Archive of Fortunato Magtanggol | Spokesperson

Balik-probinsya-Balik Pag-asa Program, isang recycled na programang balak pagkakitaan ng rehimeng US-Duterte

HUNGKAG AT AMPAW ang planong Balik Probinsya – Balik Pag-asa Program (BP-BP) ng rehimeng US-Duterte bilang haligi daw ng balanseng pag-unlad sa mga malalayong rehiyon! Walang patutunguhan ang programang BP-BP hanggat hindi nauugat at nareresolba ang pundamental na problema ng masang anakpawis sa kawalan ng tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalsasyon. Hindi naman bago […]

NTF-ELCAC, parang asong ulol na pinakawalan ng rehimeng US-Duterte, desperadong tuluyang alisin sa ere ang ABS-CBN

Kitang-kita ang pagkapikon ni Rodrigo Duterte sa ABS-CBN. Ginagamit nya ang buong makinarya ng rehimeng US-Duterte upang ipawalang bisa ang prangkisa sa free airwave frequency na nakalaan sa kumpanyang pag-aari ng pamilya Lopez. Hindi na kayang pagtakpan, saan mang angolo tingnan na punong kapural ang pangulo sa sistematikong pagpapawalang bisa ng prangkisa nang ABS-CBN. Dahil […]

RCTU-ST: Regalo ni Duterte sa Mayo uno, panis na mumo!

Muli na namang napatunayan ang pagka-inutil, kriminal, pabaya, pahirap, korap at pasista ang rehimeng US-Duterte. Makatapos ang pagdiriwang ng pandaigdigang araw ng paggawa, gaya ng inaasahan ng mga manggagawa, walang ibinigay na magandang balita para sa mga manggagawa kundi panis na mumo si Rodrigo Duterte. Bagkus, kaliwa’t kanang paglabag sa karapatang pantao sa pamamagitan ng […]

Manggagawang Pilipino, magkaisa at ipaglaban ang karapatan sa harap ng pasismong Duterte!

Taas-kamaong nagpupugay ang Revolutionary Council of Trade Unions – NDF-Southern Tagalog (RCTU-NDF-ST) sa mga manggagawa Pilipino sa dakilang pagdiriwang nito ika-117 taon ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa buong daigdig! Gugunitain ng buong uring manggagawa ng daigdig ang makasaysayang araw na ito sa gitna ng tumitinding pananalasa ng pandemikong Covid-19 at ibayong panunupil ng mga […]

Ipagdiwang ang Ika-47 Anibersaryo ng NDFP! Iligtas ang bayan sa panganib ng pandemikong COVID-19 at sa pasista’t tiranikong rehimeng US Duterte! — RCTU-ST

Malugod na binabati ng lahat ng rebolusyonaryong proletaryado ng Timog Katagalugan sa ngalan ng RCTU-NDF-ST ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa ika-47 anibersaryo nito. Pinagpupugayan namin ang lahat ng mga martir at bayani ng rebolusyon sa rehiyon at sa buong bansa. Makasaysayan ang ginampanang papel ng NDFP sa matagumpay na pagsulong ng […]

Martial Law at paghaharing sibilyan-militar na junta sa Pilipinas, ilantad at labanan! — RCTU-ST

Ginagamit ng rehimeng Duterte ang krisis sa Covid-19 upang isulong ang kanyang pasistang adyenda para sa pagpapataw ng Batas Militar sa bansa at itanghal ang sarili bilang punong diktador na nasa serbisyo ng imperyalismong US tulad ng diktador na si Ferdinand Marcos. Sa simula’t simula pa lamang ng pagkaluklok sa poder ni Duterte, sinimulan nya […]

Militaristang katangian ng rehimeng US-Duterte, wakasan na! Pagpapahirap sa sambayanang Pilipino, tama na!

LANTAD NA ang rehimeng US Duterte sa pagiging inutil, korap, pahirap, pasista, kriminal at pabaya sa kagalingan ng mamamayang Pilipino. Hindi kayang pagtakpan ng kanyang mga alipores at tagapagsalita ang kapalpakan at mabagal pa sa usad kuhol na pagresolba ni Duterte sa kasalukuyang pananalasa ng nakamamatay na pandemyang Covid-19, kahit pa nga pinalitan ng oportunistang […]

Pondo para sa Covid-19, wag kurakutin!–RCTU-ST

Dapat pagbayaran ang KRIMINAL NA KAPABAYAAN ng rehimeng US-Duterte sa pagharap nito sa pandemya at nakamamatay na CoViD-19. MABAGAL pa sa usad-pagong ang pagkilos ng buong gubyernong Duterte para bigyan ng solusyon ang mabilis na pananalasa at pagkalat ng nakakamatay na virus. Umabot na sa 4,934 ang kumpirmadong kaso, 315 ang namatay at 242 ang […]

Labanan ang tuloy-tuloy na pahirap at pandarahas ng militar sa mga manggagawa ng rehiyong Timog Katagalugan! — RCTU-ST

Kinukondena ng Revolutionary Council of Trade Unions-NDF-Southern Tagalog (RCTU-NDF-ST) ang papatinding pasistang atake ng sabwatang militar at malalaking kapitalista sa hanay ng mga manggagawa sa rehiyong Timog Katagalugan kahit na nasa gitna ng pananalasa ng pandemyang CoViD-19. Imbes na ang pangunahing tugunan ay ang kaligtasan ng mga mamamayan laban sa nakamamatay na virus, sinamantala pa […]

Rebolusyonaryo at proletaryong pagpupugay sa ika-51 taon ng Bagong Hukbong Bayan! — RCTU-ST

Malugod na binabati ng Revolutionary Council of Trade Unions – NDF-Southern Tagalog (RCTU-NDF-ST) ang Bagong Hukbong Bayan sa ika-51 taong anibersaryo nito. Sa araw na ito, pinagpupugayan namin ang mga dakilang martir ng rebolusyon. Pinagpupugayan namin si Kasamang Julius “Ka Nars” Soriano Giron, kagawad ng Komiteng Tagapagpaganap at Kawanihang Pampulitika ng Komite Sentral ng Partido, […]