at pulang pagsaludo mga kasama! Ipinararating ang pagbati ng NDFP-Isla ng Palawan sa mga pulang mandirigma ng Bienvenido Vallever Command na buong giting na isinakatuparan ang kanyang tungkulin na maglunsad ng taktikal na opensiba na dudurog sa mga ahente at pasistang AFP/PNP ng Rehimeng US-Duterte at Jose Chavez Alvarez. Sa dalawang ambush na […]

NDF-Palawan: Kundenahin ang FMO sa Palawan at ang pagyurak sa karapatan ng mga katutubong Palaw’n!

Harasment, intimidasyon, pagbabanta at iligal na interogasyon ang nararanasan ng mga komunidad ng mga katutubong Palaw’n sa sityo ng Lagasan, Bayug, Terongan at Naglakon na sakop ng barangay Aribungos sa bayan ng Brookes Point mula sa tila wala-sa-katinuang mga elemento ng 4th Marine Batallion Landing Team na nagsasagawa ngayon ng focus military operation. Ayon sa […]

NDF-Palawan: Mamamayang Palawenyo, Ubos-kayang manindigan upang labanan ang paghaharing militar ng Rehimeng US-Duterte! Labanan ang panukalang Anti-Terror Act!

Ang NDF-Palawan ay nagpapahayag ng mariing pagkundena at pagtutol sa panukalang Anti-Terror Act na kukumpleto sa hindi deklaradong batas militar at tiranikong paghahari ng pasista, korap, magnanakaw at berdugong si Rodrigo Roa Duterte. Nananawagan ang NDF-Palawan sa lahat ng makabayang pulitiko, mga patriyotikong mamamayan at sa lahat ng mga demokratiko’t rebolusyonaryong pwersa na nakikibaka para […]

Kondenahin ang Berdugong Atake ng AFP/PNP sa Rebolusyonaryong Kilusan sa Tabing ng Deklarasyon ng UCF ng GRP!–NDF-Palawan

Berdugo at umaagos ang dugo sa kamay ng pasistang AFP/PNP sa mga kriminal na pananagutan sa patraydor na pakana at atake sa rebolusyonaryong kilusan lalo na sa mga yunit ng BHB. Pinatunayan ng mga labanang naganap sa probinsya ng Rizal nuong Marso 28 at probinsya ng Quezon nuong Marso 31 at Abril 1 ang walang […]

Gobernador Jose Chavez Alvarez – Wescom sa Palawan, nangunguna sa paglabag sa implementasyon ng UCF ng GRP! — NDF-Palawan

“There will be no suspension of police and military operations to maintain peace and order and to quell any terrorist threat.” Ito ang nakalagay sa Executive Order No. 52 ng Governor’s Office ng Palawan, Series of 2020 na naglalahad ng “Comprehensive Directives For The Full Implementation of the Enhanced Community Quarratine (ECQ) under a “State […]