Archive of Florante Orobia | Spokesperson

Tatlong Pinatay ng Militar at Pulis sa Masbate, Mga Sibilyan at Hindi NPA!

Nakikiisa ang Santos Binamera Command – Bagong Hukbong Bayan Albay at ang mamamayang Albayano sa pagkundena sa panibagong pangmamasaker at iligal na pag-aresto na ginawa ng militar at pulis sa mga sibilyan nito lamang Set. 29 sa Brgy. Alas, Mandaon, prubinsya ng Masbate. Taliwas sa ipinalabas ng Joint Task Force Bicolandia na NPA ang naturang […]

Batid ng Masa ang Katotohanan sa Pamamaslang sa Dalawang Barangay Official ng Batbat at Ang Pagtanggi ng 9th IDPA at RTF-ELCAC ay Dagdag na Insulto sa Hinagpis at Dunong ng mga Albayano at Bikolano

Kamakailan, tahasang binaliktad ng 9th Infantry Division – Phil. Army (9th IDPA) ang naunang pahayag ng SBC-NPA Albay kaugnay sa pamamaslang ng mga elemento ng 49th Infantry Battallion – Phil. Army kina Batbat Brgy Capt. Luz Dayandante at Treas. Orlina. Kasuklam-suklam ang pagsisinungaling ng 9th IDPA at mga upisyal nito sa mismong pamilya at mga […]

Teroristang panggugulo ng 49th IB sa Ligao, paghahanda sa ilulunsad na okupasyong militar sa naturang bayan!

Ilang araw matapos ang brutal na pamamaslang sa barangay kapitan at ingat-yaman ng Brgy. Batbat, walang preno ang 49th IB sa paghahasik ng teror sa masang Albayano. Noong Setyembre 25, 9:00 ng umaga, walang habas na nagpaputok ang humigit-kumulang 30 elemento ng 49th Infantry Battallion-Phil. Army, sa pangunguna ng isang Lt. Acosta sa komunidad ng […]

Panagutin si Duterte at NTF-ELCAC sa Teroristang Pananalasa ng 49th IB sa Masang Albayano! Hustisya Para Kina Brgy. Chair Luzviminda Dayandante at Brgy. Treasurer Albert Orlina!

Sa mismong araw ng paggunita sa deklarasyon ng Martial Law, pinaslang ng mga elemento ng 49th Infantry Battallion-Phil. Army sina Brgy. Capt. Luzviminda M. Dayandante at Brgy. Treasurer Albert Orlina, mga sibilyang upisyal ng Brgy. Batbat, Guinobatan. Pinagbabaril ang naturang mga biktima sa Sityo Gumian, Brgy. Sinungtan, Guinobatan, habang pabalik sa kanilang baryo matapos makipagkonsulta […]

Masang Albayano, magkaisa at buong tapang na labanan ang teroristang 49th IBPA!

Mariing itinatakwil at kinamumuhian ng mamamayang Albayano ang 49th Infantry Battalion-Philippine Army. Sila at si Duterte, ang tunay na terorista at kaaway ng masang Albayano. Hindi kailanman malilimot ng taumbayan ang dugong inutang ng berdugong batalyon. Saanmang larangan ng labanan, mapagpasyang haharapin at bibiguin ng masang Albayano ang 49th IB at papatinding pasistang bigwas ng […]

Pahayag ng BHB-Albay sa masaker sa limang magsasaka ng Brgy. Dolos Bulan Sorsogon

Muling umatake ang mga pasistang militar sa pangunguna ng 31st IBPA kalahok ang pinagsanib na Special Action Force (SAF) ng PNP at PNP Bulan, sa Brgy. Dolos Bulan Sorsogon noong Mayo 8, 2020 sa ganap na alas-singko ng umaga. Pagsapit ng mga pasistang militar at kapulisan sa nasabing barangay, agad pinuntahan ang bahay ng limang […]

Pagkitil sa Malayang Pamamahayag at Bagong Buwis sa Panahon ng Epidemyang COVID-19 — NPA-Albay

Habang nananalasa ang epidemyang COVID-19 sa ating bansa, sumasabay din ang Duterte virus sa pag-atake sa kabuhayan at karapatan ng masang Pilipino. Sinasamantala nito ang umiiral na lockdown bilang tuntungan ng kanyang Batas Militar upang walang sagkang ipatupad ang kanyang mga pasista at neoliberal na hakbangin. Kasabay ng paggunita ng World Press Freedom Day, tuluyan […]

NPA-Albay: Batas Militar na Pakana sa Muling Pagpapailalim ng Albay sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) 

Sa halip na makinig at manindigan para sa taumbayan, interes ng negosyo at dikta ni Duterte at ng AFP ang sinunod ng Inter-Agency Task Force Albay sa pagbalik ng prubinsya sa ilalim ng pasistang total lockdown ni Duterte. Tiyak na nilalayon ng lockdown extension ang pigilan at hadlangan ang dagsa ng pagkilos at paglaban ng […]

NPA-Albay: Masang Albayano, Tutulan ang Nagpapatuloy na Militarisasyon at Banta ng Martial Law ni Duterte at ng AFP!

Pinatutunayan ng bantang Batas Militar ni Duterte ang palpak, pabaya at kriminal na pagharap ng rehimen sa krisis pangkalusugang hatid ng COVID-19. Sa halip na itigil, ginagamit ni Duterte ang walang habas na operasyong militar ng AFP at PNP laban sa Bagong Hukbong Bayan bilang tuntungan para isakatuparan ang kanyang ambisyong pasistang diktadura para patahimikin […]

Malisyosong Propaganda ni Cong. Alfredo Garbin Jr ng AKO-BICOL Party List–NPA-Albay

Ibinintang ni AKO-Bicol Partylist Cong. Pido Garbin kamakailan sa midya na ang nangyaring pananambang sa grupo nila Mayor Morilla kasama ang DSWD Albay at ang escort nitong kapulisan sa Libon, Albay ay kagagawan ng Santos Binamera Command-BHB Albay. Dapat umanong maging alerto at mapagmatyag ang militar at kapulisan kaugnay rito. Bakit ganoon na lamang kadali […]