Archive of Carlito Cada | Spokesperson

Mag-amang Sibilyan sa Camarines Norte, Panibagong Biktima ng Pamamaslang ng 96th IB PA

Natagpuang bangkay malapit sa kanilang bahay sa Purok 6, Dumagmang, Labo Camarines Norte ang mag-amang sina Louis Buenavente at Jetly Buenavente. Basag ang mukha at parehong may tama sa dibdib ang mag-ama. Malapit ang bahay ng mga biktima sa lugar kung saan naganap ang matagumpay na reyd ng BHB Camarines Norte sa 1st Platoon ng […]

Reyd ng BHB sa Tropa ng PNP 2nd Provincial Mobile Force Company sa Dumagmang, Labo Camarines Norte, Tagumpay!

Isang solido at makabuluhang tagumpay ang nakamit ng Armando Catapia Command – Bagong Hukbong Bayan Camarines Norte sa isinagawang reyd laban sa tropa ng Camarines Norte 1st Platoon ng 2nd Provincial Mobile Force Company na pinamumunuan ni PLT. Louie James Amoy sa Purok 6, Barangay Dumagmang, Labo, Camarines Norte nitong ika-9:30 ng gabi, Marso 19, […]

Pagpapaigting ng Militarisasyon sa pagharap sa matinding krisis dulot ng COVID-19, Hindi Solusyon! — NPA-Camarines Norte

Sa halip na tugunan ng rehimeng US-Duterte ang kagyat na pangangailangan ng mamamayan para sa ligtas na pagharap sa COVID-19, mas pinili ni Duterte ang pagkontrol sa mamamayan sa pamamagitan ng mala-martial law na pagtake-over ng AFP-PNP sa mga checkpoints at quarantine Zones upang pigilan ang pagkalat ng epidemya. Ang ganitong pagharap ng rehimeng US-Duterte […]

Operasyong militar ng AFP-PNP sa ilalim ng JTF-ELCAC nagkamit ng kaswalti sa Camarines Norte

Isang opisyal ng 96th Infantry Battalion ang napatay sa isang sagupaan sa pagitan ng yunit sa ilalim ng Armando Catapia Command-NPA Camarines Norte at Pinagsanib na pwersa ang 96th IB Philippine Army at 2nd Provincial Mobile Force Company, umaga nitong Ika-22 ng Enero 2020 sa Barangay Malaya Labo, Camarines Norte. Ang nasawi na si 2nd […]

Dumadaluhong na operasyong militar sa kabila ng unilateral ceasefire mapagpasyang hinarap ng Armando Catapia Command sa Camarines Norte

Mapagpasyang hinarap ng Armado Catapia Command-BHB Camarines Norte ang malakihan at tuloy-tuloy na operasyong militar ng 9IB, 92nd DRC Philippine Army bandang ika-siyam ng umaga ngayong ika-23 ng Disyembre sa Barangay Ba’ay , Labo Camarines Norte. Isa ang napatay at anim ang sugatan sa pwersa ng AFP habang ligtas na naipagtanggol ng BHB ang kanilang […]

ACC kaisa sa pagkundena sa malalang paglabag sa karapatang-tao ng AFP at PNP

Nakikiisa at sumusuporta ang Armando Catapia Command- NPA Camarines Norte (ACC-BHB) sa pagkundena ng NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) sa AFP at PNP sa malubhang paglabag sa karapatang-tao . Hindi kaiba ang dinaranas ng mga Sorsoganon sa mga taga Camarines Norte sa ilalim ng Focused Military Operations at Community Support Program Operations (CSPO). Isinailalim sa nasabing […]

Pamamaslang ng 83rd IBPA ng mga sibilyan sa Catanduanes, pasistang atake sa ilalim ng rehimeng US-Duterte

Mariing kinokundena ng Armando Catapia Command (ACC) – NPA Camarines Norte¬†¬† ang pamamaslang ng 83rd IB PA sa dalawang mangingisda sa Jose Panganiban, Catanduanes nitong Setyembre 23, 2019 . Marubdob na nakikidalamhati ang ACC sa pamilya ng mga biktima at kanilang mga naulila at kaisa sa kanilang paghahangad ng katarungan. Para pagtakpan ang krimen, pinalabas […]

Pagpupugay sa mga rebolusyonaryong Martir

Marubdob na nagpupugay at dinadakila ng Armando Catapia Command (ACC)-NPA Camarines Norte ang mga martir ng rebolusyon na sina Ronie “Ka Jake” Abellada Bongcolmo at Rogelio “Ka Oris” Rato kapwa ng NPA West Camarines Sur , Ka Obet at Ka Cardo ng NPA East Camarines Sur . Sila ang mga Pulang kumander at mandirigma ng […]

Brutal na pagpatay kay William Tailon, panibagong lagim ng pasismo sa ilalim ng rehimeng US-Duterte

Si William Tailon, mas kilala bilang ‘Ka Wang’ ng kanyang mga kababayan, 59 taong gulang ng Brgy. Larap, Jose Panganiban ay walang awang pinaslang at itinapon sa gilid ng Capalonga St., Camarines Norte Hunyo 22 taong kasalukuyan. Ayon sa asawa ni Tailon, tumawag sa kanyang asawa noong Hunyo 21 ng gabi ang kakilala nilang pulis […]

Hinggil sa Engkwentro sa Tuaca, Basud Camarines Norte

Mariing pinabubulaanan ng Armando Catapia Command-NPA Camarines Norte na may naganap na engkwentro sa pagitan ng kanilang yunit at pwersa ng PNP bandang alas-6 ng umaga noong Marso 3, 2019 sa Purok 1, Tuaca Basud Camarines Norte na ikinasawi di-umano ng isang myembro ng NPA. Ang totoo WALANG yunit ng NPA ang nakasagupa ng pwersa […]