Archive of Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)

Ang mga traydor sa kilusan ay lehitimong target ng NPA

Nanawagan kamakailan si Maj. Gen. Henry Robinson Jr., kumander ng Joint Task Force Bicolandia at ng 9th Infantry Division, sa CPP-NPA sa rehiyon na tigilan na ang pagpatay sa mga sumukong NPA na aniya’y nagbabagong-buhay na at namumuhay nang tahimik. Reaksyon niya ito sa pinakahuling operasyon ng NPA-Sorsogon nitong Abril 22 kung saan napatay ang […]

Isang kwarto ng Kabiguan para sa JTFB

Walang makabuluhang tropeyong maipapangangalandakan sa publiko ang Joint Task Force Bicolandia (JTFB) matapos ang sunud-sunod na bigwas ng aksyong militar sa buong rehiyon nitong unang kwarto ng 2021. Ngayong Abril, nagkukumahog ang buong Regional Task Force To End Local Armed Conflict (RTF-ELCAC) sa pagtatakip ng kanilang mga palpak na operasyong paniktik at operasyong kombat laban […]

Pagpupugay sa NDFP!

Binabati ng Santos Binamera Command – NPA Albay (SBC NPA – Albay) ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa ika-48 nitong anibersaryo ngayong Abril 24, 2021. Higit na sumusulong ang gawaing pakikipagkaisang prente sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng mamamayan. Ang patuloy na pagpapabaya sa mamamayan ng rehimeng US-Duterte ay lalong nagtutulak sa […]

Intel operative ng 31st IB, Norberto Bandojo, patay sa operasyon ng NPA

Napatay sa operasyong partisano ng NPA ngayong araw si Norberto Bandojo alyas Patrick, isang aktibong elemento ng CAFGU at intelligence asset ng 31st IB laban sa rebolusyonaryong kilusan, sa kanyang tirahan sa Barangay Sta. Cruz, Barcelona, Sorsogon. Si Bandojo ay isa sa mga nagkokoordina ng lambat ng mga impormer ng militar sa ilang baryo ng […]

Bukas na mensahe kay Mayor Romeo Gordola ng Bulan

Hindi katanggap-tanggap ang iyong mga aksyon o kawalan ng aksyon sa harap ng walang pakundangang pandarahas at panggigipit ng 22nd IBPA at iba pang pwersang militar at pulis sa mga taga-Bulan. Makalipas ang halos isang taon, ni ha, ni ho ay wala kang itinugon sa daing ng mga naulila ng limang magsasakang minasaker ng mga […]

Hindi naging NPA si Kaday Fombuena

Dalawang linggo naming hinintay ang kumpirmasyon ng 31st IB na si Raymundo “Kaday” Fombuena ay kabilang sa mga tinatawag nilang “rebel returnee” na una naming narinig kay PNP-Barcelona Chief Christine Llorin. Hindi na kami nasorpresa sa opisyal na pahayag ng batalyon sa radio program nila ngayong araw na si Kaday ay benepisyaryo nga ng kalokohang […]

Sa 31st IB, better luck next time

Nabalitaan namin ang rally sa sentro ng Barcelona, Sorsogon kahapon ng umaga, Abril 8, na pinasimunuan ng 31st IB at nilahukan ng mga pinasurender na dating NPA at sibilyan. Namonitor namin ang byahe ng trak na humakot sa mga surenderi papunta sa benyu ng rally. Candle-lighting daw ang tampok na bahagi ng aktibidad. Hindi gaanong […]

93rd Special Action Company, instrumento ng RTF-ELCAC, pinarusahan ng NPA!

Matagumpay ang mga operatiba ng Santos Binamera Command – NPA Albay (SBC – NPA Albay) sa pananambang sa isang back-to-back na sasakyan ng mga elemento ng Philippine National Police (PNP) nitong nakalipas na Abril 3, 2021 sa Brgy. Aliang, Ligao City, bandang 8:30 ng umaga. Binabaybay ng isang yunit ng 93rd Special Action Company (93rd […]

Ipagtanggol ang masang Bikolano mula sa diktadura ni Duterte! Pag-ibayuhin ang armadong pakikibaka sa rehiyon!

Download statement here: PDF Binabati ng Romulo Jallores Command ang mga pulang kumander at mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan, milisyang bayan at yunit-pananggol sa sarili sa pagdiriwang ng buong bansa sa ika-52 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Bagong Hukbong Bayan. Pinakamataas na pulang pagsaludo ang iginagawad sa lahat ng nag-alay ng buhay para pagsusulong ng […]

Itaas ang antas ng ating pakikibaka sa ika-52 na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan!

Nagpupugay ang Santos Binamera Command NPA – Albay (SBC-BHB Albay) sa lahat ng magigiting na Pulang mandirigma at mahuhusay na mga kumander ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa buong kapuluan. Taas-kamaong pinagpupugayan din natin ang mga kasamang martir na nauna nang nagbuwis ng kanilang buhay bilang pinakamataas na sakripisyong kanilang inialay alang-alang sa sambayanang Pilipino. […]