Archive of Florante Orobia | Spokesperson

Ambus sa Brgy. Banquerohan, Legazpi City, Tugon sa Panawagang Hustisya at Dagok sa Nahihibang na Joint Task Force Bicolandia at mga ELCAC Task Forces

Tatlo (3) ang patay, isa ang sugatan at tatlong maiigsing armas ang nasamsam sa matagumpay na ambus na ilinunsad ng yunit ng Santos Binamera Command – Bagong Hukbong Bayan Albay laban sa mga elemento ng 31st Infantry Battallion – Phil. Army sa Brgy. Banquerohan, Legazpi City nito lamang Enero 17, 8:00 ng umaga. Ang naturang […]

Albayano, Itulak ang Pinakamalawak na Kilusang Masa sa Pagharap at Pagbangon sa Sakuna! Ilunsad ang mga Protestang Masa Laban sa Nagpapatuloy na Hagupit ng Supermega Typhoon Duterte!

Inaatasan ng Santos Binamera Command – Bagong Hukbong Bayan Albay ang lahat ng nakapailalim ditong yunit ng Hukbo na i-mobilisa ang mga Pulang mandirigma upang magbigay ng tuwirang pagtulong at sustenableng pagsuporta higit sa mga komunidad at eryang hindi pa naaabot ng ating pag-oorganisa. Mariin nating ipatupad ang mga sumusunod na hakbanging suporta at tulong […]

Panawagan sa Mamamayang Oasnon: Paghandaan at Labanan ang Atake ng 49th IB at RTF-ELCAC sa inyong Bayan!

Matapos maghasik ng teroristang karahasan sa mga bayan ng Guinobatan, Pioduran at syudad ng Ligao, inaasahang sasaklawin na rin ng mga operasyong Retooled/Modified Community Support Program ang bayan ng Oas. Sa darating na Oktubre 5, unang papasukin ng militar at pulis ang mga baryo ng Badbad, Mayag at Bangyawon. Dapat tutulan ng mamamayang Oasnon ang […]

26 Pekeng Pasuko sa Masbate: Dagdag Patunay na si Duterte, ang AFP at PNP ang Nangungunang Tagapagpalaganap ng Fake News at Disimpormasyon sa Bansa

Nakikiisa ang Santos Binamera Command-Bagong Hukbong Bayan Albay sa pagkundena sa panibagong serye ng pekeng pagpapasuko ng 26 sibilyan sa bayan ng Milagros, Masbate noong Setyembre 23, 2020. Sa naturang aktibidad, ipinagmayabang pa ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict na sa naturang prubinsya umano naitala ang pinakamaraming sumukong rebelde sa buong […]

Hinggil sa Gawa-gawang Engkwentro sa Ligao

Desperadong pagtakpan ng 49th Infantry Battallion at 9th Infantry Division ang kanilang krimen at motibo sa pagpaslang kina Batbat Punong Barangay Luzviminda Dayandante at ingat-yaman Albert Orlina. Naglunsad ng gawa-gawang engkwentro ang 49th IBPA kasama umano ang 92nd Division Reconnaissance Company sa Sityo Pagsabangan, Purok 7, Brgy. Oma-oma, Ligao City na ipinalabas bilang hot pursuit […]

Haras sa Manito, Albay, Dagdag Bigwas ng NPA-Albay sa Operasyong RCSP na Ilinulunsad ng Joint Task Force Bicolandia at Rehimeng US-Duterte sa Prubinsya

Pinagpupugayan ng masang Albayano ang operasyong haras na isinagawa ng mga yunit ng Santos Binamera Command -NPA Albay sa mga elemento ng pulis na nagkokondukta ng security patrol sa Purok 6, Brgy. Cawayan, bayan ng Manito. Sugatan sa naturang aksyon sina PSSgt. Roger Dajac at PSSgt. Melchor Guban habang ligtas na nakamaniobra ang mga Pulang […]

Tatlong Pinatay ng Militar at Pulis sa Masbate, Mga Sibilyan at Hindi NPA!

Nakikiisa ang Santos Binamera Command – Bagong Hukbong Bayan Albay at ang mamamayang Albayano sa pagkundena sa panibagong pangmamasaker at iligal na pag-aresto na ginawa ng militar at pulis sa mga sibilyan nito lamang Set. 29 sa Brgy. Alas, Mandaon, prubinsya ng Masbate. Taliwas sa ipinalabas ng Joint Task Force Bicolandia na NPA ang naturang […]

Batid ng Masa ang Katotohanan sa Pamamaslang sa Dalawang Barangay Official ng Batbat at Ang Pagtanggi ng 9th IDPA at RTF-ELCAC ay Dagdag na Insulto sa Hinagpis at Dunong ng mga Albayano at Bikolano

Kamakailan, tahasang binaliktad ng 9th Infantry Division – Phil. Army (9th IDPA) ang naunang pahayag ng SBC-NPA Albay kaugnay sa pamamaslang ng mga elemento ng 49th Infantry Battallion – Phil. Army kina Batbat Brgy Capt. Luz Dayandante at Treas. Orlina. Kasuklam-suklam ang pagsisinungaling ng 9th IDPA at mga upisyal nito sa mismong pamilya at mga […]

Teroristang panggugulo ng 49th IB sa Ligao, paghahanda sa ilulunsad na okupasyong militar sa naturang bayan!

Ilang araw matapos ang brutal na pamamaslang sa barangay kapitan at ingat-yaman ng Brgy. Batbat, walang preno ang 49th IB sa paghahasik ng teror sa masang Albayano. Noong Setyembre 25, 9:00 ng umaga, walang habas na nagpaputok ang humigit-kumulang 30 elemento ng 49th Infantry Battallion-Phil. Army, sa pangunguna ng isang Lt. Acosta sa komunidad ng […]

Panagutin si Duterte at NTF-ELCAC sa Teroristang Pananalasa ng 49th IB sa Masang Albayano! Hustisya Para Kina Brgy. Chair Luzviminda Dayandante at Brgy. Treasurer Albert Orlina!

Sa mismong araw ng paggunita sa deklarasyon ng Martial Law, pinaslang ng mga elemento ng 49th Infantry Battallion-Phil. Army sina Brgy. Capt. Luzviminda M. Dayandante at Brgy. Treasurer Albert Orlina, mga sibilyang upisyal ng Brgy. Batbat, Guinobatan. Pinagbabaril ang naturang mga biktima sa Sityo Gumian, Brgy. Sinungtan, Guinobatan, habang pabalik sa kanilang baryo matapos makipagkonsulta […]